CORTEZ: Bagyong Lando, parang Bagyong Yolanda

October 25, 2015 at 9:52 pm Leave a comment


brando-maso
Malakas ang super typhoon na Lando na tumama sa Luzon. Sabi nila si Lando ang asawa ni Bagyong Yolanda na tumama sa Visayas. Pareho silang malakas, maraming sinira, maraming pinaluha.

Narito naman po ang text blast mula sa NDRRMC na nagdulot ng takot, panic, pagkabigla at pagbabalik sa pinsal ng bagyong Pepeng at pag-release ng tubig ng San Roque Dam dito sa Pangasinan.

“NDRRMC: Flood alert is issued tonight 19 Oct for the towns of San Manuel, Asingan, Santo Tomas, Villasis, Alcala, Bautista, Bayambang, Urbiztondo, San Nicolas. Expect sudden floods in 3 to 4 hours.”

Ohaaa! Maganda ang soup kitchen na tulong ni Mayor Pao Mencias ng Alcala noong second day ng bagyong Lando.

Ang mga tao sa panahon na kasagsagan ng bagyo ay gutom at walang panahon para magluto. Mas kailangan nila ng luto na pagkain kaysa relief goods na lulutuin pa.

Of course, sa mga sumusunod na araw nagbigay din ng relief goods para naman mairaos ang isang meal.

Ang learning experience sa bagyong Lando? Buo ang team ng Mencias-Collado na nagmonitor, nagplano at nagpatupad ng disaster response sa Bagyong Lando. Lalong lumakas nag samahan. Walang laglagan.

POE PARA SA CABINET LEVEL DISASTER AGENCY. Dapat daw po na magtayo ang goyerno ng NDRRMC na cabinet level na may fixed term of office para hindi politicized ang office.

“Whoever will lead this new agency should have a fixed term, regardless of who is in Malacanang, freeing him from any political pressures that have no place in disaster response,” sabi ni Sen. Grace Poe.

Maraming lugar sa Pilipinas ang nasa listahan ng most vulnerable tulad ng Tuguegarao, Lucena, Manila, San Fernando, at Cabanatuan. Nasa Top 100 po sila sa buong mundo.

Nakapasok sa Top 100 ang mga nasabing cities dahil mahina ang institution at mahina din ang kakayahan ng lipunan para harapain ang mga sakuna.

The Philippines’ “poor institutional and societal capacity to manage, respond and recover from natural hazards events” was a factor in its Natural Hazards Risk Atlas (NHRA) standing.

Call Center Capital na daw po tayo ng mundo pero pag may sakuna, hindi mo alam kung kanino ka tatawag!

Kanya-kanyang hotline ang lahat ng government agencies. Na kapag tinawagan mo ay walang sumasagot. Or kung may sumagot man ay walang definite na kasagutan or aksyon.

“I find it ironic that we are the Call Center Capital of the world and yet we don’t have our own hotline for emergencies,” Poe said. “Often, local governments and national agencies have their own initiatives, and we end up with a disjointed response in the face of calamities.”

Dapat daw po na ang bagong cabinet level na NDRRMC ay may genuine na legal personality.

Dapat din daw po na may sapat na technical at manpower support ang opisinang ito.

“As an independent body, the new department would have a legal personality to link up with similar agencies worldwide in terms of sharing valuable research, the latest search, rescue and recovery techniques, and even manpower support,” sabi ni Poe.

Rosales Councilor Romy Sim, kumusta naman po ang mga barangay sa gilid ng Agno River? Nabigyan na po pala sila ng ayuda mula sa LGU.

CHIZ PARA SA TULONG SA MAGSASAKA. Mabilisang tulong ang dapat na isagawa ng gobyerno para matulungan an gang mga magsasakang nalugi sa bagyong Lando.

Sinabi ni Sen. Chiz Escudero na karamihan ng tinamaan ng bagyong Lando ay magsasaka sa mga probinsyang nagtatanim ng pagkain ng sambayanang Pilipino.

“It can be noted that these are among the country’s top rice-producing provinces. The devastation not only threatens the livelihood of farmers, but also food security in the two regions that mainly depend on the crop for their sustenance,” sabi ni Escudero.

May PhP9.6 bilyon na Calamity Fund at Quick Response Fund na available sa DBM.

Based on official figures from the Department of Budget and Management, about P9.6 billion in Calamity Fund and Quick Response Fund are immediately available to help those affected by Lando, as well as P1 billion from the People’s Survival Fund.

Maaari itong gamitin para sa punla at pataba para sa muling pagtatanim ng mga magsasaka. Parang quick turn-around fund para makabawi ang sa lugi ng magsasaka na dulot ng sakuna.

Maaari din pondo ito para sa patubig ng mga sakahan o kaya naman ay imbakan ng mga produktong pang-agrikultural.

“Aside from seeds and fertilizers, affected farmers also need to rebuild agricultural infrastructure like storage and irrigation facilities to help them in the long-term,” said Escudero, the leading vice presidential candidate.

MAR-ESPINO NA. Nagsama si LP presidential bet Mar Roxas at Gov Espino sa Infanta matapos ang Bagyong Lando. Kasama pa nila si Leni Robredo sa Infanta.

Ohaaa. Ganoon talaga. Iba’t-ibang panahon, palitan ng kaalyado sa pulitika. Politika lang walang personalan.

Tangapin. Aminin. Pero, may mga Pangasinan LP na hindi pabor sa Mar-Espino tulad ni former Bugallon mayor Ric Orduna at LP provincial secretary general na si Oscar Lambino. Ano naman po ang say niyo, Cong Vic Agbayani sa alyansa ni Mar at Gov? Hahaha.

Iyung ibang kakampi ni Gov may CONA mula sa LP, iyung iba naman ay may CONA mula sa NUP at iyung iba naman ay may CONA mula sa Aksyon Demokratiko.

NPC naman ang pinagmulan ng mga CONA ng mga kaalyado ni gubernatorial candidate Mark Cojuangco.

Kanya-kanyang party. Kanya-kanyang kasiyahan. Hahaha. Tama po ba vice mayor Ben Marinas sa Byan ng Sison?

May mga kandidato pala na nakuha ng dalawa o tatlong CONA mula sa iba’t-ibang partido. Sigurista talaga sila. Hahaha.

May nakapagbulong sa atin isang elected official sa isang distrito ay may NPC at UNA na CONA. Incumbent po siya. Wala ba siyang tiwala sa NPC? Kaya kumuha pa siya ng CONA mula sa UNA?

Rosales councilor Tony Muya, kumusta na ang feeling ng last term?

Former 5th District BM Chinky Perez, kumusta na po ang mga caucus ninyo with Cong Kimi Cojuangco? Tamang-tama ang ginawa mong hobby na mag-indulge sa running, ngayon… tatakbo ka na naman sa politika.

Sa Pampanga, si incumbent Governor Lilia Pineda at Vice Governor Dennis Pineda ay parang tumama sa Jueteng kasi wala silang kalaban. Hahaha.

WHY RUN? Meron mga tumatakbo sa politika na ito ang justification: “Hindi ko na po pahindian ang maliwanag na panawagan ng taumbayan para ako ay tumakbo at magsilbi sa bayan.

Nandiyan ang pamilya ko at iba pang pamilya ko kasama na lahat ng kamag-anak ko.

Nandiyan din ang mga kabarkada ko, kaklase ko na nagsasabi na magsilbi ako.

Nandiyan din ang aking mga staff at mga pamilya ng mga staff ko.

Nandiyan din ang mga binibigyan ko ng proteksyon sa kanilang mga illegal na negosyo.

Lahat sila kasama sa hindi mabilang na sumusuporta sa akin. Kaya ako ay nag-file ng COC.”

DEPORT PEMBERTON! Ha! Bakit biglang naglabas ang DFA ng deportation order laban kay Pemberton na pinagbibintangan na pumatay sa isang Pilipino?

Hindi pa naman tapos ang kaso, tama po ba Atty Virgie? Anyare?

Hindi daw kaaya-ayang foreigner si Pemberton ayon sa DFA. Natapos na pala ang judgment ng DFA sa kaso ni Pemberton. Hahaha. Nagpagod pa tayo.

Entry filed under: News. Tags: .

Villasis palay drying facility big help to farmers Manaoag Police Station hosts VIPs – Chief

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,558 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2015
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: