CORTEZ: Tuloy ang Conditional Cash Transfer o 4Ps sa Poe Administration

January 19, 2016 at 9:39 am Leave a comment


brando-maso
 
Bago ang lahat bumagsak na po sa 12-year low ang presyo ng petrolyo sa international market.
 
Sa United States po ay $1.965 per gallon ang presyo ng petrolyo. Ang isang gallon po ay kapareho lang ng 3.8754 liters.
 
Kung convert natin to dollars per liter at ang resulta ay $0.5191 per liter. Mababa po ba iyang presyong iyan o hindi?
 
Convert natin to pesos per liter at ang resulta ay PhP24.53836 per liter lang. magkano po ba ngayon ang presyo ng petrolyo dito sa Pilipinas? HAHAHA! Nasa PhP40 per liter pa rin. Bakit walang umaangal? Sasagutin ka ng pilosopo, e di sa US ka bumili ng petrolyo!
 
Kapag tumaas sa international market, agad-agad taas presyo. Automatic ang pagtaas! Kapag bumaba ang presyo sa international market, bakit hindi automatic ang rollback?
 
TULOY PA POE. Tuloy si Grace Po bilang kandidato for President tulad ng pagpapatuloy ng CCT o 4Ps sa sususnod na administrasyon.
 
Hindi po totoo na aalisin ang CCT o 4Ps sa Gobyernong may Puso ng susuonod na Pangulo ng Pilipinas na si Grace Poe.
 
Hindi lamang ipagpapatuloy, ipagpapatuloy at dadagdagan pa po ng Poe Administration ang programa na Conditional Cash Transfer as in CCT o Pantawid Pamilyang Pilipino Program as in 4Ps.
 
Gagawin pa nga po na 5Ps, madadagdagan ng element na pangkabuhayan o livelihood para makatawid na ng tuluyan ang mga tao at tumayo sa sariling mga paa.
 
Mabibigyan ng skills training o kaya naman po ay mabibigyan ng puhunan sa negosyo patungo sa pag-graduate nila sa 4Ps Program.
 
Dapat lang na turuan na rin sila kung paano mangisda.

Nakakalungkot nga lang, may mga nababalitaan tayo na dito sa Pangasinan eh may mga empleyado at opisyal ng DSWD na pinagkakalat at sinasabi sa mga CCT beneficiaries, na kung hindi daw mananalo ang kandidato ng administrasyon sa pagkapangulo man o pangalawang pangulo, ay hindi na raw itutuloy itong CCT program or 4Ps.

 
Huwag po kayong maniwala. Hindi po totoo iyon, mali po iyon at kasinungalingan po iyon.
 
Alam niyo po konsehal Romy Sim ng Rosales, illegal at bawal po ang ginagawa ng mga opisyal ng DSWD sa pakikialam sa pulitika, sa kampanya at sa eleksyon.  Nilalagyan ng kulay pulitika ng mga taga-DSWD ang programa ng gobyerno.
 
Sa totoo lang, kahit sino pa ang manalong Pangulo sa 2016 ay tuloy tuloy pa rin ang CCT o  4Ps.
 
Ang  CCT o 4Ps ay loan contract para sa poverty alleviation na pinasukan ng gobyerno ng Pilipinas sa World Bank at Asian Development Bank na worth $805 million noon panahon Pangulong Gloria.
 
Pilot-tested noong 2007 ang 4Ps, then full implementation noong 2008 na panahon ni Pangulong Gloria, hindi po PNoy.  Maliwanag na hindi nagsimula sa Tuwad na Daan ang 4Ps, itinuloy lang nila ito. Na itutuloy ng susunod na administrasyon.
 
Ang team na Poe-Escudero lang ang nagsasabi dadagdagan at palalawakin konsepto ng 4Ps para sa makatawid sa sobrang kahirapan ang mga nasa laylayan ng lipunang Pilipino.
 
MAS MALAKING AGRI BUDGET POE. Ang budget po ng Department of Agriculture para 2016 ay around Php70-B lang.
 
Ayon sa mga datos, 70% ng mahihirap nating kababayan ay nasa sektor ng agrikultura.
 
Sa PNoy Administation, naiwanan ang mga pamilyang umaasa sa agrikultura sa pag-unlad ng Pilipinas dahil mabababa ang gastos na inilaan para sa magbubukid, mangingisda at iba pa.
 
Opo, umunlad ang Pilipinas pero mayayaman lang at mga dayuhang korporasyon lang ang umunlad din. Hindi inclusive ang pag-unlad ng bansa. Exclusive lang sa kanila ang kaunlaran.
 
Sa isang Poe-Escudero na pamunuan, at least 10 percent ng national budget ay ilalaan para sa agrikultura.
 
Halimbawa sa 2016, dapat sana ang i-allocate dyan ay hindi lamang Php70-B kundi dapat ay PhP300-B mula sa national budget na PhP3 Trillion.
 
Meron 20,000 kilometers ng farm-to-market roads ang Pilipinas. Kung gagastusin ang PhP7 Billion para sa farm-t-market roads… after 40 years pa matatapos ang mga iyan!
 
Popondohan din ng Poe-Escudero Administration ang irrigation system development para tumaas ang volume ng ani.
 
Target na maka-limang ani sa loob ng dalawang taon sa mga palayan dahil may patubig na.
 
Ngayon ang unirrigated at once a year lang ang ani. Around 500,000 hectares ang patutubigan para matulungan ang mga farmers sa patubig.
 
Tototohanin ang kagustuhan ng mga farmers na ilibre na irrigators fee. Hindi na sisingilin ng gobyerno ang walong bilyong collection sa irrigation fees para hindi na mabawasan ang pera ng magsasaka mula sa ani.

 
Kung ngayon ay 90% ng palay seeds ay in-bred seeds, palalawaking ang production ng certified seeds ng palay program as marami ang ani ng magsasaka.
 
Sa certified palay seeds ay madadagdagan ng 20% to 30% ang ani ng magsasaka.
 
Pinalalaki ang kita ng magsasaka para mas marami ang pumasok sa mundo ng agrikultura. Ang produksiyon ng pagkain ng bawat pamilyang Pilipino ay magmumula sa bukid ng mga magsasakang Pilipino.
 
Bababa ang importasyon ng agricultural products, maiiwasan din ang technical smuggling at outright smuggling ang bigas at iba pa.
 
GOBYERNONG MAY PUSO. Walang maiiwan sa gobyernong may puso.
 
Ang taong may puso… puedeng magmahal at umibig. Kung ikaw ay nagmamahal at umiibig… ang isinasaalang-alang mo ay iyong kabutihan ng iyong mainamahal at iniibig.
 
Ganoon din dapat ang gobyerno. Gobyernong puso. Gobyernong may pagmamahal sa tao. Gobyernong para sa ikabubuti ng mamamayan ang hangad.
 
Sabi nga ni Senadora Grace, ‘Sa isang gobyerno, kinakailangan palagi iniisip nito ang kapakanan ng mas nakararami. At ang mas nakararami sa ating bansa, aminin man natin o hindi, ay palagi pa ring naghihirap, marami pa ring kailangang gawin para matugunan ang kanilang pangangailangan.’
 
Gobyernong may puso para sa  edukasyon. Libre at may kalidad na edukasyon para sa kabataan. Hanggang college… kakayanin na libre.
 
Gobyernong may puso para sa mas maraming trabaho at mas maraming oportunidad na kumita.
 
Gobyernong may puso para sa peace and order at kalaban ng kriminalidad. Mga pamilyang ligtas sa krimen at sakit panlipunan tulad ng iligal na droga.
 
 Sa sabi o sa puna o sa tanong ng ilan na hindi kaya ng babae ang puksain ang iligal.
 
Sagot ni Senadora Grace na ‘Importante lang po ito, na kahit na sino’ng lider ang ilagay mo diyan dapat may integridad, dapat buo ang loob at mabilis kumilos, at pangatlo, tapat at mapagkakatiwalaan.’
 
‘So kahit na babae pa o lalaki ang ilagay mo diyan ang tanong ko na lang po sa inyo, hindi ba mas madalas takot tayo sa nanay natin dahil alam natin na hindi tayo makakalusot sa kanya dahil mahal tayo at naiintindihan tayo,’ dagdag ni Senadora Grace.
 
Boss Rosendo eto naman po ang pabirong sinabi ni Senadora Grace… ‘At para naman sa mga kalalakihan diyan, alam ko marami sa inyong matatapang pero pagdating sa mga asawa ninyo, mabait naman kayo.’ Hahaha.

Entry filed under: News. Tags: .

THANK YOU DTI requires contractors to undergo PCAB seminars

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2016
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: