EDITORIAL: Isalba ang mga gusaling yaman at pamana ng kultura

February 1, 2016 at 10:00 am Leave a comment


“Huwag gibain, sirain o baguhin.” Yan ang buod ng sulat na petsang Enero 6, 2016 ni Chair Maria Serena Diokno ng National Historical Commission of the Philippines (NHCCP) kay Bayambang Mayor Ricardo Camacho. Ang sulat ay patungkol sa mga natitirang gusaling Gabaldon sa loob ng Bayambang Central School na itinayo pa noong mga taong 1920s sa panahon ng Commonwealth sa ilalim ng mga Amerikano.001
Ang pagpapatayo ng gusaling Gabaldon ay nakapaloob sa Commonwealth Act No. 1081 na iniakda ng Nueva Ecija Assemblyman Isauro Gabaldon na kung saan kinuha ang pangalan ng mga gusali. Dinisenyo ito ng Amerikanong arkitekto na si William Parsons.
Makasaysayan ang mga gusaling Gabaldon sa mga loob ng mga paaralan at sa Bayambang pilit nilang iwaksi ang kasaysayang ito dahil sa hangaring gawing “mall” at “transport” terminal ang kinalalagakan ng paaralan. Ipinagpalit ang lokasyon ng paaralan na may kabuuang 3.2 ektarya sa 2.2 ektaryang pribadong pag-aari ng negosyanteng Willy Chua sa Barangay Bical Norte.

Masalimuot ang usapin sa pagpapalipat ng mga guro at mag-aaral sa bagong gusali sa Bical Norte noong 2013. Hindi sinang-ayunan ng mga magulang sa pamumuno ni Ginang Filipinas Alcantara dahil malayo na ito na puntahan ng mga mag-aaral. Subalit nag- “taingang kawali” ang mga opisyales ng bayan na lumalabas na ang kanilang personal na interes ang nagingibabaw.
Sa mga isyung ito, bakit naging bingi ang pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Gobernador Amado T. Espino Jr.? Bakit wala man lang nagsabi kung ano ang posisyon ng lalawigan tungkol dito? Ang gobernador ba ay may hudyat sa pagpapalipat ng lokasyon ng paaralan? Ating tandaan na ang bagong lokasyon sa Bical Norte ay dating pag-aari ni Gobernador Espino at ibinenta lamang ito sa halagang P150,000 kay Chua. Nasaan ang pagpapahalaga ng pamahalaang panlalawigan sa pagpreserba ng pamanang kultura?
Noong 2010, sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 147-2010 itinatag ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang Pangasinan Historical and Cultural Commission (PHCC) na ang isang layunin ay ibayuhing ipreserba ang kasaysayan at kultura ng lalawigan. Naatasan ding manaliksik sa mga kasaysayan at kulturang makatotohan sa bawat munisipyo at magsilbing tagapayo sa gobernador at sa Sangguniang Panlalawigan sa mga usaping ito.
Sa isyung gusaling Gabaldon, ano naman kaya posisyon ng PHCC? Gaya rin kaya ito na nagmistulang bulag ang mga miyembro nito ng baguhin ang desinyo ng loob ng Capitol na isa ring maituturing yaman at pamana ng kultura?
Panahon na upang bigyang halaga at pansin ang mga gusaling matagal ng itinatag na nagbibigay sa atin ng tunay na buod ng kasaysayan. Tayo naman ay mapagmasid at ipaglaban ang kahalagahan ng kasaysayan

Entry filed under: News. Tags: .

Senator Grace Poe: an epitome of a compassionate and unifying leader Chiz urges government to study  impact of El Nino on garlic prices

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: