EDITORIAL: Huwag gamitin ang mga kabataan sa pulitika!

November 1, 2015 at 11:00 pm Leave a comment


Kamakailan lang, maraming ” netizens”(tawag sa mga mahilig sa social media) ang naglabas ng hindi nila sang-ayon sa ginawa ng pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pamumuno ni Gobernador Amado T. Espino Jr. na sa pagbibigay ng pondong pang- scholarship sa mga kabataang mag-aaral ay idinaan pa sa isang publisidad.
Ang tanong ng mga netizens: Di ba ka-epalan ito?

Isang malaking replika ng tseke na nagkakahalaga ng P8,000 ay iginawad sa isang estudyante nina Gobernador, Bise Gobernador Jose Ferdinand Z. Calimlim at Pangulo ng Liga ng Mga Barangay sa Lalawigan Amado I. Espino III sa harapan ng Kapitolyo at sa kanilang likuran ay mga mag-aaral na maaaring kasali rin sa Pangasinan Scholarship Program.
Walang masama sa scholarship program dahil nakakatulong ito sa pagtulong sa mga kabataan upang makatapos ng mga kurso sa kolehiyo. Ang perang ginagamit sa programang ito ay galing sa buwis ng mga Pangasinenses. Ang hangarin ng programa ay upang matustusan ang bahagi ng gastusin ng mga mag-aaaral na maralita na ang pagpili sa kanila ay idinaan sa pagsusulit.

Maliwanag na ginagamit ang programa para sa pulitika dahil wala namang katungkulan ng anak na tatakbo sa pagka-Gobernador sa 2016 sa scholarship program. Bakit kailangan pa ng napakalaking tseke at makunan ng mga larawan kung hindi pinupulitika ito?

Ang kawawa dito ay ang mga kabataang mag-aaral na walang kamalaymalay na sila ay ginagamit sa pulitika. Ang ginawang ito ay upang makapuntos si Espino sa politika. Di ba maaari namang pirmahan na lang ni Espino ang mga ” vouchers” at ” cash” na ang ibigay sa mga mag-aaral?

Ang Pangasinan Scholarship Program ay isa ng programang institusyon na sinimulan ni dating Gobernador Aguedo F. Agbayani. May kaukulang ordinansa kaya’t taun-taon ay may nakalaang pondo sa aproprasyon o badyet ng lalawigan. Itinuloy ang programang ito sa ilalim ng pamamahala nina Gobernador Rafael Colet, Gobernador Oscar Orbos at Gobernador Victor E. Agbayani. Ang mga naturang naging opisyal ng lalawigang Pangasinan ay ni kailanman nagpagawa ng malaking tseke upang masabi lang na may programang ” scholarship” para sa mga kabataang mag-aaral.

Nasaan yong sinasabi ni Espino na huwag magpulitika muna kundi magbigay ng ibayong serbisyo sa mga Pangasinense? Bakit kailangan niyang gamitin ang mga kabataan sa pagsulong niya ng kanyang interes pulitikal? Nasaan ang tinatawag na etika ng isang pampublikong opisyal na pati ang pondong pamahalaan ay ginagamit sa pag-ibayo ng kanilang popularidad sa mga Pangasinense?
Ang sinisigaw ng mga “netizen” ay tuwirang pagbabago ng mga hakbangin sa pulitika. Sinisigaw na alisin ang “kaepalan” sa pulitika. Ayon sa kanila, pagka-epal ang ginawa ni Espino at sumasang-ayon kami dito.

Entry filed under: News. Tags: .

Balungao expats in Spain build community projects CLEANING THE GRAVES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

November 2015
S M T W T F S
« Oct   Dec »
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: