CORTEZ: Guingona: Paano ayusin ang matinding kapalpakan sa isyu ng laglag bala?

November 22, 2015 at 12:58 pm Leave a comment


brando-maso
Sa pagbubukas ng Senate Blue Ribbon Committee hearing sa ‘Laglag bala’ na pinamumunuan ni Senador TG Guingona, binuksan niya dapat malaman ang mali sa sistema at sa maaring solusyon sa isyu.
Rosales councilor Romy Sim, kumusta na poe ang TEAM GP Pangasinan Rosales Chapter? Magtanong, mag-imbestiga…pag-aralan.
Tinawag natin ang pagdinig na ito para magtanong … para mag-imbestiga … para pag-aralan ang isang bagay na nagpapasakit sa kalooban ng mga kapwa natin Pilipino, lalo na ng ating mga OFW, ani Guingona
Maraming mukha ng mamamayan ang lumutang sa isyu ng laglag bala.
Ang sama ng loob ng mga kababayan natin ay nagkaroon na ng madaming mukha.
Nandiyan ang mukha ng isang nanay na OFW na nagtatrabaho sa Hongkong. Sabi ni Guingona. Nandiyan ang mukha ng isang batang mag-aaral na kabilang sa isang choir sa kakatawan sana sa ating bansa sa isang international competition.
 
Nandiyan ang mukha ng matandang lalaking nagbalik-bayan sa sarili niyang bansa … na bumalik ng Amerika … na punong-puno ng takot at trauma sa umano’s nangyari sa kanya.
Marami pa sila, dagdag ni Guingona.
Vice mayor Ben Marinas ng Sison, kumusta na po ang TEAM GP Sison Chapter? Katotohanan at lunas ang target ng hearing ng committee ni Sen. Guingona.

Sa bandang huli, ang habol natin ay ang makita ang katotohanan … at bigyan ng lunas ang anumang problema sa likod ng isyung ating kinakaharap, sabi ni Guingona
Ang mga tanong na gustong makunan ng sagot ni Guingona:
Tanong nila: ano daw po ba ang pumalpak?
 
Pumalpak ba ang istraktura ng pamamahala sa ating airports?
 
Pumalpak ba ang sistema ng pangangalaga sa mga kababayan nating mga pasahero sa ating airports?

 
Pumalpak ba ang mga tao na inaasahan nilang patatakbuhin nang maayos ang istraktura at sistema?
 
Nasaan ang palpak? Saan, ano at sino ang dahilan ng kanilang upak?
 
Malinaw na nagtatampo at nagagalit ang taumbayan.
 
Sa kasalukuyan, malinaw ang isang bagay: mula sa matinding galit dahil sa tingin nila’s kapalpakan, nagtatampo na ang ating mga kababayan.
Ipinapakita nila ang tampo sa social media. Ipinaparamdam nila ang matinding tampo sa paraan nila ng pagbabalot ng kanilang mga bagahe at bitbit sa biyahe.
Mayor Heidee Chua ng Asingan, kumusta na poe? Ano ang tugon ng Senado sa isyu ng laglag bala?
Panahon na para tumugon tayo sa tampo ng ating mga kababayan. Sa paniniwala ng komiteng ito, ang pinakamagaling na paraan para maghilom ang kanilang tampo ay ang magtulungan tayo para hanapin … pag-aralan … at ayusin ang lahat na sa tingin nila ay matinding kapalpakan, sabi ni Guingona
NAG-SORRY POE. Tama, marunong mag-sorry si Senadora Grace Poe. May mga kandidato for Pangulo ng Republika ng Pilipinas na walang puso…hindi marunong mag-sorry.
Bakit nag-sorry? Hindi kasi nagustuhan ni Sheryl Cruz, isang artista na ang mother ay isang Rosemarie Sonora na kapatid ni Susan Roces, na idinidikit ang pangalan ng kanyang ina kay Senator Grace.
Dahil adoptive daughter ni Susan at ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr si Senadora Grace Poe ay pinsan ang trato nila sa isa’t-isa.
“Humihingi ako ng pasensiya sa kanya. Hindi ko nais mapasama ang pangalan nila.
“Wala naman akong sinabi na magpa-DNA test din sila,” pahayag ni Senator Grace sa GMA News Online nitong Martes, November 10.
DAMING INVITE SA PANGASINAN. Napakarami poe ng invitations kay Senadora Grace Poe mula sa iba’t-ibang panig ng Pangasinan.
Bumalik na naman po sa Pangasinan ang kandidato ng ordinaryong Pilipino para maging Pangulo sa halalan sa 2016, siyo po si Senadora Grace Poe.
By invitation po ng University of Luzon ang kanyang pagpunta sa graduation ceremonies na naganap sa CSI Stadia (o ayan Mayor, patalastas iyan ha!).
Bago dumalo sa graduation exercises ay pumunta siya sa Nalsian-Bacayao Elementary School para sa isang consultation sa mga ordinaryong tao. Sigawan, tilian, plakpakan. Gigil na gigil na nilapitan, kamayan at yakapin ng mga tga Pangasinan si Senadora Grace.
Bata, matanda, masayang nakita si Senadora Grace. Pinagkaguluhan ng mga tao. Wala pong hakot, mga naka-tsinelas, naka-sapatos, naka-yapak ang nakapiling ng susunod na Pangulo ng Pilipinas.
Wala pong hakot, iba’t-iba ang kulay ng mga damit ng mga tao. Iba’t-iba ang kulay ang tanong. Walang planted na question. Open ang tanungan.
Tunay, mainit at masaya ang pagtangap ng mga taga-Calasiao sa pagdating ng Ampon ng bawat Pamilyang Pilipino na si Senadora Grace Poe. Hahaha! Mayor Macanlalay, remember ang nakasulat sa chair. Ikaw na ang susunod.
Kumusta po kayo vice mayor Emong Soriano ng Laoac? Dumalo rin ang susunod na Pangulo ng Pilipinas sa meeting ng ALL4GP. Isang pambansang grupo na naniniwala sa isang Grace Poe Presidency. Congratulations pos a mga nagtatag ng grupo. May Galing at Puso.
Of course, muli na naman natikman ng sususnod na Pangulo ng Pilipinas ang mga seafoods sa Dagupena Restaurant na malapit sa sales center ng Toyota Dagupan (libreng patalastas na naman po iyan). Boneless bangus, sabaw ng halaan, pinakbet. Sarap ng pagkain sa Pangasinan, di ba Jasper?
ON DQ CASES VS. POE. Disqualification cases vs Poe not very damaging – Speaker. Iyan po ang istorya mula sa Philippine Star noong 11 November 2015.
O hayan na nga po, mismo si Speaker Sonny Belmonte na ang nagsasabi na hindi masyadong damaging sa susunod na Pangulo ng Pilipinas Poe ang mga DQ cases.
Sure na sure na ang mga political observers na lalaong nalalaman ng ordinaryong tao na may isang Grace Poe na kakandidato bilang Pangulo ng Pilinas sa 2016 elections.
Grace Poe ‘hurt’ by accusation she is ‘stateless’. Iyan naman po ang istorya  mula sa Rappler tungkol sa disqualification case na isinampa laban sa susunod na Pangulo ng Pilipinas na si Madam Grace Poe.
“Sa lahat ng sinabi niya, ang pinakamasakit siguro ay ang sinasabi niya na wala akong estado, stateless. Ibig kong sabihin, kahit naman ang mga refugee meron talagang pinanggalingan. Ang dahilan ng ito ay para depensahan ang mga karapatan natin,” sabi ni Grace Poe.
Sa isinulat ni Tony La Vina na ‘Law, ethics, and politics in the Grace Poe case’ nakikiisa po siya sakalagayan ng mga stateless daw na tulad ni Poe.
“What is at stake in the Poe case now pending before the SET is the status of millions of other Filipinos who were born with parents unknown and those foundlings who will be born in the future,” sabi ni La Vina.
Hindi lang po si Senadora Grace ang nakasalang sa kasong ito. Pati po ang mga doctor, engineer, teacher, at iba pa na lumaki at nagkamalay na putok sa buho. Hindi alam kung sino tunay na magulang.
Hindi po puedeng maging licensed na doctor sa Pilipinas ang hindi Pilipino. Hindi rin po puedeng maging licensed engineer sa Pilipinas ang hindi Pilipino. Hindi po pudeng kumuha ng examination at pumasa sa kahit anong licensure examinations ng PRC ang hindi Pilipino.
Marami po tayong mga kababayang Pilipino ang doctor na, engineer na, teacher na pero nasa parehong kalagayan sila ni Grace Poe.
Kapag sinabi ng SET na hindi Pilipino si Grace Poe, apektado ang maraming kapareho niya na mawawalan ng mga karapatan na nakalaan lang sa mga Pilipino.
NO TO CONTRACTUALIZATION. Meron batas laban sa contractualization pero hindi naipapatupad. Walang job security ang mga workers, Endo as in End Of Contract ang tangap na kalagayan nila.
Sa mga mall tulad ng SM ni Henry Sy, sa Ali Mall ng pamilya ni Mar Roxas, sa mga media outfits tulad ng ABS CBN at GMA 7… laganap ang job contractualization.
“Imagine living from contract to contract. While you may have a job now, you are not sure whether, in six months, you will be able to put food on the table, send your kids to school, and pay the bills. Financial obligations are constant but there is no work security,” sabi ni Poe.
Walang forever sa work!

Entry filed under: News. Tags: .

‘Like coming home’ – Poe CASH PRIZES AWAIT BEST EXHIBITORS IN THE CITY’S AGRI FAIR 2015

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: