EDITORIAL: Malaking tulong ang ‘ Medikalinga’ sa mga Pangasinenses

January 10, 2016 at 11:36 pm Leave a comment


 
Labing buwan na ang nakalipas mula ng ilunsad ang “Medikalinga ng Pangasinan” sa ibat-ibang bayan ng Pangasinan upang matulungan ang mga mamamayan dito.
 
Ang programang ito ay isang misyon ni dating representante ng ikalimang Distrito na si Mark O. Cojuangco, na tatakbong Gobernador sa halalang 2016 kasama niya ang kanyang magiging bise-Gobernador na si Mark Roy Q. Macanlalay.
 
Nakapaloob sa programang ito ang libreng serbisyo sa pag-opera ng mga “cyst”, tumor, hernia (luslos), ” myoma” o bukol sa matris, at iba pa. May tatlong klase ng pag-opera: minor, medium at major operations.
 
Yong mga simpleng bukol ay isinasagawa sa mga lugar na isinaayos ang kapaligiran naaayon sa pamantayan ng pangkalusugan. Ang mga matataas na uri ng pag-oopera ay isinasagawa sa mga malalaking ospital, hindi lang sa Pangasinan kundi pati sa mga ospital ng karatig lalawigan at Metro Manila.
<span 001 (3)id=”yiv7262303659yui_3_16_0_1_1452379809879_11139″ class=”yiv7262303659″ lang=”EN-US”> 
Hindi matatawaran ang kakayahan ng mga doktor o surihano na nag-espesyalista sa larangang ito. Ang paggastos sa mga kinakailangan sa mga pag-opera ay sariling gastusin ni Cojuangco kasama na ang para sa gamot, pagkain, transportasyon at serbisyo medikal ng mga doktor.
 
Sa pagtatapos ng 2015, mayroon ng mahigit na 60,000 konsultasyon ang naisagawa at mula dito ay mahigit na 18,000 na pasyente ang na-operahan. Ang serbisyong ito ay walang pinipiling pasyente- may kakayahan sa buhay o mga maralita subalit nakakarami sa mga pasyente ang salat sa kabuhayan. Dahil dito, maraming pasyente ang lubos na nagpapasalamat kay Cojuangco at Macanlalay dahil sa pamamagitan ng programa, kanilang mga sakit ay nabigyan ng lunas.
 
Sa programang ito, malaki ang naitutulong ng mga Barangay Health Workers (BHWs). Sila ang nagunguna sa pagtingin ng mga pasyente at idinudulog sa “medical staff” ng Medikalinga. Bawat pasyente ay sinasala ng mga doktor. Tinitingnan ang kanilang pangangailangan o ang kanilang kalusugan kung nararapat silang operahan.

 
Ayon kay Cojuangco, ang programang ito ay patuloy niyang isasagawa kung sakali man na papalarin siya sa pagka-Gobernador.
 
Nakikita niya ang kakulangan ng serbisyong pangkalusugan sa lalawigan ng Pangasinan bagamat may 14 na pampublikong ospital na pinamamahalaan ng lalawigan.
 
Kaakibat ng magandang serbisyo sa pagbibigay ng atensiyong medikal sa mga Pangasinenses, bibigyan din ng pansin ni Cojuangco ang mga pangangailangang gamot at “medical equipment” na angkop sa mataas na antas ng kagamitan upang matugunan ang mga kailangan ng mga ospital.
 
Ang Medikalinga ay patuloy pa rin na isinasagawa sa buong Pangasinan. Yong mga kalalawigan natin na nangangailangan ng serbisyong ito ay lalapit lamang sa mga BHWs sa kanilang mga barangay at idudulog sila sa mga ” medical staff” ng programa.
 
Ang programa ay isang dakilang serbisyo sa mga Pangasinense na hatid ni Mark O. Cojuangco at Mark Roy Q. Macanlalay.

Entry filed under: News. Tags: .

ATTACHE Chiz urges more schools to turn to renewable energy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2016
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: