CORTEZ:Bakit na disqualify Poe? Bakit hindi priority ng Matuwid na Daan ang magsasaka?

December 7, 2015 at 6:53 pm Leave a comment


brando-maso
Alam niyo po ba na nabansot ang agrikultura sa PNoy Administration? Opo, hindi po umunlad sa inaasahang rate ang agrikultura.
 Councilor Romy Sim, sa bayan ng Rosales Poe pala kayo diyan. Tuloy pa rin poe ang laban ni Senadora Grace Poe sa 2016. Alam niyo po ba na as of September 30, ay 62 percent pa lang ng budget ng DA ang nai-release?
Ano? 62 percent pa lang ang released? Ang Appropriations Law for 2015 ay isang batas. Kapag hindi ka sumunod, dapat kang managot.
Dahil hindi inirelease ang budget, sana may magdemanda sa mga taong ayaw mag-release ng pondo.
Alam niyo din po ba na noong 2014, na ang unobligated fund ng DA ay umabot sa P12.56 billion ayon sa records ng Department of Budget and Management?
Kapag sinabing unobligated yung pondo, hindi pa specified kung saan at kanino ibabayad ang nasabing pondo.
Mahaba-habang irrigation kanal din ang magagawa mo sa P12.56 bilyon. Kaya lang hindi priority ng Matuwid na Daan ang mga nasa agrikultura. Sa APEC ay gumugol sila ng P10 bilyon.
“If we look deeper into the contribution of the agriculture sector, it is dismaying to note that it had nothing to add to the economic growth. But what is more distressing is that the growth target for agriculture, along with forestry, was pegged at zero,” sabi Escudero.
Ayon sa Philippines Statistics Authority ang pinagsamang “Agriculture, Forestry and Fishing” sector ay nagtala lamang ng napakaliit na 0.4 percent growth as in 0.004 nitong 3rd quarter iyan ha!
“The numbers should make us stop, think seriously and prepare to act with the larger picture in mind. Note that the agriculture sector has 28 percent of the country’s employed labor force as opposed to the sectors of services at 55.5 and industry at 16.5 percent,” dagdag pa ni Escudero.
Nasa 60% po ng sambayanang Pilipino ang mula sa agrikultura na napapabilang sa mahihirap.
Sila po ang araw-araw na hindi sigurado kung may makakain ngayon…lalong hindi sila sigurado kung may pagkain sila bukas.
UNDERSPENDING po ang dahilan kung bakit mahina ang pag-unlad sa agrikultura.
Mayor Pao Mencias, sa bayan ng Alcala Poe pala kayo diyan. Kumusta na ang Mencias-Collado team pra sa 2016?
Ayon kay senador Chiz Escudero, normal na ang tag-ulan at el nino pero lagging hindi handa ang gobyerno sa pagbago ng panahon na ang ultimate na biktima ay ang mga magsasaka.
“Taun-taon naman tayo binabagyo at taun-taon din naman tayo may El Nino ngunit hindi gumagalaw ang Department of Agriculture (DA) para maibsan ang mga mga hamon na ito na madalas kinakaharap ng ating mga magsasaka. Teka-teka na nga sa pagtugon sa pangangailangan ng sektor, ayaw pang ilabas ang pondo na nararapat sa magsasaka,” sabi ni Escudero.
O kayong mga nasa National Irrigation Administration… dumating na ba ang pondong nakalaan sa patubig? Director John Celeste, Engr. Carding Balderas, Engr. Fred Morante, kumusta na po ang Pondo para sa Region 1? Engr. Sta Ana ng ARISEP, may pondo na po ba para sa patubig ng mga magsasaka along Agno River?

Ang sahod ng mga empleyado sa NIA ay nadepende rin po sa dumarating na pondo. Marami sa kanila ay ilang buwan nang hindi sumasahod. Utang dito utang doon ang buhay nila ngayon.
Itinutulak ni Sen Chiz ang agarang release ng P89 billion na pondo para sa agrikultura. Kokonti pa lang po kasi ang na-release. Iniipit pa.
Ayon sa National Budget, may nakalaang P51.7 billion para sa DA. Meron din P37.3 billion na pinagsama-samang budget ng National Food Authority (NFA), Philippine Coconut Authority (PCA), National Irrigation Authority (NIA) and Fertilizer and Pesticide Authority (FPA).
Ang budget po sa irrigation ay para patubigan ang 54,954 hectares sa halagang P22.3 billion. Meron din budget para sa farm-to-market roads sa halagang P15.2 billion.
Dagdag mo pa diyan ang budget para sa assorted fishery infrastructure sa halagang P1.3 billion; meron din budget para sa farm mechanization sa halagang 4.2 billion.
Isama niyo na rin po ang budget para support activities para palakasin ang rice production sa halagang P7 billion; at budget para sa coconut production sa halagang P4.1 billion.
Iginigiit ni Escudero ang madaliang pag-release ng pondo sa agrikultura para magkaroon ng silbi ang batas na nabigay budget para mapaunlad ang buhay ng mga magsasaka.
“This is precisely the reason why economic growth impacts lightly on the agriculture sector, which is host to a big number of the country’s poor. Money should be released to farmers without delay so they are not left behind,” sabi ni Escudero.
COMELEC DQ KAY POE. Para po sa kaalaman ng mga sumusubaybay sa NortherWatch Newspaper eto ang composition ng COMELEC ngayon.
Seven ang members ng COMELEC. Ang isang division ng COMELEC ay may 3 members, katulad ng 2nd Division na kinabilangan nina Parreno, Lim at Abas. Dinisqualify nila si Senadora Grace Poe ng 2ndDivision sa botong 3-0.
Appeal ang gagawing next step ng kampo ni Senadora Grace Poe at ihahain nila ito sa COMELEC En Banc. Kapag sinabing En banc, lahat sila ay uupo para dinggin ang kaso. At para manalo dapat meron kang 4 votes.
Fresh out of law school, Atty. Christian Robert Lim joined the Carpio Villaraza & Cruz law offices as an Associate from 1998 to 2000.
Commissioner Lim in the May 2010 elections, was part of the legal, anti-fraud & quick reaction teams of both Congressional candidate Atty. Vivienne Tan and the Aquino-Roxas Bantay Balota group.
Commissioner Rowena Guanzon of the Liberal Party was appointed to the Commission On Audit in 2013. She also served as mayor of Cadiz City.
The former mayor of Cadiz City in Negros Occidental is a graduate of the UP College of Law and member of the Delta Lambda Sigma, a sister sorority of the Sigma Rho fraternity, to which Roxas’ lawyers Avelino Cruz and Simeon Marcelo belong.
Ang mga nag-decide to disqualify Grace Poe ay member ng the Firm or Carpio Villaraza & Cruz law offices na abogado ni Mar Roxas o kaya naman ay abogadong tumulong kay PNoy para mapatalsik si Chief Justice Renato Corona.
Commissioner Al Parreño served as a Board Member at the Land Transportation Franchising and Regulatory Board. He was an Associate at the Carpio Villaraza Cruz Law Firm and a Partner at the Diaz Osias Parreño and Caringal Law Firm.
Commissioner Arthur Lim is a member of the Sigma Rho fraternity, whose members include Senators Franklin Drilon and Edgardo Angara, and Justice Antonio Carpio. Lim is one of the 57 private prosecutors in the impeachment trial against Corona. A former president of the Integrated Bar of the Philippines, he signed a manifesto in 2011 supporting the impeachment of Corona.
Commissioner Sheriff Abas is the nephew of Moro Islamic Liberation Front chief negotiator Mohagher Iqbal.
Ganoon talaga. Kargado na ang COMELEC ng gumagaw ng paraan para hinid makatakbo si Grace Poe. Sigurado na tayo na matatalo sa appeal sa En Banc ang susunod na Pungulo ng Pilipinas. Kaya naman meron pang next step.
Sa Supreme Court din ang hantong ng legal battles na ito tungkol sa disqualification. Tuloy Poe and laban.
CHIZ ON 2015 BUDGET PA RIN. Narito po ang push sa agrikultura na itataguyod ng Poe Administration.
I support the platform of Senator Grace that she announced in her declaration; which is basically to sum it up. To ensure that and to prove that government has a heart. Gobyernong may puso ang gusto naming itatag.
 
We will focus on basic social welfare and social services, namely education, housing and health.
 
We seek to promote that by spending not less than Php600-B or 15% of the National Budget. For this particular purpose and to make sure that no one will be left behind, na walang maiiwan. We will focus on agriculture, na medyo napabayaan din naman sa mahabang panahon.

Entry filed under: News. Tags: .

DCNHS wins Ist Aliwan sa Dagupan Dance Parade San Carlos COP cites measures vs. crimes

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: