CORTEZ: Grace Poe, panalo!

February 7, 2016 at 7:38 pm Leave a comment


brando-maso
Top choice na muli ang susunod na Presidente ng Pilipinas na si Grace Poe sa latest survey ng Pulse Asia.
Nakabawi na si Grace Poe sa survey ratings, parang FPJ movie nga naman, binubugbog muna hanggang sa kahulihan ay nagwawagi din.
Nakakuha po siya ng 30 percent at may lamang siyang 7 percentage points sa secong placer.
Lamang naman si Poe ng 10 percentage points sa nag-tie sa 3rd place.
Ibig sabihin, kung 50 million voters ang boboto… lalamang si Grace Poe ng 3.5 million votes sa secong placer at lalamang naman siya ng 5 million voters sa 3rd placer.
Panibagong sigla na naman ang bigay ng balitang ito sa Friends of Grace Poe na pinangungunahan ni Boss Rosendo. Tama po ba ex-vice mayor ng Rosales Romy Sim?
ESCUDERO PA RIN! Ang pangunguna naman ng susunod na Vice President ng Pilipinas na si Chiz Escudero sa 33 percentage points.
Lamang si Escudero ng 10 percentage points sa second placer at 15 percentage points naman sa 3rd placer.
Ibig sabihin, lamang si Escudero ng 5 million votes sa second placer at 7.5 million votes naman sa 3rd placer.
KIMI COJUANGCO PA RIN SA 5TH. Ayon sa isang survey na ating nakita, malayo ang lamang ni Cong Kimi Cojuangco sa kanyang kalaban para sa congressional seat sa 5th district ng Pangasinan.
Sabi ng source natin, na talagang naghahabol yung gustong sumungkit ng congressional seat sa 5th kaya naman hanggang sa malalayong barangay ay may mga tarpaulin na siya.
Tama naman ang ginagawa niya dahil siya ang dehado.
IN ENEMY LAND. Naimbiitahan pala si Cong Mark Cojuangco sa bayan ng Bugallon nitong nakaraang linggo.
Mayor sa bayan ng Bugallon ang kapatid ng kalaban ni Cojuangco for governor.
Naimbitahan si Cojuangco ni Vice Mayor Ric Orduna na ngayon ay magbabalik na mayor ng Bugallon.
ROMAN ROMULO. Nakasama po namin ang walang pagod at masayahing si Shalani Romulo sa pag-ikot sa Pangasinan at Pampanga.
Isa sa pinuntahan ni Shalani Romulo ang bayan ng Bugallon at binisita niya ang simbahan sa area ng Salasa na pinag-mulan ng Angkan ng Romulo.

Inamin ni Mayor Ric Orduna na ngayon lang niya nalaman na si Roman Romulo pala ay anak ng Bugallon kaya naman itinataguyod niya ang kandidatura ni Romulo sa Senado.
Sa pagbisita namin kay Angeles City mayor Ed Pamintuan, nakausap ni Shalani at Boss Rosendo si Alex Cauguiran na expert sa mga airport.
“We believe that NAIA is in a situation worse than EDSA [Efipanio Delos Santos Avenue]. Delays in flights due to congestion of air traffic resulting (in) untold opportunity losses, is already regular occurrence. There is no option at hand other than opening a new international airport which would take decades and tens of billions of pesos to complete,” Cauguiran said.
Sinabi ni Cauguiran na dapat magkaroon ng dual airport system ang Pilipinas dahil hindi na kaya ng NAIA ang present air traffic at lalong hindi makakayanan ng NAIA ang iar traffic sa sususnod na 10 years.
Ang capacity ng NAIA ay 40 aircaraft movements per hour pero nagiging mapanaganib sa ibang oras kung saan ang aircaraft movement ay 48 na.
Ang  traffic volume sa NAIA ay 32,865,000 passengers noong 2013 at 34,015,169 passengers noong 2014.

Iyan po ay nangyayari kung naranasan niyo na ang tagal niyong maglanding. Parang paikot-ikot lang kayo sa taas. Wala kasing ma-landingan.
Solution: Clark International Airport. Palawakin, paunlarin, palaganapin ang gamit ng Clark Airports.
Sinabi rin ni Cauguiran na iyong maliliit na eroplano ay sa Clark na lang sana.
Noong minsang nakausap nina Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero si Cauguiran at naihayag ang present state ng airport system sa Pilipinas, kinalap -agad agad ang mga datos at naghain ng resolution sa senado ang dalawa.
Inihain nina Sen.Poe at Esudero ang Senate Resolution Number 1728 is entitled “Resolution expressing support to the development of Clark International Airport in Pampanga under a four-pronged approach and urging in the process the appropriate committees of the Senate to look into the matter with the end in view of enacting legislative measures to address the same.”
Of course dapat marami pang airports ang dapat ikalat sa buong Pilipinas para pantay ang kaunlaran sa iba’t ibang regions.
Naglabas naman ng hinaing si Shalani Romulo na unfair ang mga airline companies.
Bakit may penalty ang mga pasahero kapag hindi sila on time sa booking schedule? Bakit kapag late ang pasahero may fine?
Bakit naman kaya walang fine o penalty kapag late ang flight ng eroplano? Nasaan ang hustisya? Tama po ba madam Shalani? Hahaha!
Kapag ang pasahero ang nagpa-rebook o nagpalit ng schedule…may penalty ang pasahero!
Kapag ang airline ang nag-reschedule sa pasahero…walang penalty ang airline! Nasaan ang hustisya? Hindi po ba madam Shalani? Hahaha!
GREATER PANGASINAN. Alam niyo po ba na ang lumang Pangasinan ay mula sa Bayan ng Paniqui sa Tarlac hanggang sa Bayan ng Aringay sa La Union?
Kung ipinanganak ka sa Paniqui, Tarlac eh puede mong sabihin na anak ka ng Pangasinan!
Kung ipinanganak ka sa Aringay, La Union eh puede mong sabihin na anak ka din ng Pangasinan!
Inamin ni San Carlos City Mayoral candidate Bogs Resuello na sila ni Ayoy Resuello ay hindi ipinanganak sa San Carlos City.
Pero, hindi naging isyu iyon sa mga botante ng San Carlos City.
Patuloy na pinagtitiwalaan ng mga taga-San Carlos City nag magkapatid na Resuello sa pagiging lider ng minamahal nilang city.
Mayor Art Celeste ng Alaminos City, sounds familiar po ba? Hahaha!
GOOD EVENING. Iyan ang parating bati sa amin sa umaga ng isang tao na very colorful ang buhay. Good evening dahil daw sa gabi nangyayari ang mga masasarap ng bagay sa buhay ng tao tulad ng… hahaha!
Noong nawala ako sa sirkulasyon sa Pangasinan ay mapalad akong napasama sa isang grupo ng mga beterano sa mundo ng journalism kaya naman marami akong natutunan.
Ang isa sa mga naging teacher natin ay si Manong Cipriano ‘Cip’ Roxas, dating editor in chief ng Manila Standard, dating presidente ng “FOCAP” (Foreign Correspondents Association of the Philippines) at dating opisyal ng National Press Club.
Kamamatay lang niya at totoo sa sinabi niya noong mga panahon na naghaharap kami na may hawak na bote, walang lamay na nangyari. Ayaw ni Manong Cip na makita siya ng mga tao na patay na siya.
Kapag sinabi niya yung word na ‘club’ eh walang iba kungdi yung National Press Club. Pero kapag humaba na ang usapan may mga ibang club naman na pina-uusapan din. Hahaha. Tama po ba Sec Milt?
PLUNDER THROUGH GRAND CONSPIRACY. Lumabas na ang Report Blue Ribbon Sub Committee na pinamunuan ni Sen. Koko Pimentel.
The subcommittee, in its partial report, said that there was “plunder through grand conspiracy” in the overpricing of the structure by at least P1,124,137,306.7 to as high as P1,389,069,379.14.
Haaay naku! P1.1 bilyon hanggang P1.3 bilyon pala ang findings ng committee.
Si Sen. Alan Cayetano ay ka-tandem ngayon ni mayor D habang si Sen. Trillanes ay may warrant of arrest sa complaint ni Binay na libel.
Siyempre ang sagot ni Binay ay, politika lang ang lahat ng ito.

Entry filed under: News. Tags: .

Chua: I focus on programs, not political attacks NEW POLICE OIC

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: