EDITORIAL : Nasaan yong mga maka-kalikasan?

November 8, 2015 at 7:29 pm Leave a comment


Ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Pangasinan ay nagpakita kamakailan ng kanilang dalawang mukha sa pagtrato ng pagpuputol ng mga punong kahoy sa lalawigan.

Noong kasagsagan ng pagpapalawak ng Manila North Road (MNR), nagpasa ng isang resolusyon ang SP na ipinagbabawal ang patuloy na pagpuputol sa mga nalalabing punong kahoy mula sa bayan ng Binalonan hanggang sa bayan ng Sison. Ayon sa kanila ,ang pagpuputol sa mga punong kahoy ay nakakasira sa kalikasan. Hindi nila binigyan ng kahalagahan ang kahalagahan ng pagpapalawak sa nasabing “national highway” at inalipusta ang kanilang sariling batas o ordinansa na umaayon dito.

Maliwanag sa kanilang adhikain na ang pagpigil sa pagpuputol ng mga punong kahoy ay pagtuligsa kay dating representante ng ika-limang distrito Mark O. Cojuangco na masugid na sumusuporta sa proyekto. Sinakyan din ng Sanggunian ang pag-alma ng mga grupong maka-kalikasan na kinabibilangan ni “running priest” Roberto Reyes.

Nabinbin ang proyekto. Pinipigilan ito ni Gobernador Amado T. Espino Jr. at ang Sanggunian hindi dahil sa ang proyekto ay sagabal sa progreso ng Pangasinan kundi ito ay panukala ni Cojuangco, na nagpahayag ng pagtakbo bilang gobernador sa halalang idaraos sa Mayo 9, 2016. Maliwanag na ang nangyari ay hindi isyung pangkakalikasan kundi nauugnay sa pulitika.

Sa ganitong aksyon ng pamahalaang panlalawigan, sino ang mga naapektuhan? Nagngingitngit ang mga tao sa ikalimang Distrito na kung hindi sana sa pamumulitika ng mga nakaluklok na mga opisyales ng lalawigang Pangasinan, tapos na sana ang pagpapalawak ng MNR at wala ng mga punong kahoy na sagabal sa daloy ng trapiko. Hindi inalintana ng mga opisyales na ito ay isang proyektong nasyonal at may kaakibat na pagtatanim ng mga punong kahoy upang mapalitan ang mga naputol at puputulin pa.

Ngunit ano ito? Hindi yata makatwiran ang aksyon ng Sanggunian at ni Gobernador Espino na pinayagan ang pagpuputol ng mga punong kahoy sa gilid ng mga kalsada sa bayan ng Umingan. Noon pa palang buwan ng Marso sa taong ito na naipasa ang pag-apruba sa resolusyon na may numerong 176-2015 na putulin ang 49 na mga punong kahoy na kinabibilangan ng mga mahogany, gmelina, ipil, mangga, sampalok at duhat. Bakit inilihim ito sa mga mamamahayag? Bakit walang imik ang mga grupong maka-kalikasan? Bakit walang aksyon ang paring Reyes? Dahil ba na ang grupong maka-kalikasan ay kumakatig sa pamahalaang panlalawigan at ayos lang na pagpuputulin ang mga punong kahoy sa Umingan?

Maliwanag na ang proyekto ay isasagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan at parte ng Philippine Rural Development Project. Ang nakapagtataka dito ay naghuhugas kamay ang Sanggunian at sinasabi na ang pag-apruba nila ay base sa resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Umingan at nakikita nila ang kahalagahan ng proyekto. Hindi ba mahalaga ang pagpapalawak ng MNR? Hindi ba naaksyonan na proyektong iyan ng DENR at DPWH? Ang pamahalaang panlalawigan ay tahasang nagpakita ng dalawang mukha sa pagpapatupad ng mga proyekto sa Pangasinan.

Nasaan ang mga maka-kalikasan?

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Inconsistencies of the Provincial Board of Pangasinan Prov’l Gov’t sacrificing merits – Mark

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: