EDITORIAL: Pagmamahal sa kalikasan?

October 11, 2015 at 10:39 pm Leave a comment


Mahigit ng walong taon sa panunungkulan ni Gobernador Amado T. Espino Jr. sa kanyang puwesto, Pero mayron ba siyan ginawang malalaking hakbang para pangalagahan ang kalikasan? Bagamat inilunsad niya yong ” Ilog ko, Aroen ko”, ang programang ito ay hindi naisagawang pangmalawakan sa buong lalawigan.

Marami ang nagtataka kung bakit sa tinagal-tagal niya bilang gobernador ng Pangasinan, ngayon lang niya naisipan ang magsagawa ng kaunaunahang ” Environmental Summit” para pag-uusapan ang kahalagahan ng kalikasan at kapaligiran.

Ang ” environmental summit” ay ginanap noong Oktubre 8 sa Sison Auditorium sa Lingayen na dinaluhan ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), mga lokal na opisyal, mga nabigyan ng “quarry permits” at iba pa. Ano nga ba ang pinag-usapan sa summit? Tinalakay ba ng masinsinan ang kalagayan ng kalikasan at kapaligiran ng lalawigang Pangasinan?

Itinaon ang pagsagawa ng “summit” sa kasagsagan ng isyu tungkol sa ilegal na pagmimina ng “black sand” sa Lingayen na kung saan ang gobernador mismo ang pangunahing personalidad sa kasong naisampa sa Office of the Ombudsman.

Ang isyung ito ay pilit nilang pinabubulaanan at pinasisinungalingan. Malaking isyu ito tungkol sa kalikasan na halatang pilit na pinagtatakpan. Tinalakay ba ito sa “summit”?

Marami sa mga pumunta ng naturang pagtitipon na maraming dalang katanungan.

Ano ang posisyon ng pamahalaang panlalawigan sa pagputol ng mga punong kahoy sa Mangatarem, ilegal “quarrying” sa ating mga kailogan, at iba pa? Bakit hindi tinalakay ang nilalaman ng “Environmental Code” ng Pangasinan para malaman ng mga Pangasinense ito?

Nakatuon ang mga topiko sa kung ano ang mga programa ng DENR at ang kanilang mga polisiya sa kalikasan, paggamit ng “organic fertilizer” at pagpapatupad ng Republic Act No. 9003 o iyong tamang paghihiwalay ng mga basura.

Ang ” environmental summit” ay pinangunahan ni Gobernador sa kanyang tangkang pabanguhin ang kanyang pangalan sa mga isyung kinasasangkutan nito sa pagbalahura niya ng kalikasan lalung-lalo na sa ilegal na pagmina ng ” black sand.” Ito ang maliwanag na layunin ang naisagawang “summit”.

Kami ay naniniwala na ang mga ganitong usapin o pagtitipon ay kailangan, ngunit ang mga topiko na isasagawa ay kailangang naaayon sa tunay na sitwasyon ng kalikasan sa Pangasinan.

Hindi dapat pagtakpan ang mga nangyayaring pagbalahura sa ating kapaligiran at kalikasan.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: Partido na Pangasinan? NPC, Biskeg members unite

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2015
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: