EDITORIAL: Hindi ba kailangan ng international airport sa Pangasinan?

November 16, 2015 at 7:53 am Leave a comment


Maugong ang pagkadismaya ng mga Pangasinense sa tinuran ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na magtatapon lang ng pera ang gobiyerno kung magtatayo ng international airport sa Pangasinan.
001
Sinabi ito ni Roxas, na siya rin ang pambato ng Liberal Party sa pagka-pangulo sa 2016, nuong pumunta siya sa Infanta, Pangasinan nuong October 23.
Hindi niya inisip na ang isa sa kanyang pangunahing lider sa kampanya ay si dating Alaminos City Mayor Hernani Braganza na noon ay nagsulong sa pagpapatayo ng international airport sa kanyang siyudad upang mapalago ang turismo sa bandang kanluran ng lalawigan.
Ang panukala ni Braganza ay sinuportahan ni dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo at bumili na ng lupain ng Department of Transportation and Communications (DOTC) para sa airport. Nasimulan na ring ng Department of Public Works and Highways ang daan papunta sa proposed airport.

Sabi ni Roxas, pagtatapon lang ng pera ang paggawa ng international airport ay dahil walang mga tao na sasakay sa mga eroplano na papunta at pabalik sa lalawigan. Napaka-impertenenteng salita mula sa isang opisyal ng pamahalaan na siya sanang magsusulong ng pag-unlad ng Pangasinan.
Taliwas ang kanyang mga tinuran sa pagbibigay halaga naman ni Senadora Grace Poe, na isa rin sa tatakbo sa pagka-pangulo, na ang Pangasinan ay lalong uunlad kung ito ay may sariling international airport lalo na kung ito ay itatayo sa gitnang Pangasinan.
Tinuran niya ito noong binisita niya ang Pangasinan noong Agosto 26 at muli niyang binigyan ng diin noong bumisita siya muli noong Nobyembre 11 sa Calasiao at Dagupan City.
Sabi ni Poe: Ang pagsasagawa ng international airport sa Pangasinan ay hindi naman madalian. Kailangang planuhin ito ng maigi at kailangang may pagtingin sa kinabukasan o hinaharap. Maaaring ito ay isang medium o long term plan upang sa ganoon ang mga international airport sa Metro Manila ay hindi mapuno ng mga pagpasok ng international flights at may mga alternatibong airport o paliparan na kung saan maaari silang pumunta.

Malawak ang lalawigan ng Pangasinan. Hindi makausad ito sa minimithing pag-unlad dahil walang sapat na imprastraktura gaya ng magagandang airport. Mayroon man, masyadong maliit yong nasa Lingayen na hindi kasya ang mga malalaking eroplano. Paano nga naman tayong makahikayat ng mga investors o mamumuhunan ng mga industriya at mga negosyo kung sila naman ay aabutin ng mga apat na limang oras sa paglalakbay mula Manila hanggang Pangasinan?
Sa usaping ito, nakikita natin ang kahalagahan ng international airport sa Pangasinan dahil sa Asia Pacific Cooperation (APEC) Summit sa Metro Manila sa Nobyembre 17 -23.
Ayon sa ulat, mahigit na isang libong “international and domestic flights” ang kinansela dahil kulang ang espasyo ng ating mga international airport. Ito ay nakakabahala sa mga turista, mamumuhunan, “balikbayans” na disin sana’y nandito na sa bansa. Nakakabahala rin sa mga negosyo dahil hindi uusad ang pamilihan.
Hindi kaya panahon na upang magtayo ng iba pang mga international airports sa iba’t ibang lugar kasali na diyan ang Pangasinan upang may ibang paliparang maaaring gamitin ng mga pandaigdigang ‘airlines”?
Di ba napapanahon na rin na may international airport sa Pangasinan?

Entry filed under: News. Tags: .

ORTIGOZA: Wayward Reporting MAGANES: Politics of fear?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: