EDITORIAL: Hirap maghanap ng political party si Espino?

October 18, 2015 at 11:27 pm Leave a comment


Ang pulitika, ayon sa mga pantas ng agham sa larangang ito, ay isang sining sa pamamahala. Ang larangan ng pulitika ay ang pagpapakadalubhasa sa pamamahala upang maibigay ang mga sapat na serbisyo sa mga mamamayan. Dahil dito, nagkaroon ng mga partido pulitikal na may kanya-kanyang layunin at adhikain o tinatawag na plataporma para pagpilian ng mga mamamayan sa tuwing halalan.

Ang sistema pulitikal ng Estados Unidos ang modelo ng Pilipinas dahil sa malawakang pagpapairal ng demokrasya. Sila ay may tinatawag na ” two party system” o dalawang partido lang ang naglalaban sa halalan. Bagamat modelo ng Pilipinas ang Estados Unidos, tayo naman ay may ” multi-party system” o maramihang partido na talagang gumugulo sa kaisipan ng mga mamamayan at pati na rin ang mga pulitika.

Ang mga partido, bagamat may mga sariling panuntunan, ay nagiging landas ng mga pulitika na behikulo sa kanilang pagtakbo sa halalan. Sa ganitong sitwasyon nawawala ang kahalagahan ng mga partido pero sa kabilang banda ay nagiging mahalaga dahil sa halalan, ang mga kandidato na inindorso ng mga partido ang may karapatan na magtalaga ng tagapagmasid o “watchers” at makakuha ng kopya ng mga resulta sa mga presinto.

Ang paghahanap ng masisilungang partido ay nangyari kamakailan sa Pangasinan kay Gobernador Amado T. Espino Jr. at ang kanyang mga kasamahan. Noong nakaraang taon, humiwalay siya sa Nationalist People’s Coalition (NPC), isang malaking partido sa Pilipinas na binuo ni dating Ambassador Eduardo “Danding” Cojuangco.

Humiwalay siya dahil sa hangarin ni Mark O. Cojuangco, ang tserman nito sa Pangasinan, na tatakbo sa pagka-gobernador sa susunod na halalan. Naalis din si Espino bilang lider ng “Biskeg na Pangasinan,” isang lokal na partido pulitikal na inilunsad naman ni Kalihim Antonio “Bebot” Villar Jr. Naibigay na naman ang liderato nito kay Cojuangco.

Habang papalapit ang paglalahad ng kandidatura sa Komisyon ng Halalan o Comelec, walang partido agad na nasilungan ni Espino at ang kanyang anak na pinapatakbo sa pagka-Gobernador. Dumulog daw sila sa Partido Liberal, pero ayon sa mga ulat di sila tinaggap, bagamat ang iba nilang kasamahan ay mga kasapi dito. Dahil gahol na sa oras sa paghahanap ng partido, inilunsad ni Espino ang Partido na Pangasinan para sa kanilang kasamahan sa pulitika.

Subalit, ang samahan na ito ay hindi rehistrado sa Comelec. Habang papalapit ang pagtatapos ng rehistrasyon ng mga kakandidato, nakahanap si Espino ng partidong nasilungan-ang National Unity Party (NUP). Nabigyan sila ng “certificates of nomination and acceptance” (CONA) na siyang ginamit nila sa kanilang pagrerehistro bilang kakandidato sa eleksyon.

Lingid sa kaalaman ni Espino, may ibang kakandidato rin na nabigyan ng parehong CONA ng NUP sa mas maagang petsa kaysa sa kanila.

Sa huling araw ng rehistrasyon ng mga kakandidato sa Comelec, nag “file” ng kandidatura ang mga may CONA galing sa NUP. Natunugan ito ng kampo ni Espino ng maaga kaya’t naghanap siya ulit ng partidong magbibigay sa kanila ng panibagong CONA. Nakahanap naman sila sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, isang partidong pulitikal na hindi na masyadong aktibo sa larangan ng pulitika pagkatapos sumakabilang buhay ang nagtatag nito na si dating Senador Raul Roco.

Ang nangyaring ganito kay Espino ay patunay na walang mga partido na lumapit sa kanya upang siya at ang kanyang anak na tatakbo sa pagka-Gobernador ay gawing “official candidate”.

Isa itong malaking palaisipan sa mga Pangasinense na kung ipangalandakan ni Espino ay siya ang may pinakamaraming nahakot na mga parangal para sa Pangasinan?

Mayroon kayang mas malalim na kadahilanan na hindi natin alam? Hindi kaya sampal ito sa kanyang liderato?

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Running for governor of Pangasinan EARLY BIRD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2015
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: