EDITORIAL :  ‘High 5’ para kay Senadora Grace Poe

January 25, 2016 at 7:57 am 1 comment


 
 
Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng listahan ng mga kakandidato sa pagka-pangulo, pangalawang pangulo at mga senador para sa May 9, 2016 na pambansa at lokal na halalan. Bagamat ang listahan, ayon sa Comelec, ay ” tentative” pa lamang, di mapapasubalian na ito ang magiging opisyal dahil gahol na ng panahon sa pag-iimprinta ng mga gagamiting balota.northernwatch cartoon 1-25-16
 
Walo ang tatakbo sa pagkapangulo. Ang kampo ni Senadora Grace Poe ay parang nabunutan ng tinik dahil ang pangalan nito ay naisali sa listahan datapwat mayroon pa ring dinidinig sa Korte Suprema na kaso tungkol sa pagdiskwalipay sa kanya bilang kandidato sa pagkapangulo ng Comelec.
 
Sinimulan na noong Enero 19 ang unang pandinig sa inihain ng kampo ni Poe kontra sa Comelec. Ayon sa kampo ni Poe, nakagawa ang Comelec ng ” grave abuse of discretion” ng ideklara na ang “Certificate of Candidacy” ay naglalaman ng ” material misrepresentation” sa kanyang paninirahan dito sa Filipinas at pagsasabing siya ay isang “natural born Filipino” bagamat siya ay “pulot” lamang.

 
Dahil matagal ang proseso sa pandinig sa Korte Suprema tungkol sa mga kaso kay Poe, minarapat ng Comelec na siya ay opisyal pa rin na kandidato sa pagka-pangulo. Ang Korte Suprema lamang ang makapagbibigay ng pinal o huling desisyon sa usapin ng kanyang diskwalipikasyon.
 
Sa inilabas na listahan ng Comelec, ika-lima si Senadora Poe. Ang “5” ay ginagamit sa pagtugon ng aprubado. “High 5″ ang tawag dito ng mga kabataan na pag aprubado ang mga pinag-uusapan, kalimitang sinasabi ang ” Give me 5″, sabay taas ang kanang kamay at ilalapat sa kamay ng kausap.
 
 Aprubado! Tama na si Poe ay naisali pa rin sa opisyal na kandidato sa pagka-pangulo upang magkaroon siya ng sapat na panahon na makapagkampanya sa buong bansa kasama ang kanyang pangalawang pangulo na si Senador Francis ” Chiz” Escudero at mga napiling 12 na tatakbo sa pagka-Senador sa ilalim ng Partido Galing at Puso.
 
Magsisimula na sa Pebrero 9, 2016 ang 90 na araw na pangangampanya hanggang Mayo 7 para sa tatakbo sa mga pang-nasyonal na posisyon. Maaasahan natin na ang grupo ni Poe at Escudero ay magsasagawa ng malawakang pangangampanya sa buong bansa na magsisimula sa Metro Manila. Ayon sa kampo ni Poe, ang unang bugso ng kanilang kampanya ay gaganapin sa makasaysayang  Plaza Miranda, Quiapo, Manila sa Pebrero 9. Tunghayan natin ang paglalakbay ng Partido Galing at Puso tungo sa isang ” bagong umaga at pag-asa.”
 
“Give me 5” for Poe, Escudero at ang 12 senador sa Partido Galing at Puso: Isko Moreno, Roman Romulo, Tito Sotto, Sherwin Gatchalian, Samuel Pagdilao, Dick Gordon, Susan Ople, Lorna Kapunan, Migz Zubiri, Neri Colmenares, Edu Manzano at Ralph Recto.
 

Entry filed under: News. Tags: .

War between U.S, China remote – FVR MAGANES: Pangasinan is an ‘election hotspot area’

1 Comment Add your own

  • 1. Rachel P. Diaz F  |  January 25, 2016 at 7:21 pm

    Maraming sa Panginoong Diyos na Kanyang TINUGON ang POSITIBO ang ating mga DALANGIN na payagan ng Korte Supreme sa PAGTAKBO sa PagkaPangulo ang ating minamahal na susunod na PANGULO, Grace Poe.

    Sa ibang mga kilalang Universided at Kolehiyo ang MARKANG SINGKO o “5” ay EXCELLENT!

    HINDI POE “coincidence” ang BILANG na 5; yan POE ang TALA o MARKA nating mga nananampalataya sa “BIYAYA ng DIYOS” o God’s grace at naniniwala sa KAKAYAHANG MAMUNO ng ating bansa ang WALANG DUNGIS … LUMALABAN ngunit may❤ si Madam Grace Poe!

    ===

    Lord, thanks Poe for the EXCELLENT RATING of 5. And thank you for answering our sincerest prayers.

    To you be all the glory, honor and praises…!

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2016
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: