EDITORIAL Ang ‘digmaan’ ng mga mamamahayag sa Pangasinan

December 13, 2015 at 7:22 pm Leave a comment


Habang papalavirpit ang halalan sa  Mayo 9, 2016 ay lalo namang umiinit ang mga isyu sa pagitan ng mga pulitiko sa Lalawigan ng Pangasinan.  Kapansinpansin ang mainitang pagtalakay sa mga isyu sa mga estasyon ng mga radio at mga lokal na pahayagan. Halata rin sa mga mamamahayag kung sinong pulitiko ang kanilang kinikilingan na kung minsan ay nagiging personal na ang batikusan.
Ang pinakamainit na talakayan sa mga medya ay sa pagitan ni dating representante ng ika-limang Distrito Mark O. Cojuangco na tatakbong gobernador ng Pangasinan sa 2016 at ang kasalukuyang nakaupong gobernador Amado T. Espino T. Espino Jr. Bagamat si Espino ay hindi tatakbo bilang gobernador dahil matatapos na ang kanyang termino sa June 30, 2016, ang kanyang anak na kasalukuyang presidente ng Pederasyon ng Liga ng mga Barangay ang binigyan niya ng basbas para papalit sa kanya sa pagtakbo ng naturang puwesto. Ang nakakatandang Espino ay tatakbo bilang representante ng ika-limang distrito at kanyang makakalaban ang nakaupong representante Kimi S. Cojuangco, maybahay ni Mark.
Sa pagitan ng mga mamamahayag, patuloy ang pagtalakay sa mga isyu na pagbatikos at pagpuna sa bawat kampo. Sa kampo ni Espino, ang kanyang mamamahayag ay nakatuon sa mga isyu kay Cojuangco na: hindi siya tunay na Pangasinense dahil galling siya sa Tarlac, hindi niya napaunlad ang bayan ng Sison, saan nagastos ang tobacco excise tax ng ika-limang Distrito, may mga proyektong hindi natapos, pagpuputol ng mga punong kahoy sa gilid ng Manila North Road (MNR) at mga isyung personal na kung susuriin ay hindi na dapat bigyan pa ng pansin. Lahat ng mga isyung nabanggit ay tuwirang sinagot ni Cojuangco ngunit ang mga mamamahayag kay Espino ay nagmistulang taingang kawali at paulit-ulit pa ring tinatalakay sa mga radio at mga lokal na pahayagan.

Ang kay Espino naman, ang mamamahayag sa panig ni Cojuangco ay tinatalakay ang mga sumusunod: ang ilegal na pagmimina ng “ black sand” o “magnetite” sa apat na barangay sa Lingayen, walang tamang prayoridad sa taunang badyet, kawalan ng mga proyekto sa kanayonan, kulang na serbisyo sa mga magsasaka, kakulangan ng atensyon sa kalusugan, pagbalahura sa mga ginawang ordinansa, saan ginastos ang tobacco excise tax ng lalawigan, atbp. Ang mga isyung ito ay hindi masagot-sagot ng mamamahayag ni Espino kundi patuloy ang kanilang pagsisinungaling sa mga isyung nabanggit. Ni walang reaksyon galing mismo kay Gobernador Espino na siyang inaasahan ng mga Pangasinense.
Ang pagkahatihati ng mga mamamahayag ay nagdudulot na ng kawalan ng respeto sa bawat isa. Kung nasusukol ang kampo ni Espino sa mga isyu, ang kanyang mga mamamahayag ay lumiliko na sa mga usapin. Mga kapwa mamamahayag ang kanilang tinutuligsa at binabatikos sa personal na pamamaraan. Ang karampatang etika sa pamamahayag ay nawawala na bagkus napapalitan ito ng pagkagalit, ng panibugho at pagkawalan ng tamang asal sa kapwa.
 Bakit hindi maitaas ang antas ng mga komentaryo ng mga mamamahayag? Dahil ba sa pinababayaan sila ng magkabilang kampo  na gawin yong kanilang ginagawa? Ano ang kahihinatnan ng pagbubuklod ng mga mamamahayag pagkatapos ng halalan na ang mga pagsasama at pagkakaibigan ay nagkaroon ng ng lamat?
Limang buwan pa bago mag-halalan sa Mayo 2016. Ibig sabihin niyan, matagal pa ang paglalakbay ng mga mamamahayag sa magkabilang kampo. Sana nga lang, ang mga nangyayaring ito na “digmaan” ng mga mamamahayag ay hindi magdulot ng ibayong karahasan.
 

Entry filed under: News. Tags: .

 Share a toy this Christmas So: Poe still a presidential candidate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: