CORTEZ: Kung bakit ang Christmas Story ay kuwento din ng disqualification

December 27, 2015 at 10:23 pm Leave a comment


brando-maso
 
Bago po natin umpisahan ang Christmas Story, ibahagi ko lang po ang mga sinabi ni Father Larry Faraon sa death anniversary ni FPJ na ama ni Senadora Grace Poe.
 
Sinabi ni Father Larry na ‘Naniniwala tayo sa milagro ng Diyos.’
Bakit milagro? Kasi po eh 3-0 ang naging hatol ng Comelec 2nd division na i-disqualify si Senadora Grace Poe bilang kandidato para Pangulo.
 
Bakit milagro? Kasi po 2-1 ang naging hatol ng Comelec 1st division na i-disqualify si Senadora Grace Poe bilang kandidato para Pangulo.
 
Bakit milagro? Kasi po eh seven ang members ng Comelec en banc na didinig sa motion for recognition na inihain ni Senadora Grace Poe para ikonsidera ng Comelec na siya ay qualified na tumakbo para Pangulo.
 
Sa tingin ng marunong sa math, 5-1 ang magiging desisyon ng Comelec en banc kontra sa motion ni senadora Grace Poe.
 
Sa Korte Suprema umaasa ang mga supporters ni Grace Poe na makasama sa mga kandidato para Pangulo si Grace Poe.
 
Naniniwala tayo sa milagro ng Diyos.

Narito tayo para magsumbong kay Lord at kay Da King.

Nakikinig ang Panginoon.

Siguradong si Da King ay katabi na ng King of Kings

Sa pamamagitan ng panalangin at kapag makita ang malinis na puso, 

Ipagkakaloob ng Panginoon ang ating hiling

Sa mga supporters huwag mawalan ng loob,

Tuloy ang panalangin sa Diyos. 

Naniniwala tayo sa milagro ng Diyos.

Tapos na po ang Misa,

Sabihin mo sa iyong katabi, tuloy tuloy ang laban!
 
Iyong kuwento ng Belen o ang kapanganakan ng isang sanggol na pinangalanang Jesus ay maraming tanong.
 
Bakit bumiyahe pa sina Mary at Joseph (magulang ni Jesus) ng malayo mula sa Nazareth papuntang Bethlehem kahit buntis si Mary?
 
Kasi nga may utos ang naghaharing si Augustus Ceasar na kailangang lahat ng nasasakupan ng kanyang kaharian ay magparehistro.
 
At sa Bethlehem nandoon ang registration office para sa angkan ni Joseph. Parang No Bio, No Boto iyan ah!
 
Hindi po ba delikado na sumakay sa donkey ang isang buntis na malapit nang manganak?
 
Delikado siyempre, wala pa namang ambulansiya noon. Pero kailangan magpa-rehistro ang lahat ayon sa utos ng hari.
 
Rosales Councilor Romy Sim, kumusta na po ang Team Grace Poe Pangasinan?
 
Bakit kailangang may mga bisitang shepherds at mga hayop? Ang alam ng mga shepherd ay magpaanak ng tupa!

 
Sana mga midwife, mga lola at mga ina na lang ang pinagsabihan ng anghel at ginabayan ng star of Bethlehem! May alcohol kaya o mga disinfectant sa paligid?
 
Alam ng mga kababaihan ang gagawin sa isang babaeng manganganak? Sino nga pala ang nagpaanak kay Mary?
 
Bakit dumating pa ang tatlong hari at may mga dalang regalo?
 
Kasi hindi na nila mahihintay ang binyagan!
 
Umuwi si Joseph sa Bethlehem kasi natural-born siya doon, pero bakit naghanap pa sila ng inn?
 
Hindi ba dapat may mga kamag-anak si Joseph sa Bethlehem dahil taga doon siya?
 
Nasaan ang mga kamag-anak ni Joseph? Parang nasaan ang mga kamag-anak ni Senadora Grace Poe?
 
Foundling din kaya si Joseph na katulad ni Senadora Grace Poe? Napulot din lang kaya ng mga nagmagandang loob at inalagaan siya sa Bethlehem?
 
Bakit ayaw irehistro ng inn keeper sina Joseph at Mary bilang guest sa inn?
 
Natural born naman sa Bethleham si Joseph ah! Dahil ba naging taga-Nazareth si Joseph ay disqualified na siya para makatuloy  sa isang inn sa Bethlehem kahit na manganganak ang asawa nito?
 
Sigurado ba tayo na wala na talagang vacant na room sa inn para kina Joseph?

 
Baka naman may naka-reserve na! Baka naman ang nag-hire sa inn keeper ang nagpa-reserve ng room para sa kanyang napili.
 
Pareho lang ata iyan ng may nag-appoint sa inn keeper bilang commissioners ng Comelec! Ganoon po ba iyon?
 
Tapos sabi nung Appointing Authority, o haaa huwag kang magpapapasok ng iba diyan sa room na iyan ha. Reserve ko na iyan pra sa kaibigan ko!
 
Ang utos kaya ng Appointing Authority sa inn keeper ay i-disqualify ang iba pang papasok sa inn?
 
Ano kaya ang naging rason ng inn keeper kina Joseph kung bakit ayaw niya silang tanggapin?
 
Boss Rosendo, eto po kaya ang mga naging alibi ng inn keeper?
 
Alam mo Joseph, hindi mo naman kilala ang tunay na magulang mo eh! Patunayan mo muna kung sino ang Tatay at Nanay mo bago kayo makapasok sa inn. Disqualified ka at ang misis mong buntis na pumasok sa inn.
 
Alam mo Joseph, matagal ka nawala sa Bethlehem. Taga-Nazareth ka na. Hindi na kami sure sa loyalty mo! Disqualified ka at ang misis mong buntis na pumasok sa inn.
 
Alam mo Joseph, kababalik mo lang dito. Wala ka pang ten years dito kaya disqualified ka at ang misis mong buntis na pumasok sa inn.
 
Nag-apela din kaya si Joseph sa isang parang Korte Suprema? Mukhang wala atang tumulong na atorni sa kanya ah.
 
Nagsilang sa labas ng inn si Mary. Iniluwal si Jesus. Maraming milagrong nangyari.
 
CONGRATULATIONS. Grace Poes’s message on Miss Pia’s winning the Miss Universe. Our warmest congratulations to the Philippines’ own, Miss Pia Wurtzbach.
 
Her story of resilience and determination is the story of all Filipinos. She inspires with grace and compassion for others.
 
The Filipino heart indeed shone through! What a wonderful Christmas gift to us. It will bring many of us some much needed cheer.

Entry filed under: News. Tags: .

Body a gift to subdivision residents from Death Squad SM City Rosales makes four person happy

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: