EDITORIAL:   Ang paglalakbay ni Senadora Grace Poe sa Villasis at Pozorrubio

January 19, 2016 at 10:20 am Leave a comment


Isang malawakang paglalakbay sa silangang bahagi ng Pangasinan lalong-lalo na sa siyudad ng Urdaneta, Villasis at Pozorrubio ang isinagawa ng Team Galing at Puso na pinamumunuan ni Senadora Grace Poe sa kanyang hangarin na tatakbo sa pagka-pangulo sa Mayo 9, 2016.editorial cartoon 1-18-16 (1)
 Nakasama niya sina Senador Francis “Chiz” Escudero na kanyang magiging pangalawang pangulo, Bayan Muna Representative Neri Colmenares, Pasig City Rep. Roman Romulo,Samuel Pagdilaoan, at Bise Mayor ng Manila Isko Moreno. Ang huling apat na nabanggit ay tatakbo sa pagka- senador. Sinamahan sila ni Abono Partylist Chair Rosendo O. So at pangulo rin ng Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag) na sumusuporta sa Team Galing at Puso.
Mula sa siyudad ng Urdaneta, ang Team Galing at Puso ay pumunta sa Villasis kung saan isinasagawa ang Talong Festival. Masayang nakihalubilo si Poe sa mga residente, at “tumulong” pa sa pagluluto ng pinakbet.
Nakipag-ugnayan sila sa mga lideres ng munisipyo, barangay, mga magsasaka at mga ibat-ibang sektor. Mainit ang naging pagtanggap ng mga tao sa grupo nina Senadora Poe, Senador Escudero, Colmenares at Moreno.
 Masaya nilang ibinalita na si Poe ay tuloy ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas dahil sa “temporary restraining order” na inilabas ng Korte Suprema sa mga kasong inihain na siya ay idiskwalipay sa pagka-pangulo.
Pagkatapos sa bayan ng Villasis, pumunta ang grupo sa bayan ng Pozorrubio kung saan isinagawa ang “Patopat Festival”. Gaya sa Villasis, di magkamayaw ang mga tao sa pagtanggap kina Senadora Poe, Senador Escudero at sa mga kasamahan nila. Mainit na pagtanggap na may dalang ibayong pagsuporta sa kanilang mga hangarin sa susunod na halalan.
 Sa mga pangyayaring pagbisita ng Team Galing at Puso sa mga naturang mga bayan, naipakita ang isang malawakang suporta sa kandidatura ni Senadora Poe na kahit anumang balakid ang pilit na inilalagay sa kanyang daan, ang mga tao ay lubos pa rin ang pagtitiwala at paniniwala sa kayang kakayahan na mamuno sa ating bansa.
Ang mga ganitong senaryo ng mainit na pagtanggap sa Team Galing at Puso, hindi kaya magbabago ang ating mga pananaw sa bagong pulitika sa ating bansa? Sina Senadora Poe at ang kanilang kasamahan, ay punong-puno ng pag-asa na magbibigay ng panibagong klase ng pamamahala sa ating bansa.
Sa mga isyung kaso ng diskwalipikasyon kay Senadora Poe, ang mga Filipino lamang ang dapat maghusga sa kanya at ang paghusgang ito ay sa balota lamang makikita.Tuloy ang laban ni Senadora Poe. Tuloy din ang malawakang pag-asa ng bawat Filipino na sa patuloy niyang paglalakbay sa pagka-pangulo, walang maiiwan ni isa mang Filipino.
Tara na! Samahan natin ang Team Galing at Puso sa kanilang paglalakbay sa halalang 2016.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Mark & Mark: Pangasinenses’ ultimate hope for a better Pangasin Cojuangco cites his qualifications for governor

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2016
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: