EDITORIAL : Paalam 2015, maligayang pagdating 2016!

December 28, 2015 at 12:36 am Leave a comment


Ang bawat paglipas ng taon at pagdating ng bagong taon ay nagbibigay ng ibayong pag-asa at sigla sa ating buhay. Ang nakaraang taon ay naging bahagi na ng ating buhay- may mga naranasan na tagumpay, kapighatian at kadalamhatian. May mga pagkakataon na gusto nating bumitiw sa mga nakaraan ngunit habang lumalakad ang panahon at patuloy ang pag-ikot ng buhay lalo nating nakikita ang kagandahan ng buhay na bigay ng Poong Maykapal.

001

Ang paglipas ng taon ay hindi lamang nakatuon sa mga indibiduwal nating buhay. Nakasali na dito ang lipunang ating ginagalawan- ang ating bansa, lalawigan, bayan, barangay, pananampalataya, trabaho at pamilya. Sa mga ito umiinog ang araw-araw nating buhay.

Sa taong 2015, lalo na sa ating lalawigang Pangasinan, ang kalakarang pulitika ay maagang sumibol na nagbigay ng pagkahihiwalay ng mga dating magkakaibigan at magkakaalyansa. Naging masalimuot ang pagpasok ng pulitika- maagang bangayan ng mga magkakatunggali na pati ang larangan ng pamamahayag ay lubos na naapektuhan.

Naglabasan ng mga isyu tungkol sa bawat pulitikong tatakbo sa pagka-Gobernador sa pagitan ni Mark O. Cojuangco at ng anak ni Gobernador Amado T. Espino Jr. na binigyan niya ng basbas na papalit sa kanya dahil matatapos na ang kanyang termino sa Hunyo 30 2016.

Sa larangan ng pamamahayag, maaanghang na mga salita ang napapakinggan sa mga radyo at nababasa sa mga lokal na mga pahayagan. Karamihan dito ay hindi na katanggap-tanggap dahil naging personal na ang mga isyu. Ang mga hidwaang ito ay nakikita at maaaring umusbong sa mas masigalot na sitwasyon sa pagpasok ng taong 2016- ang taon ng pulitika. Dahil pulitika ang mas iiral sa pagpasok ng taong 2016, ang mga tao ang naaapektuhan na nawa’y huwag umabot sa karahasan at sukdulang paglalaban ng personal ng mga pulitiko.

Ang taong 2015 ay unti-unting mapaparam sa ating mga gunita. Mga bagong pangitain sa taong 2016 ang mag-usbungan. May mga bagong lider ba na mailuluklok sa atin? May makikita kaya tayong pagbabago- hindi lamang sa panig ng mga pulitiko kundi pati na rin sa ating mamamayan? Mas maaliwalas ba ang nakikita natin sa 2016, sa antas ng ating pamumuhay at sa pagpili ng ating mga bagong lider?

Sa pagpasok ng bagong taon, maraming katanungan ang pumapasok sa ating mga kaisipan. Ang mga tanong na ito ang nagbibigay sa atin ng ibayong pag-asa at sigla kung bibigyan lang natin ng mga tamang pagsusuri at aksyon. Hindi lang angkop ito sa pulitika kundi sa mga personal nating buhay.

Paalam taong 2015. Nagbigay ka man ng mga kadalamhatian na dulot ng karahasan ng kalikasan, ikaw ay nagbigay naman ng mga karanasang nagbigay ng aral sa aming buhay.

Maligayang pagdating taong 2016. Sana sa iyong pagpasok ay magdadala ka ng hindi lang pag-asa sa aming buhay kundi mas maigting na pananampalataya sa Lumikha na sa pag-ikot ng panahon ay makikita ng sangkatauhan ang kanyang kabutihan at pagmamahal sa bawat nilalang.

Advertisements

Entry filed under: News.

Polls show voters stand with Poe Foreign fishing vessels poach on local fishermen’s payaw

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 781,322 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,394 other followers


%d bloggers like this: