CORTEZ: Let the people decide on Grace Poe Presidency

November 29, 2015 at 11:29 pm Leave a comment


brando-maso
“ Pero ngayon I think I’ve stated it publicly before, Senator Grace Poe wants to run, at the end of the day ‘di ba, sovereignty resides with the people, let the people decide,” sabi ni Presidente Aquino ng Liberal Party.
Si PNoy na mismo ang nagsabi na paulit-ulit na ang taumbayan na mismo ang hayaan na mag-decide kung naka-tadhana na maging presidente si Grace Poe.
Ang ultimate na magsasabi kung sino ang dapat maging Pangulo ng Republika ng Pilipinas ay ang mga botante.
PALABAN POE. Kahit ilan pang disqualification cases ang ihain laban kay Grace Poe ay haharapin niya.
“On the other hand, pinaglalaban ko at patuloy kung ipaglalaban ang lahat ng mga disqualification sa akin na ito ay karapatan ng bawat Pilipino,” sabi ni Grace Poe.
“Ang isang batang inabandona ng kanilang mga magulang ay hindi rin dapat i-abandona ng ating pamahalaan,” dagdag ni Poe.
Ang Senate Electoral Tribunal (SET) ay mula sa 1987 Constitution. Ang lahat ng decision ng SET ay dapat tanggapin at igalang. Kung hindi ka ayon sa desisyon ng SET… e di tumakbo ka bilang pangulo. Pero huwag ka muna mag-file ng COC. Hahaha.
Rosales councilor Romy Sim, kumusta na po ang Team GP sa bayan niyo?
Narito po ang isang part ng statement mula sa susunod na Vice President na si chiz Escudero.
By criticizing the SET’s decision declaring Poe a natural-born citizen, Escudero said their political opponents–many of whom are also lawyers–are assaulting the integrity of a constitutional body that was mandated to be the “sole judge” of all contests on the qualification of senators, and which the Constitution itself deemed to be “an independent, impartial and non-partisan tribunal.”
“Bilang abogado rin, nais ko rin galangin at ipaglaban ang Saligang Batas. Nagkataon lang siguro na magkaiba kami ng pananaw at interpretasyon kaugnay ng Saligang Batas at pagiging natural-born ni Senator Grace,” sabi ni Escudero.
Escudero said the fact that Poe had been given a birth certificate and passport, was legally adopted, and later allowed to run for and serve as a senator, meant only one thing: she is a Filipino and qualified to be a public servant.
Eto naman daw po ang tunay na sukatan para sa isang Pilipino na nagmamahal sa bayan.
“Hindi po nasusukat ang pagmamahal sa bayan dahil lamang siguro sa pananaw ng isa o iilan. Nasusukat lamang iyan sa puso, sa intension, sa galaw at sa gawa bilang isang Pilipino,” he said.
Nasabi ni Senadora Cynthia Villar na ang desisyon SET ay malabo nang mabago kahit na may motion for reconsideration si Mr. David.
 “Nag-isip naman kami ng mabuti sa decision namin,” sabi ni Villar.
APEC-LIKE INTERNET SPEED. Inulit ni Sen. Chiz Escudero ang panawagan ni Sen. Grace Poe na kayang pabilisin ang internet speed sa Pilipinas kung gugustuhin.
Alcala mayor Pao Mencias, kumusta na po ang Grace Poe votes sa Alcala? Kumusta din po Atty Jazon Collado ang lakad mo for vice mayor ng Alcala?

Bakit hindi kayang iutos ng gobyernong Tuwid na Daan na pabilisin ng mga telecommunications companies ang internet speed? Bakit mukhang powerless ang gobyernong Tuwid na Daan na utusan ang Globe, SMART, Sun at iba pa na magkaroon tayo ng mas mabilis na internet?
Inutile ang NTC. Inutil ang gobyernong Tuwid na daan. Palitan na ang Tuwid na Daan.
Napatunayan na kaya ng mga telecommunications companies ng  8.5 Gbps of Internet at voice connectivity sa mga venue ng APEC pati na rin sa mga hotel na tinuluyan ng mahigit kumulang na 8,000 delegates.
Kaya naman talaga. Sabi nga, dapat laging may APEC para mabilis internet. Di ba! kumusta naman sa mga Team Abono sa office ni Chairman Rosendo So.
“Now, if only the National Telecommunications Commission (NTC) could come up with new guidelines on acceptable speed and cost that telcos are duty-bound to follow, then reliable Internet service will be a norm here in the country and not just for special occasions like the APEC,” sabi ni Escudero.
ASIN-POWERED NA ILAW. Isang Aisa Mijeno ang nag-imbento ng ilaw na asin ang source of power.
Sa Pangalan pa lang, ang Pangasinan ay land of salt. Pero ang mga nakatira sa Pangasinan ay natali sa paggawa ng asin. Hindi nila nakita nag iba na pala ang  gamit na asin.
Bakit kaya dito sa Pangasinan na maraming asin ay walang naka-isip nito?
Engr. Tony Oculto, asin-powered LED na ba ang sagot sa mga brownout sa Mindanao? Hehehe. Liliwanag na din ang araw-araw na kadiliman sa Mindanao.
Akalain niyo, hanggang ngayon eh hindi po rin nabibigyang solusyon ng gobyernong Tuwid na Daan ang problema sa kuryente ng Mindanao.
WEEKLY KATAYAN BY DUTERTE. Si Martin Dino ang nagsabi na magbabalik ng death penalty at weekly magkakaroon ng executions kapag nanalo si Duterte.
Gagawin ni Duterte ito alang alang sa katahimikan. Siyempre iyong weekly executions ay doon lamang sa mga taong may hatol na ng hukuman. Paano naman kaya iyong mga hahatulan na sa labas sa korte?
“Once na nanalo siya, itong death penalty ay [restored] within six months. Kapag ito ay na-restore na, we will implement it weekly,” sabi ni Dino.
“Gusto niya magkaroon ng atmosphere ng katahimikan,” dagdag ni Dino.
Kumusta na kina Ms. Marlyn ng Fertilizer Dealers and Farmers Multi-Purpose Cooperative diyan sa Carmen.
Peace and order ang major problem sa Metro Manila kaya naka-ungos si  Duterte kay Poe. Ibig sabihindin nito na si Mar Roxas bilang DILG Secretary ay palpak.
SUBSTITUTION NG PALACE BET.  Presidential bet to give way to Duterte but it’s not Dino – Macalintal. Iyan po ang title ng story sa politics.com.ph.
Opo,  maraming naniniwala na hindi Martin Dino ang papalitan ni Duterte.
Sabi ng election lawyer na si Romy Macalintal na may political party daw na kandidato for president ang puedeng palitan ni Duterte.
Wala naman partido si Grace Poe, so hindi siya yun.
Independent naman si Miriam, so hindi siya yun.
Hindi naman Palace bet Binay, so Hindi siya yun.
Si Duterte ba talaga ang papalit kay Roxas?
Kumusta na po kay Cong Eskimo Estrella, ang very good friend ni Cong Neri Colmenares. Siya nga po pala, kandidato for senator si Neri Colmenares. Nasa ticket si Colmenares ng Abono Party-List at sa Grace-chiz ticket.
PANAWAGAN NI SEN. LOREN. Patuloy sa kanyang advocacy para sa environment si Senadora Loren Legarda.
Ang kabataan ay dapat mamulat sa kanilang responsibilidad sa pagharap sa climate change.
“We have to strengthen the protection of our children from climate change and natural hazards. We have to ensure that public infrastructure such as schools are safe, and child protection must be a priority, before, during and after a disaster,” sabi Legarda.
Ang kabataan ay dapat din maging mulat sa kanyang responsibilidad sa pagharap sa mga sakuna na nag-uugat sa climate change.
 “When we create an enabling environment for children to witness and practice disaster risk reduction early on in life, we inculcate in them a level of disaster preparedness that will be passed on to the succeeding generations when they become adults,” dagdag ni Legarda.

Entry filed under: News. Tags: .

Phl Navy conducts dialogue with Bolinao fisherfolks ORTIGOZA: Q & A’s  Boo-boo: Manny Pacquiao and Alma Moreno

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: