EDITORIAL Mag-ingat sa  ‘expired’ na ‘imported’ na karne

December 6, 2015 at 1:05 am Leave a comment


 
Tinatayang limang milyong kilo ng karneng baboy na “imported” ang nakaimbak ngayon sa Bureau of Custom (BoC). Subalit may mga nakapuslit na mga “imported” na mga karne ang naglilipana ngayon sa mga pamilihang bayan sa Northern Luzon, at ang pinakahuli ay namataan sa Ilocos Sur. Ang mga karneng ito ay lumampas na sa kanilang “expiration date” at makakasama sa kalusugan ng mga taong kakain nito.northernwatch cartoon 11-30-15
Ang impormasyong ito ay galing kay Abono Partylist Chair Rosendo O. So na siya rin ang namumuno sa Samahang Industriya ng Agrikultura (Sinag), pagkatapos ng pakikipagugnayan niya sa BoC noong isang linggo.
Ayon kay So, may kabuuang 203 containers ang naiulat na nasa bodega ng BoC ngunit ang mga ito ay kulang sa mga dokumento. Ang mga  “expiry dates’ ay hindi maliwanag na nailagay sa mga “health certificates” nito.
Ang mga pagpasok ng mga karneng ito sa ating bansa ay tunay na nakakabahala lalo na at kalusugan ng mga mamamayang Filipino ang nakataya rito. Nagkulang ba ang BoC at National Meat Inspection Service (NMIS) sa kanilang pagmamanman sa mga ganitong gawain? Di ba ng pag- inspect sa mga pamilihan ay gawain ng NMIS at ang ahensyang ito ang dapat ding tumingin sa mga “ meat importers” lalo na ang kabuuan ng kanilang mga papeles? Bakit hindi magkakatugma ang datos ng BoC at sa mga sumulat na “importers” sa kanila upang maipalabas ang mga containers ng mga karne?

Ayon sa BoC ang mga nakaimbak na “containers” ng mga “importers” sa kanilang pangangalaga ay ang sumusunod:  Lucky Sisters Meat Trading-50 containers, JCORE Enterprises-65 containers at LEAN Pastures- 40 containers. Pero sa ‘letter of Appeal” ng mga naturang kompanya, ito ang mga nakasaad: Lucky Sisters Meat Trading-10 containers, JCORE Enterprises-12 containers at LEAN Pastures- 23 containers. Para saan yong mga hindi inapela na ilalabas sa BoC? Ang mga ito ba ay sinadyang iiwan na sa BoC dahil ang mga laman na karne ng containers ay lumampas na sa  ‘expiration dates”? At yong mga nasa pamilihan na, paano  nakalusot sa pagmamatyag ng BoC at NMIS?
Sa mga nangyayaring ito sa ‘meat importation” na mayroon ding mga “smuggled meat”, ang pamahalaan ay dapat na magpasalamat sa Sinag at sa mga kasaping organisasyong nito gaya ng Abono Partylist dahil sa kanilang masusing pakikipag-ugnayan sa BoC kaya madaling nakita at masawata ang mga ganitong gawain.

Entry filed under: News. Tags: .

Pozorrubio cops wear helmet cameras Dagupan’s OSYs undergo adult fertility, sexuality study

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,135 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

December 2015
S M T W T F S
« Nov   Jan »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: