ORTIGOZA: Japan, South Korea asensado kahit di marunong mag Inglis

October 11, 2015 at 10:04 pm Leave a comment


mortz-nw-colored3

I was listening recently at Bombo Radyo where the commentator discussing why Apolinario Mabini did not even stand in the entirety of the film’s Heneral Luna. Text ako sabi ko: Kasalanan ng mga teachers iyan kasi di nila itinuro sa mga students sa Social Studies o History na sublime paralytic si Mabini. I added: “Parang movie rin iyan na titled “Philippine Congress” starring Congressman Manny Pacquiao at Senator Lito Lapid. Sa entirety ng film naka higa lang sila sa kabaong di man lang tumatayo. E hindi rin naituro ng mga taga media sa mga tao na nag tatanung bakit di sila (Pacquiao , Lapid) nagsasalita e paano matagal na silang intellectually dead. Patay ng matagal ang talino nitong mga dyasking @#$%^^&& !

****
Naaliw akong basahin ang isang artikulo ng PhilStar.com kung saan nakipag buno ang mga guro na maka wikang Filipino at maka Inglis sa Pambansang Kumperensiyang Pang¬wika ng Komisyon ng Wikang Filipino-Ikalawang Serye na ginanap sa Bayview Hotel, Manila kung ano ang dapat bigyan ng mas mahigit na pansin sa pagtuturo: Filipino ba o Inglis?

Sa website ng Department of Education naka saad doon na ang Mother Tongue ang ituturo para mapa-igting ang “fluency” ng mga Grades 1 to 4, tapos ang Filipino at Inglis naman ang ituturo “as language of instruction” sa mga Grades 4 to 6 sa elementarya.

Sa hais-skul naman, ani ng DepEd, ang Filipino at Inglis ay “primary instruction” sa Junior High School at Senior High School.

Sabi ng mga maka Inglis, mahirap gamitin ang Filipino sa hais-skul kasi may mga paksa na gaya ng Science at Mathematics na kulang ang Filipino na termino sa mga gamit nito.

Ang mga maka Filipino naman ay nakipagtalo na bakit daw ang Japan, South Korea, Germany, at iba pang bansa na hindi naman sila marunong mag Inglis maganda naman ang mga buhay nila.

Ang Inglis, ayon sa isang participant, ay armas lang ng mga Pilipino pag sila ay nagtrabaho na domestic helpers at iba pang blue collar jobs sa ibang bansa.

“Idinagdag pa ng isang guro, hindi batayan ng pag-unlad ang pagiging mahusay sa salitang ingles dahil pinatunayan na ito ng South Korea, Japan at iba pang bansa na mas minahal ang kanilang sariling wika kaysa maging magaling sa pagsasalita ng ingles. Aniya, naging maunlad ang kani-kanilang mga bansa kahit hindi sila magaling sa salitang Ingles kaya malinaw na hindi ang pagiging magaling sa Ingles ang magi¬ging batayan ng pag-unlad ng isang bansa,” ani ng PhilStar.com.

Nilinaw din sa seminar na iyon ni Komisyon ng Wikang Filipino (KFW) chairman Jose Laderas Santos, hindi lamang sa buwan ng wika dapat ipakita ng taumbayan ang pagmamahal sa sariling wikang Filipino kundi sa araw-araw.

Siniguro din ni Chairman Santos ng KWF na handang tumulong ang komisyon sa DepEd sa pagsasalin sa Filipino ng module na gagamitin sa pagtuturo sa lahat ng asignatura sa pagpapatupad ng K to 12 system.

Ang Pananaw ko

Kahanga hanga ang alab ng damdamin ng mga maka Filipino pero sa akin mali ang argumentasyon nila.

Maganda ang buhay ng mga tao sa South Korea, Japan, at Germany hindi dahil sila ay hindi marunong mag Inglis kung hindi magaling ang bansa nilang gumawa ng trabaho para sa kanila.

Ang mga bansang ito ay industrialized countries kung saan gumagawa sila nga mga sasakyan, armas, computers, appliances, at iba pang mga gadgets para ibenta nila sa ibang bansa.

Ang iba sa bansang ito ay halos may 100 percent foreign ownership sa mga negosyo doon. Dahil diyan hindi nila masyadong pinuprublema ang kawalan ng trabaho dahil pinupunu-an iyon ng mga kapital ng mga dayuhan. Dahil sa mala dambuhalang industriya nila sila pa ay kumuha ng mga Pilipino na manggawa na marunong mag Inglis para makapasok sa mga trabaho roon.

Sa Pilipinas kabaliktaran ang nangyayari sa ekonomiya natin kumpara sa mga bansang sinabi ko kanina.

Walang masyadong pumapasok na industriya at trabaho dito dahil wala namang pumapasok na dayuhang kapitalista. Kaya libo-libong mga Pilipino ay walang mga trabaho. Ang iba sa atin, dahil marunong mag salita ng Inglis, ay nandoon sa ibang bansa na nagtatrabaho na ang iba sa kanila ay inaabuso ng mga amo nila.

Ang problema natin ay hindi dahil hindi tayo sanay sa salitang Filipino kung hindi ang economic policies at situation natin ang may butas. Dito pinagbabawal ng batas natin ang 100 percent foreign investment at ang sobrang mahal ng kuryente at mataas na pasueldo sa mga mangagawa natin. Dahil dito ay nahuhuli tayo sa asenso at pag hikayat ng trabaho kumpara sa mga karatig bansa natin sa South East Asia.

Ayon sa United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD) ang Pilipinas noong isang taon (2014) ay nakakapag papasok ng U.S $6.201-billion foreign direct investment (FDI) kumpara sa $3.737 billion noong 2013.

Pero kung titingan natin ang FDI sa karatig bansa natin, malulula tayo. Ito sila: Vietnam ($9.2 billion in 2014 from $8.9 billion in 2013), Malaysia ($10.799 billion from $12.115 billion in 2013), Thailand ( $12.566 billion from $14.016 billion in 2013), Indonesia ($22.580 billion from $18.817 billion in2013), at Singapore ( $67.523 billion from $64.793 billion in 2013).

So, ano sa tingin ninyo hadlang ba ang pagtuturo ng Inglis sa pag asenso natin ayon sa mga taga DepED na maka Filipino?

(You can read my selected columns at http://mortzortigoza.blogspot.com and articles at P’nan Biggest News. You can send comments too at totomortz@yahoo.com

Entry filed under: News. Tags: .

P80M budget to fund projects in Mangaldan 1st DCAA CAGE TOURNEY OPENING CEREMONY AT ASTRODOME HELD

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2015
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: