CORTEZ: Bakit may unknown candidates sa LP? Alamin

November 22, 2015 at 7:16 pm Leave a comment


brando-maso
Kung ang alam niyo na  magsa-substitute si Duterte kay Dino ng PDP Laban… may mas matinding substitution na magaganap.
Alam niyo po ba kung bakit may dalawang hindi kilala at unwinnable na senatoriable sa KDM or Karina David Moment ehe este Koalisyong Daan Matuwid pala?
Ang Koalisyong Daan Matuwid ay binubuo ng LP at AKBAYAN. Yun na yun. Wala nang iba.
May isang lalaki doon na ang name ay Cresante Paes at isang babae na ang name ay Nariman Ambolodto.
As in walang name recall sila hindi po ba? Never heard na mga pangalan nila hindi po ba? Ang election sa national level ay paramihan ng boto.
Meron palang secret logic ito, ayun sa isang source natin sa LP Balay headquarters sa Cubao na may kauganyan kina Mar Roxas at Leni Robredo or Ro-Ro.

Practical si Roxas at ang Pamilya Araneta Roxas. Alam nila kung saang basket nila ilalagay ang itlog.
Kapag, walang pag-asa na manalo for President at Vice President ay magkakaroon ng substitution.
Practical si Roxas at ang Pamilya Araneta Roxas at maraming nakakaalam nito.
Kapag hindi nag-number one sa survey si Roxas ay aatras na ito.
Kapag hindi nag-number one sa survey si Robredo ay aatras ito.
Ang Plan B pala ng Ro-Ro ay mag-slide down to senator silang dalawa dahil mas mataas ang chance nila.
Papalit si Roxas kay Paes at si Robredo naman ang papalit kay Ambolodto.
Walang ulo na tatakbo ng KDM sa halalan ng 2016.
Withdraw ng COC si Roxas sa December. Give way si Roxas sa susunod na Pangulo ng Pilipinas na si Grace Poe.
Withdraw ng COC si Robredo sa December. Give way si Robredo kay Bongbong Marcos. Araneta ang asawa ni Bongbong, gets niyo?
Ohaaa! Galing iyang info sa Balay HQ ng LP.
PANALO POE. Rosales councilor Romy Sim, kumusta na poe ang acceptance kay Senadora Grace Poe?
Panalo na naman ang susunod na Pangulo ng Pilipinas na si Grace Poe na nakakuha ng 39% sa latest na Pulse Asia Survey na isinagawa nitong October 2015.
Panalo si Senadora Grace sa rating na 39%. Talo naman sa 24% si Binay, talo din sa 21% si Roxas at talo din sa 11% si Santiago.
Noong last na survey eh, nasa 26% lang siya pero siya na ang nag top noon. Ngayon lalong lumayo ang lamang.
Close fight na ang laban second place. Hahaha.
PANALO CHIZ. Alcala Mayor Pao Mencias, kumusta na poe ang TEAM GP Alcala Chapter?
Panalo din ang susunod na Vice President ng Pilipinas na si Chiz Escudero sa latest na Pulse Asia Survey.
Panalo sa nakuhang 43% si Escudero para Vice President. Talo naman sa 21% si Marcos. Talo din sa 11% si Cayetano at talo din sa 7% si Robredo.
NATURAL BORN POE. Panalo din ang susunod na Pangulo ng Pilipinas na si Grace Poe laban sa disqualification case na isinampa sa kanya bilang senador. Sa botong 5-4, ibinasura ng Senate Electoral Tribunal ang disqualification case.
Narito naman po ang pasasalamat ni Senadora Grace, I thank the Senate Electoral Tribunal (SET) for their impartiality in giving a fair decision. This landmark resolution sends a strong message that the Philippines considers itself part of the global community that respects international law. More importantly, the affirmation of my natural-born status upholds the right of all foundlings in the country to the entitlements, services and protection they deserve as full citizens of the country. I thank our fellow Filipinos for their continued trust and confidence. Our work in the Senate will continue with the same, if not greater, fervor and commitment to the welfare of the Filipino people in all areas of the country. On behalf of all foundlings born and raised in the Philippines, salamat po #‎LabanPOE2016.
Ayon pa kay Senator Legarda:

“The most important thing, I think, is this will have a great implication on foundlings.

“This issue goes beyond Grace Poe.

“Ito ay makahulugan sa mga ampon na hindi alam ang kanilang pinanggalingan.”
SABI NG PULIS SA TRAFFIC, TAO ANG MAY KASALANAN! Alam niyo po ba na iyung mga na-taffick nitong APEC ang may kasalanan daw sa kanilang sinapit?
Ayon iyan kay PNP-HPG Gunancao.
 ”They were stuck in traffic because they did not heed the traffic advisor[ies]. Our personnel, along with MMDA [Metropolitan Manila Development Authority] enforcers assisted motorists, for them to take alternate routes,” Chief Supt Arnold Gunnacao, director of the PNP-HPG, said.
Kumusta na poe kay Mayor Dick Villar ng Santo Tomas at kay councilor Junjun Oculto.
Ano bang sagot iyan…tamang logic ba iyan? Parang kung ayaw mong masaktan at umiyak huwag kang umibig! Hahaha.
Huwag kang uminon ng mainit na kape para hindi mapaso labi mo!
Huwag kang maglaro ng apoy para hindi ka mapaso!
Parang ten commandments, puro huwag kang…
Parang yung Christmas song na “You better watch out, you better not…”
Ang mga taong na-traffic ay may mga importanteng lakad kaya sila nasa kalsada sa panahon ng APEC.
Sila pa ngayon ang nasisi.
1st OFW SENATOR POE. Alam niyo po na na ang susunod na Pangulo ng Pilipinas ay isang OFW? As in Overseas Filipino Worker sa Amerika bilang grade school teacher.
Nag-work din siya bilang procurement liaison sa United States Geological Survey noong 1998 at bilang bilang product manager sa CSC Scientific noong 2001. Sa Amerika lahat na iyan.
Tulad ng maraming OFW, maraming sakripisyo din si Senadora Grace Poe sa ibang bansa.
Maraming OFW na tulad ni Sendora Grace na napilitang maghanap ng kapalaran sa ibang bansa.
Nag-OFW sila para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya.
Nag-OFW sila para hindi maging pabigat sa gobyerno.
 Si GRACE POE na ang magiging 1st OFW President ng Republika ng Pilipinas.
1st AMPON SENATOR. Tama po bang sabihin na si Grace Poe ang unang ampon na naging senador sa kasaysayan ng pulitika sa Pilipinas?
Siya rin ang magiging unang ampon na Pangulo ng Pilipinas.
1st INDEPENDENT PRESIDENT. Si Grace Poe ang magiging unang Pangulo ng Pilipinas na walang political party.
Inampon siya ng maraming national, regional political parties kasama na ang maraming party-list organizations.
WALANG EXPERIENCE BA KAMO? Opo walang mahabang experience si Grace Poe sa gobyerno.
Alam niyo po ba na si Barack H. Obama ay naka-2 years lang bilang senator bago naging Presidente?
Mas mahaba pa pala ang pagiging senador ni Grace Poe, makakatatlo siya bago maging Presidente.
Ang mas importante diyan eh, walang siyang experience sa pagkurakot sa kaban ng bayan.
Wala siyang experience na maging mayor ng isang Makati ang mga project ay over-priced.
Wala siyang experience na maging cabinet secretary na puro teka-teka bago mag-desisyon.
Wala siyang experience na maging cabinet secretary na dapat nagsolve ng traffic problem,dapat nag-solve ng communications problems.
Wala siyang experience na maging cabinet secretary na dapat nagsolve ng peace and order problem o nag-angat sa kalagayan ng mga local government units.
Wala siyang experience na magpayaman sa posisyon.
AIRPORT PA MORE SA PANGASINAN. Sabi po ni Tony Fernandes na may ari ng Air Asia na, It’s easier for Koreans & Chinese to go to Philippines but they prefer to go to Bangkok.
 
Philippines has to have an airport that can take more flights. There needs to be more gateways to PH, not just NAIA.
 
We focus a lot on NAIA but there’s a lot of regional airports that can be developed…And when you develop the regional airports, you kick-start a lot of regional economies as well.”
So, kung Tuwid na Daan ang manalong presidente eh di walang airport sa Pangasinan at hindi tourist detination and Pilipinas.
Kung marunong kang sumakay ng motorsiklo, kickstart mo ang engine para umandar. Ngayon kasi automatic na ang iginition. Hahaha. Mukhang si Tony Fernandez na may ari ng Air Asia ay kickstart ang kanyang single.
MAHAL KO ANG ATING BANSA. Sinagot na ni Senadora Grace ang pasaring ni Cong Leni na hindi siya pabor kay Poe.
 
“Para sa akin yan lamang ang isyu at hindi ko na kailangan pang sabihin dahil ito’y opinion nya e. So opinion nya yun basta para sa akin po, ginagawa ko ang aking trabaho. Mahal ko ang ating bansa. Kami ay narito, bumalik dito dahil sa pamilya at para tumulong,” she said.


“Yun naman po ang dapat nating isipin sa ating mga kababayan. Hindi po sila umalis dahil hindi nila mahal ang ating bansa kundi dahil din sa pagkakataon at oportunidad. Ang importante ay marangal ang iyong pamumuhay. Nandito ka nga pero ikaw naman po ay hindi gumawa ng tama. Ano po ba naman yung dapat nating isipin dun?”

Entry filed under: News. Tags: .

‘Plain, old tilapia’ takes on new tastes and looks Pangasinan businessman killed by gunmen

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: