EDITORIAL: Hindi diskwalipikado sa pagka-Pangulo si Grace Poe

December 27, 2015 at 8:48 pm Leave a comment


 EDITORIAL

 Hindi pa man tapos ang mga legal na proseso, marami na ang nagsasabi na si Senadora Grace Poe ay diskwalipikado na sa kanyang pagtakbo sa pagka-Pangulo sa darating na halalang 2016.northernwatch cartoon 12-20-15

Maliwanag na ang hangarin ng mga nagpapakalat ng mga ganitong impormasyon ay upang ang mga isipan ng mga botante ay makondisyon na hindi na nga tatakbo si Senadora Poe.

Hindi pa tapos ang laban!

Yan ang sigaw ng kampo ni Senadora Poe. Ang sigaw na iyan ay nakatuon sa mga legal na proseso na isasagawa ng Commission on Elections (Comelec) at Korte Suprema. Bagamat nagbigay ang dalawang dibisyon ng Comelec ng Hindi paborable na desisyon tungkol sa kanyang Certificate of Candidacy (CoC), ang mga ito ay hindi pa “final and executory” dahil dadaan pa sa Comelec en banc at Korte Suprema. May mga legal na proseso na dapat sundan ng kampo ni Senadora Poe.

Kandidato pa rin sa pagka-Pangulo si Senadora Poe. Ang desisyon ng Comelec ay nakatuon sa pagkansela ng kanyang CoC. Ang Korte Suprema lamang ang maaaring humusga sa kanyang mga kwalipikasyon bilang kandidato sa pagka-Pangulo. Ito ang sabi ni Senadora Poe: “Hindi pa tapos ang proseso. Pero tayo ay makikipaglaban sa ating prinsipyo na dapat ay mayroong tamang proseso na makatarungan. Hindi naman po puwedeng basta na lang i–railroad ito.”

Sa mga balakid na ito na inilalagay sa landas ni Poe, sino kaya ang makikinabang? Sa mga nagdaang araw, natukoy na kung saang kampo galing ang mga kasong inihain kay Poe. Pinasisinungalingan ng kampo ni Liberal Party presidentiable Mar Roxas na galing sa kanila ang mga kaso, subalit naglabasan na pati ang mga Commissioner ng Comelec na nagdesisyon sa pagkansela ng kanyan CoC ay malapit sa kanya.

Hindi kaya ginagawa ito kay Senadora Poe dahil sa di niya pagtugon na siya ang maging pangalawang Pangulo ni Roxas? Mayroon kayang mga ganitong balakid sa kanya kung hindi sa pagka-Pangulo siya tatakbo? Maliwanag na paghihiganti kay Poe ang dahilan sa mga balakid na ito.

Patuloy ang paglalakbay ni Senadora Grace Poe sa pagka-Pangulo. Ang mga balakid na inihain sa kanyang daan ay bahagi lamang ng pulitika. Marami pang mga “itim na propaganda” ang ibabato sa kanya. Subalit dahil maganda ang kanyang pananaw, tunay at malinis ang kanyang hangarin na manilbihan sa mga mamamayang Filipino, siya ay kakatigan ng Poong Maykapal at ng sambayanan.

Tuloy si Senadora Poe sa pagka-Pangulo. Hintayin natin ang desisyon ng Korte Suprema at ang sigaw ng mga nakakaraming Filipino.

 EDITORIAL

 

Hindi diskwalipikado sa pagka-Pangulo si Grace Poe

Hindi diskwalipikado sa pagka-Pangulo si Grace Poe

Entry filed under: News. Tags: .

Inspiring government communicators ORTIGOZA: LP’s solons will desert Roxas after kickbacks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: