EDITORIAL :  Bagong taon, bagong pag-asa

January 3, 2016 at 10:06 pm Leave a comment


Hindi maiiwasan ang paggamit ng mga ibat-ibang klase ng paputok upang salubungin ang pagpasok ng bagong taon.Ayon sa nakagisnang kultura, ang ingay na dulot ng mga paputok ay nagtataboy raw ng mga masamang espiritu at nag-aanyaya ng panibagong suwerte sa buhay. Ang mas malakas at nakatutulig na mga ingay sa pagpapaputok, ayon sa mga nakakatanda, ay mas maraming suwerte ang papasok sa buhay.

001 (2)

Sa paglipas ng mga taon, nag-iiba ang mga klase ng paputok. Ang mga simpleng rebentador o ang tradisyonal na “trayangulo” ay napalitan ng mga mas mataas na uri ng mga paputok. Nandiyan yong mga malalaking rebentador gaya ng ” sinturon ni Hudas”, “goodbye Philippines”, “whistle bomb”, “torpedo”, ” baby rocket”, atbp. Ang mga ito ay ginawa ng mga malikhaing kaisipan dahil kaakibat nito ay negosyo at pagkamkam ng salapi sa pansariling interes. Ang paggawa ng mga paputok mula sa “gun powder” ay malawakang negosyo, hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo.
Sa mga nagdaang taon, ang paggamit ng mga malalakas na uri ng mga paputok ay nagbuwis ng maraming buhay at nagdulot ng panghabang na kapansanan sa iba- naputulan ng daliri sa kamay, braso, paa o di kaya ay nabulag. Bago pa man papasok ang bagong taon, ang mga ospital ay puno na ng mga pasyente na dulot ng mga iresponsableng paggamit ng paputok.

Hindi nagkulang ang pamahalaan sa pagbigay ng mga paalala tungkol sa pag-iwas ng paggamit ng paputok sa pagsapit ng bagong taon. Ang Department of Health (DOH), mga ospital, mga lokal na pamahalaan at ang Philippine National Police (PNP) ay nagsagawa ng malawakang kampanya sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng “Iwas Paputok Campaign”. Gamit ang mga radyo, telebisyon, pahayagan, “social media” at mga iba pang pamamaraan ng pagbibigay ng impormasyon sa mga tao ay isinagawa, subalit sadya yatang matigas ang kaisipan ng ating mga kababayan na hindi inaalintana ang mga perwisyong ibinibigay ng paggamit sa mga paputok.
Bagamat marami pa rin ang nawalan ng buhay at parte ng pisikal na katawan, ayon sa ulat ng DOH at PNP, ang mga kaso na dulot ng paggamit ng paputok ay bumaba na kung ikukumpara sa nakaraang taon. Dito na lang sa lalawigan ng Pangasinan, ang mga kaso na dulot ng paggamit sa paputok ay bumaba mula 225 noong 2014 kumpara sa 97 sa taong 2015. Makikita dito na ang kampanya sa pag-iwas ng paggamit ng paputok ay nagkaroon ng epekto sa mga tao lalo na sa mga kabataan.
Dahil bumababa na ang mga kaso sa paggamit ng mga paputok sa pagsapit ng bagong taon, di hamak na sa mga susunod pang mga taon ay lalong bababa. Salamat sa malawakang kampanya ng mga kawani ng DOH, PNP at mga lokal na pamahalaan.
Sana naman ay bigyan pansin ng pamahalaang nasyonal ang pagbusisi sa mga tagagawa o mga negosyante ng mga ibat-ibang uri ng paputok- kalidad sa paggawa at sapat na pagbibigay babala sa paggamit ng mga ito. Mayroon pa ring pag-asa na sa mga susunod na mga bagong taon ay wala ng maiulat na mga disgrasya na dulot ng mga paputok.

Entry filed under: News. Tags: .

  Firecrackers victims decline in Pangasinan  Grace Poe to candidates: Stay clear of petty politics

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

January 2016
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: