EDITORIAL : Pulitika sa panahon ng kalamidad

October 25, 2015 at 10:12 pm Leave a comment


Lumabas na sa bansa ang Bagyong Lando na nag-iwan ng malawakang pinsala sa mga lalawigan ng Gitnang-Hilagang Luzon lalong-lalo na ang Lalawigang Aurora. Ang Lalawigang Pangasinan ay isa sa mga tinamaan ng naturang bagyo na kung saan maraming bayan ang binaha, nawalan ng kuryente, maraming natumbang mga punong kahoy, nasirang mga pananim at palaisdaan, mga bahay na lumipad ang mga bubong at iba pang pinsala na dulot ng malakas na hangin at ulan.

Isang linggo bago pumasok ang Bagyong Lando sa loob ng bansa, nagbabala na ang pamahalaan na ito ay nabibilang sa tinatawag na ” supertyphoon” dahil sa dalang lakas ng hangin.

Pumasok sa Pangasinan noong Oktubre 19 ng mga bandang alas-onse ng gabi. Malakas na hangin na parang bumabayo sa paligid at umiikot na parang trumpo na ang bugso nito ay nagdulot ng pagkatumba ng mga poste ng kuryente at mga punong kahoy. Nagkaroon ng malawakang “brown-out” na sa ibang lugar ay umaabot ng limang araw.

Ang mga lokal na “disaster, risk reduction management councils (DRRMC)” ay nagsipaghanda sa kung anumang pinsala idudulot ng bagyo. Ang DRRMC ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ay naghanda rin. Noong araw ng Oktubre 21, naglabas ng Philippine Atmospheric, Geophysical and astronomical Services Administration (Pag-asa) ay naglabas ng ” weather forecast” ng ” typhoon signal 2″ na kinabibilangan ng Pangasinan.

Taliwas sa inaasahan, malakas na hangin at ulan ang naramdaman sa buong lalawigan na kung saan ibinunton ng sisi ni Gobernador Espino ang hindi tamang “forecast” ng Pag-asa.

Bakit sisihin ang Pag-asa? “Ang salitang “forecast” ay walang kasiguraduhan, ito ay hula lamang sa pamamagitan ng mga apparatus. Ang mga bagyo ay pabago-bago rin ang mga direksyon sa bawat minuto at oras kaya walang katiyakan ang magiging epekto nito. Ganyan ang nangyari sa Bagyong Lando. Ang kahandaan ng pamahalaan sa pagsapit ng kalamidad ay hindi dapat ibabatay sa mga “typhoon signals”. Basta may namumuong mga bagyo na papasok sa Pangasinan, dapat simula pa lang handa na ang panlalawigang DRRMC. Dito ay nagpapakita si Espino na hindi sapat ang paghahanda ng kanyang administrasyon dahil sa kasagsagan ng bagyo, walang agarang ” rescue operations” na ginawa sa mga bayan ng Agno, Infanta, Mabini, Mangatarem at iba pa.

Kinabukasan, nagpakitang gilas naman kakandidatong gobernador na anak ni Espino. Nandoon siya sa mga kalye na nag-uutos sa pagpuputol ng mga natumbang punong kahoy na bumalandra sa mga daanan ng transportasyon. Siya pa rin yong bubuntot-buntot kina Mar Roxas at Leni Robredo noong ang mga ito ay namudmod ng “relief goods” sa mga bayan ng Infanta at Mangatarem.

Kitang kita na may bahid pulitika na sinasamantala sa kalamidad para magpakita sa tao para siya ay mapansin. Sabi ni Espino na iwasan muna ang pulitika pero sa ginagawa ng “anointed son” na tatakbo sa pagka-Gobernador, hindi ba ito pulitika?

Ang buong lalawigan ng Pangasinan ay idineklara na ng Sangguniang Panlalawigan na “state of calamity”. Ibig sabihin niyan, maaari ng ilabas ng administrasyon ni Espino yong 5% “calamity fund” na nagkakahalaga ng P137 milyon. Ang pondong ito ay dapat gamitin sa pagtulong sa ating mamamayan na naapektuhan ng kalamidad lalung-lalo na iyong mga mga maralita, mga magsasaka, mga mangingisda at pagkumpuni sa mga nasirang imprastraktura.

Ang pondo ay galing sa buwis ng mga mamamayan at dapat lang na makakarating sa mga tutulungan na walang halong pulitika at may mga kinikilingan. Bantayan natin ang pondong pang-kalamidad.

Maging bukas kaya ang administrasyong Espino na ilahad sa mga mamamayan kung saan ginastos at gagastusin ang “calamity fund”?

Entry filed under: News.

MAGANES: Amused and bewildered! FLOODED BUGALLON ROAD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,631 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2015
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: