EDITORIAL: Grace at Chiz, may dalang pag-asa at sigla

September 21, 2015 at 11:26 pm Leave a comment


Sa wakas natuldukan na rin ang maraming espekulasyon kung si Senator Grace Poe ay tatakbo bilang pangulo at si Senator Francis “Chiz” Escudero sa ikalawang pangulo sa darating na halalang 2016.nnorthernwatch cartoon 9-20-15

Magkahiwalay na nagpahayag ng hangaring tatakbo sa mataas na posisyon sina Grace at Chiz. Si Grace ay doon sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines, Diliman, Quezon City noong ika-16 ng Setyembre at si Chiz naman ay sa Kalayaan Hall ng Club Filipino sa San Juan City. Ang parehong okasyon ay dinaluhan ito ng mga sumusuporta sa kanila na kinabibilangan ng mga matataas na opisyal ng mga ibat-ibang partido, mga galing sa mga sektor ng kababaihan, kabataan, maralitang taga-lungsod at iba pa.

Sa kanyang talumpati, inisaisa ni Grace ang kanyang 20-point development agenda na kinabibilangan ng mga programang pang-edukasyon, agrikultura, imprastraktura, pangkalusugan para sa mga mamamayan lalo na sa mga nakakatanda at malawakang serbisyo ng Philhealth, serbisyo ng internet, trabaho para sa mga mag-aaral, pagsugpo ng droga, kriminalidad at kurapsyon. Binanggit din niya ang pagpatuloy ng “tuwid na daan” na kung saan ito ay hindi monopolya ng iisang tao o partido bagkus dapat isulong ng bawat isang mamamayan.

Sa pagitan ng mga hiyawan at palakpakan ng mga dumalo, nakakitaan si Grace ng sinseridad, katapangan at may pag-asang dala sa pagsulong ng ”bagong umaga sa sambayanang Pilipino”.

Sa kanyang pagtatapos sa kanyang talumpati, doon niya sinabi ang kanyang hangarin na maging pangulo sa Pilipinas sa 2016: “Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo.”

Sa panig naman ni Chiz, kanyang binigyan ng sigla yong mga naunang salita ni Grace sa kanyang talumpati. Kinumpirma niya ang kanyang paghanga at kakayahan ng senadora sa pagsulong ng pagbabago sa bansa. Binansagan niya si Grace na ” GP” o ang “gobyernong may puso” sa pagpapatupad ng kanilang mga adhikain.

Pinatunayan ni Chiz ang kanyang simpleng hangarin bagamat maraming tumutuligsa sa kanya. Sabi niya, “Sino ba yang Chiz Escudero na napaka-bata pa at naka-tira lamang naman sa isang townhouse sa Quezon City eh ganun na lamang kung mangarap at mag-ambisyon?!”Marahil po ay tama siya sa isang banda dahil Escudero lamang naman po ang aking pangalan at di kasing bantog ng ibang mga pangalan tulad ng Quezon, Roxas o Osmeña na naging pangulo, bayani o mayamang pilantropo. Ang pagka-senador na po ang pinaka-mataas na halal na pwesto na narating ng aking apelyido na ni hindi ko po inakala na mararating ko.”

At ipinagpatuloy niya: “Subalit, hindi po ako sang-ayon sa sinabi niyang wala akong karapatan mangarap o magkaroon ng ambisyon lalo na kung ang pangarap at ambisyon ay di pansarili kundi para sa ating bansa at sa ating mga kababayan. Naniniwala po ako na ang bawat Pilipino – mayaman o mahirap, bata o matanda, babae o lalaki, nakapagtapos o hindi, may hitsura o wala, bantog man ang pangalan o hindi, nakatira sa Makati o sa probinsya – ay may kakayahan, kapasidad at karapatan na i-alay ang kanyang sarili para sa paninilbihan sa bayan- dahil wala pong iisang tao o apelyido ang may prankisa o monopoliya na bukod tanging magtataglay ng lahat ng talento, talino, galing at magandang intensyon para sa ating bansa.”

At sa huli, tinanggap ni Chiz ang hamon ni Grace na siya ay tatakbo bilang ikalawang pangulo ng bansa na ipinagbunyi ng mga sumusuporta sa kanilang dalawa: “Ako po si Chiz Escudero, isang Pilipino, anak, asawa, ama at bicolanong lingkod bayan. Buong pagpapakumbaba ko pong inaalay sa tulong ng mahal na Diyos at ni Ina ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong ikalawang pangulo… bilang ikalawang-pangulo ng ating bansa.”

Dalawang kabataang may malawak na hangaring baguhin ang pag-unlad ng Pilipinas. Dalawang lider na nag-aalay ng bagong sibol na pag-asa at sigla sa sambayanan. Grace at Chiz, mga lider na nagtataglay ng kakaibang katangian- si Grace ay isang babaeng matapang, may puso at may kakayahan at si Chiz na punong-puno ng karanasan, matalino at may dalang bagong sigla sa pagsulong ng reporma sa sistemang pamahalaan.

Ngayon palang, marami na ang nagbibigay suporta sa kanilang kandidatura bagamat tatakbo silang walang partido at minarapat nilang sila ay ” independent”. Sabi ni Chiz, Pilipinas ang partido namin at ang mga Pilipino ang aming kapartido.

Sana, sasama tayo sa kanilang paglalakbay sa ” Ating Bagong Bayan” na may pag-asa at sigla.

Entry filed under: News. Tags: .

MAGANES: NPC, the party that will dominate 2016 elections Cayetano mulls independent VP run

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,905 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2015
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: