CORTEZ: Grace Poe Panalo sa Pangasinan

November 8, 2015 at 7:17 pm Leave a comment


brando-maso

Hindi pa nakakapag-file ng COC si Sen. Grace Poe ay panalo na siya sa Pangasinan.

Panalong Presidente si Grace Poe sa Pangasinan sa isang survey na isinagawa ng Data Advisors kung ang election ay isinagawa noong September 25 hanggang September 29. Ang filing ng COC ay naganap noong October 12-16.

Isinagawa ang survey sa 1,500 registered voters sa buong Pangasinan. Plus or minus 2 percent ang margin of error at ang resulta ay nagtala ng 44.5 percent na boto para kay Grace Poe for President. Panalo! Hindi po ba councilor Romy Sim ng Team Grace Poe Rosales Chapter?

Malayo ang agwat sa mga kalaban. Talo si Binay sa 24.4 %, si Roxas ay talo din sa 18.3 percent. Pati nga si Marcos ay talo din sa 11.1 percent. Of course, vice president ang itinakbo ni Bongbong Marcos.

Pinakamalakas si Grace Poe sa 3rd District na may pinakamaraming botante sa buong Pangasinan kung saan nakakuha siya ng 49.7 percent. Ngayong nag-file na ng COC… mas tataas pa ang makukuha ni Grace Po.

Ang 3rd District ay kinabibilangan ng San Carlos City, Bayambang, Malasiqui, Calasiao, Santa Barbara at Mapandan.

WALANG PASOK. Holiday sa Metro Manila sa November 17 to 20 this year dahil sa hosting ng Pilipinas sa Asia Pacific Economic Conference o APEC. Walang Pasok.

Isinakripisyo ang mga raw ng trabaho ng gobyerno at maliliit na manggagawa para sa APEC.

Kapag walang pasok, walang traffic. Hindi mararanasan ng mga APEC delegates ang nakakahiyang traffic sa Pilipinas. Hindi maiinis sa traffic ang mga APEC delegates mula sa ibang bansa.

Pero, hindi namang kayang lokohin ang mga APEC delegates, alam nila na traffic sa Metro Manila ang isa sa dahilan kung bakit bumaba ang competitiveness natin sa category ng ‘ease of doing business.’

Dahil holiday, kailangang magbayad ang mga negosyante ng holiday pay sa mga manggagawa. Kaya karamihan sa kanila ay magsasara na lang habang holiday.

Dahil holiday, maraming manggagawa ang hindi kikita dahil arawan lang sila. Wala silang pasok. As in No Work, No Pay. Apat na araw na sahod ang mawawala sa manggagawa.

Dahil holiday, maraming maliliit na karinderya ang mawawalan ng pakakainin na mga manggagawa. Dahil No Work, No Pay… no customer!

Dahil sa holiday and mga jeepney drivers, bus drivers, padyak boys at tricycle drivers ay mababawasan ng pasahero. Dahil No Work, No Pay…no pasahero!

Dahil sa holiday, ang LRT 1, LRT 2 at MRT ay mababawasan ng pasahero. Bawas kita din ang gobyerno.
Alang-alang sa image na walang traffic sa Metro Manila… ang mailiit na negosyante at ordinaryong manggagawa ang isinakripisyo ng gobyernong Aquino.

ALDUB GOD GAVE ME YOU. Mula sa segment na All for Juan, Juan for All ng Eat Bulaga ipinanganak ang AlDub Nation. Sumikat muli ang kantang ‘God gave me you.’ Pagmamahalan at pag-asa. Kilig. Paghihintay sa tamang panahon ayon sa itinakda ng Diyos.

Iniluwal ito matapos ang Problem Solving portion ng noontime show. Across all social segments ang viewership ng show.

Ang All for Juan, Juan for All ay pumupunta sa pinakasulok ng kahirapan ay namimigay ng hanggang P100,000 pesos at iba’t-ibang bagay mula sa sponsors.

Hit ito sa tao dahil kahit paano ay nakakakita ang mga tao ng mga kapwa nilang mahirap ng natutulungan. Iyong iba masayang tumatawa, naiiyak, walang hanggang pasalamat.

Aksidenteng nakita sa camera si Yaya Dub na ‘may something’ ang tingin kay Alden. At doon na nilaro ng mga malilikhaing staff ng Eat Bulaga ang AlDub kalyeserye.

Sino ba ang hindi nagkaroon ng crush? Kinilig ang mga viewers sa struggle na hinaharap araw araw ni Alden at Yaya Dub para makita, makausap, makapiling ang isa’t-isa.

Mutual pala ang attraction. Crush ni Yaya Dub si Alden, Crush din ni Alden si Yaya Dub. Pero, may isang Lola Nidora humahadlang at ang kanyang mga values ay sinuuna pa.

Gusto ni Lola na ang lahat ng bagay sa pagitan ng pagkakaroon ng relasyon ni Alden at Yaya Dub ay mangyari sa Tamang Panahon.

Lumang style ng ligawan ang ipinaiiral ni Lola Nidora, na sinusunod naman ng dalawa. Masunuring mga bata. Tama naman.

Mga pagkikita na nauudlot. Mga tagpo na long distance relationship. Parehong pareho sa nararanasan ng mga pamilyang may OFW. Parehong pareho sa nararanasan ng mga pamiyang nasa ibang probinysa ang kanilang minamahal. Nakaka-relate ang viewers!

Kilig factor ang tumama sa audience nang tawagin ni Alden si Yaya Dub nang Maine at si Alden naman ay tawagin di Yaya Dub na Den. Ang anticipation ng viewers ay maging tunay ang kanilang relasyon.

May tagpo na magkaharap na silang dalawa pero biglang may plywood na iniharang sa kanila. Hahaha.

May tagpo din nang nagdate sila ay ang pagkain ay isaw! Pero magkalayo pa rin. Bantay ng lola.

Mula 3.65 million tweets naging 12.1 million tweets naging. Kuntento ka na ba sa split screen relationship? As in Skype or Face Time na pagkikita? Puede na ba sa iyo ang split screen kiss? Hahaha!
Okay lang ba sa inyo na kasama mo ang mahal mo per naka-blindfold kayo? May pring ang mga niyo?

October 24 ng midnight ay naka 39.5 million tweets ang #AlDubEBsaTamangPanahon. Eto po iyong isang hapon na nagkita si Alden at Yaya Dub sa Philippine Arena na ang pinakamahal na ticket ay P3,500 at ang pinakamura naman ay P150. Sold out po. Ang seating capacity ng Arena ay 55,000 katao.

World record po iyang 39.5 million tweets worldwide sa twitter, tinalo pa ang 35.6 million tweets noong 2014 Fifa World Cup semi-final match sa pagitan ng Germany at Brazil.

Kasabay ng umiinit na pulitika, kahirapan, karangyaan, at iba pang iskandalo sa gobyerno… nakakita ang mamamayan ng isang pagkakataon para maging saksi sa development ng relasyong AlDub. Pagmamahal at pag-asa. Ito ang nais ng taumbayan.

Sabi nga nila, love will find a way!

SUPPORT SINAG. Sa pagdaan ng Bagyong Lando. Naranasan na naman ng magsasakang Pilipino na hanapin ang gobyerno. Nasaan ang gobyerno pagkatapos ng bagyo?
Patuloy ang panawagan ng grupong SINAG na dagdagan ng suporta ng gobyerno ang agrikultura.

Habang ang lahat ng bansa ay nagtataas ng suporta sa agrikultura… eto naman ang gobyernong Aquino na kulang ang ayuda sa magsasaka.

Nasaan ang Corp Insurance System para makabawi ang magsasaka sa sakuna ng bagyong Lando at sa iba pang Landon a darating?

Alam niyo po ba na hindi tumatangap ang Philippine Crop Insurance Corporation ng applications sa panahon ng tag-bagyo? Hahaha. Para ano pa at itinayo sila?

Tumatangap lang sila ng insurance kapag hindi na tag-bagyo.

Hindi na maiiwasan ang mga Bayong Yolanda at Lando… mauulit ang mga super typhoon, malalakas na hangin… malalakas na ulan.

Sa pang matagalan, dagadagan ang pondo sa patubig. As in irigasyon. Cold storage facilities para sa mga sibuyas at iba pang kaparehong produkto. Makinarya para sa mga sakahan. Pautang na mababa ang interes para sa mga magsasaka.

Mga ayudang dapat na ibigay ng gobyerno ang sisiguro na may pagkain sa bawat mesa sa lahat ng oras ang bawat pamilyang Pilipino.

Ang pangarap ng nga mamamayan, magsasakang milyunaryo. Magsasakang taas noon a sasabihing sila ay farmer. Mga kabataang mangangarap na maging magsasaka upang ipagpatuloy ang pagpapakain sa sambayanang Pilipino.

Sa panahong tumama ang isang bagyo, ang panawagan ay para sa NFA na maglabas ng pondo na pambili ng palay para hindi makapagsamantala ang traders.

Ang pagsasamantala ay nangyayari sa pagpapabagsak ng mga traders sa presyo ng palay sa tuwing may bagyo. Basa ang palay, hindi maibilad. Kapag hindi naibenta…magiging itim. Lugi.

Entry filed under: News. Tags: .

MEETING THE ELDERLY MAGANES: Inconsistencies of the Provincial Board of Pangasinan

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: