CORTEZ: Chiz on SSS: ‘Pag gusto palaging may paraan, ‘pag ayaw palaging may dahilan

February 1, 2016 at 9:19 am Leave a comment


brando-maso
 
Mismong si Supreme Court Chief Justice Sereno ang nagsabi sa oral arguments na ang mga pointed batas ng bansa patungkol sa adoption ay kumikilala sa mga foundlings o mga sanggol na hindi alam kung ang mga magulang ng mga nasabing bata ay may magulang na Filipino citizens.
 
Sinabi ni CJ Sereno na isang ‘IMPOSSIBLE CONDITION’ para sa isang foundling na siya ang magpatunay na siya ay isang natural-born at isang Filipino citizen.
 
Iyan ay mga statement na nagpapalakas ng tiwala ng kampo si Sen. Grace Poe na may laban sila sa Korte Suprema at patuloy ang kandidatura para Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
 
Sinabi ni CJ Sereno na magdedesisyun ang Korte Suprema, hindi dahil kay Grace Poe kungdi para sa lahat ng mga foundlings at sa mga taong gustong mag-ampon
 
“What this court will say will speak to [the parents]. They will make the decision matrix depending on how we view our constitutional duty to be, whether we find it by saying the language is silent so rights of foundlings are completely silent, or it will go through a situation where it will resort to interpretation in accordance with not only statutory construction, but also judicial interpretation and also administrative practices in order [for] a just and right ruling will result.” Sereno said.
 
Sinabi ni senator Chiz Escudero na kung gugustuhin lang ng gobyerno ay may pondo para sa P2,000 per month na dagdag benepisyo sa SSS pensioners.
 
“Maraming nagsasabi na ito ay threat. Ano ‘to takutan? Ano ‘to hostage? Alam niyo may simpleng kasabihan tayo sa wikang Filipino. ‘Pag gusto palaging may paraan, ‘pag ayaw palaging may dahilan,” ani ni Escudero na kandidato para vice president sa 2016.
 
Naguguluhan sa totoong number ng SSS retirees
 
Naguguluhan si senador Chiz Escudero sa totoong bilang ng SSS retirees, merong 1.1 million merong 1.5 million at merong 2.1 million
 
 “Ang SSS ang nagsimulang mag-present sa amin. Sabi nila, 1.1 million ng retirees. Naging 1.5 sa kalagitnaan. Nung vineto ni Pangulong Aquino, aba’y biglang 2.1 million na yung retirees kaya umaabot na ng 50 billion bigla yung kailangang bayaran,” sabi ni Escudero.
 
Ang basehan ng P50 Bilyon yearly pesion fund na kailang ay base sa 2.1 million retirees na tatangap ng P2,000 per month.
 
“At Php2, 000 per month times 13 times 2.1, ‘yun ‘yung 50 billion na sinasabi nila,” Sabi ni Escudero.
 
Rosales Councilor Romy Sim, kumusta na po ang Friends of Grace Poe Rosales Chapter?
 
“Pero nung una silang humarap sa amin 1.1 million lang daw yung retirees. Ano ba talaga?” tanong ni Escudero.
 
Kailan mababangkarote ang SSS sa 2029 o 2027?
 
Sabi ni Escudero na iyong pag-doble ng figures na dating 1.1 sa mga hearing na naging 2.1 million retirees sa veto ni Presidente Aquino ang ay  isang malaking tanong.
 
“Tinanong namin lahat ‘yun. Ang sinabi nga nilang figures sa amin noon ay halos kalahati ng sinasabi nilang figures bigla ngayon,” sabi ni Escudero.
 
Sabi ni Escudero na inconsistent ang projected nilang date of bankruptcy ng SSS.
 
 Noong mga senate hearing ay sa 2029 ang sinasabi ng SSS na bangkarote sila pero nang si Presidente Aquino ang nagsalita ay 2027 na ang petsa ng bankruptcy ng SSS.
 
“Pangalawa, sabi nila nung humarap sila sa amin, 2029 raw mababangkarote,” sabi ni Escudero. “Biglang nung vineto ni Pangulong Aquino, 2027 na bigla mababangkarote.” Anong nangyari du’n sa dalawang taon bigla?
 
38% lang ang collection efficiency!
 
Sabi ni Escudero na dapat itaas ang collection efficiency ng SSS. Gawin ang tamang trabaho sa mapataas ang collection.
 
Bayambang ABC President Berting Dumalanta, kumusta na po ang Friends of Grace Poe sa bayan niyo?
 
Kandidato pala for councilor ng Bayambang ang anak niyo na si Philip Dumalanta.
 
“Bakit 38% lamang ang collection efficiency ninyo?” tanong ni Escudero sa SSS.
 
“Ngayon gusto niyo mag-relax. Gusto niyo mag-easy-easy. Ayaw niyong gawin ng tama yung trabaho niyo tapos sasabihin niyo, ay hindi kaya,” dagdag ni Escudero. “Samantalang kung gagawin lamang nila yung trabaho nila, kakayanin at kayang-kaya.”
 
Makatarungan ba ang bonus ng mga opisyal ng SSS o ang dagdag pension sa retirees?
 
Dahil 38% lang ang collection efficiency, natural na mababa ang pondo para sa dagdag na pesion para sa retirees pero bakit umabot ng P7 milyon ang bonus ng mga opisyal ng SSS last year?
 
“Kung talaga kulang yung pondo para dagdag pensiyon, hindi ba dapat mas kulang ‘yung pondo para sa malaking bonus,” sabi ni Escudero. “Hindi rin yata tama at makatarungan ‘yon.”
 
Bok Nani, kandidato pala for councilor ng Alaminos City ang anak mo na si Red Braganza.
 
Walang pension fund na nalugi sa buong mundo
 
Sabi ni Escudero na wala pang pension fund na nalugi sa buong mundo at ito at palaging pinopondohan ng pamahalaan.
 
“Kung yung CCT nga na-dole out, isang daang bilyon kada taon ang ginagastos ng gobyerno.sabi ni Escudero. “Ano ba naman yung pondohan din ng gobyerno ito habang kulang pa at kung saka-sakaling kukulangin.”

 
Ang Attorney ng Bayan na si BM Romeo Evangelista ay kandidato pala for regular board member ng 1st district ng Tarlac sa grupo ng NPC.
 
VP NA MAY PUSO. Si Senadora Chiz Escudero lang ang VP candidate na may puso!
 
Inamin ni Sen Chiz na ang pinakamahirap na tanong na naitanong sa kanya ay kung bakit siya ang dapat iboto for vice president.
 
“Ang pinakamahirap po na tanong na natanong sa akin ay kung bakit po namin kayo iboboto?, sabi ni Sen Chiz.
 
“ Para noong sumasali ako sa organisasyon ko sa UP, ‘yun po palagi ang pinakamahirap na tanong. Why should we accept you?” dagdag pa niya.
 
Ang sagot ni Sen chiz ay kinuha niya sa sagot ni Miss Univers Pia Wurtzbach.
 
“Buti na lang po at dumating at magpaparada si Pia Wurtzbach dahil nung tinanong siya, why should you be the next Miss Universe?” Sabi ni Sen. Escudero. “Ang sagot po niya because I am confidently beautiful with a heart.”
 
“Yun din po ang sagot ko. Sa lahat ng tumatakbo, ako lang po a ng may pruweba, may kontratang pinirmahan, may picture. Ako po ay may Heart.” Sabi ni Sen Escudero.

Entry filed under: News. Tags: .

SM City Rosales holds drum and lyre contest Q & A: I got visions while my critics blabber – Mayor Belen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

February 2016
S M T W T F S
« Jan   Mar »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
2829  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: