CORTEZ: Poe-Francis na!

September 21, 2015 at 11:14 pm Leave a comment


brando-maso

June 30,2016 ang inauguration ng susunod na Pangulo ng Pilipinas sa Quirino Grandstand.

Iyan po ang dulo ng susunod na halalan sa May 2016 na ngayon pa lang ay nagiging makulay na.

Kasama ni Boss Sendo ang mga coordinators mula sa ng Grace Poe for President sa deklarasyon.

Narito po ang ilan sa sinabi ni Senadora Grace Poe sa kaniyang deklarasyon sa Balai Alumni sa UP Diliman nitong September 16, 2015.

Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo.

Simple lang ang prinsipyo ng aking ama na siya ring naging dahilan ng kanyang pagtakbo… sinabi niya mismo sa bulwagang ito mahigit 11-taon ang nakalipas: Importante sa isang leader ang katalinuhan pero mas mahalaga ang may tapat na pusong manilbihan upang tulungan ang mahihirap, labanan ang pang-aabuso, at pumanday ng isang lipunang masagana at makatarungan.

2) Payayabungin natin ang sektor ng agrikultura. Tutugunan natin ang hinaing nila sa lupa. Ang irigasyon ay kailangan pa sa kalahating milyong ektarya. Ilarga natin ang mekanisasyon. Kailangan ng epektibong programa para lumaki naman ang kita sa pangingisda, pagtatanim at paghahayupan

O di ba number 2 agad ang kanyang concern sa agrikultura. Kaya lang konti pumalakpak kasi konti lang magsasaka sa crowd sa UP.

Siyempre, iyong mga stakeholders sa agrikultura ay happy na mataas ang pahalaga hi senadora Grace Poe sa mga nagtataguyod sa food production.

Nagpahayag na din ng suporta kay senadora Grace Poe ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

We are expressing our strong support to the presidential candidacy of Sen. Grace Poe in 2016 elections.

We are optimistic that a Poe administration will institute policies versus smuggling of agricultural products and implement policies that will develop the country’s agri sector, something that the current administration has failed to fully address.

It is a double-whammy for Filipinos. On one hand, the government is losing much-needed revenues. On the other hand, those involved in the local production of agricultural products are not able to compete with these smuggled goods.

Senator Poe has also consistently underscored the importance of food security, which entails improving local agri production, with the additional 500,000 hectares of irrigated farmlands.

Kailan lang ay laman ng balita na ang pahayag ng SINAG na 6 agricultural commodities na kinabibilangan ng bigas, baboy, karne ng manok at kalabaw, bawang at sibuyas ang smuggled sa bansa .

Ang anim na commodities ay na nagkakahalaga ng P37.35 billion noong 2014.
Unifying ang isang resulta ng pagtakbo ni senadora Grace Poe for president.

We are optimistic that a Poe administration will institute policies versus smuggling of agricultural products and implement policies that will develop the country’s agri sector, something that the current administration has failed to fully address.

Isa sa mga bill ni Senadora Grace Poe para sa agrikultura ay ang Senate Bill 2089, na ang titulo ay An Act Promoting Corporate Farming and Providing Incentives for its Effective Implementation.

Ang objective ng bill na ito ayon kay senadora ay, “This bill will increase efficiency in the agriculture sector.”

Ang mga corporations at partnerships ay mabibigyan ng tax incentives sa customs duties, value-added tax, capital gains tax at iba pang tax breaks.

ALL FOR GRACE. Alam niyo po ba na ang buong Makabayan bloc ay susuporta sa Poe for president?

Pati ang iba pang leftist groups tulad ng Abang Lingkod nila kasamang Carapali Lualhati at ang Partido Manggagawa ay susuporta rin (hindi kasali ang Akbayan dito).

Of course, nauna nang nagdeklara ng suporta ang Magdalo na nasa right naman ng political spectrum.

O haaa. Left at Right unified sa Grace Poe for President.

Nandiyan din na sumusuporta sa Grace Poe for President ang mga nasa center ng political spectrum tulad ng Nationalist Peoples Coalition, Nacionalista Party, National Unity Party, at iba pang party-list formations.

Kapansin pansin din sa gabi ng deklarasyon for president ni senadora Grace Poe ang iba’t ibang t-shirt design na nagsasaad ng suporta sa kanya.

Hintayin na lang natin iyong mga nasa cabinet ni PNoy na maglahad ng suporta kay Sen. Grace Poe.

BINARIL. Get well soon, pareng Leo Boy De Vera Jr. Binaril po siya mga alas singko ng umaga sa Bayambang. Nagsabi na po si mayor Leo Boy na kakandidato siya for mayor ng Bayambang.

Si Mayor Leo Boy ay isa sa mga nagtataguyod na maibalik ang mga estudyante sa old site ng Byambang Central School.

Laro lang ang pulitika, wala naman barilan. Hahaha.

VP CHIZ. Siyempre, present din si Boss Sendo sa deklarasyon ni Sen. Chiz Escudero sa Club Filipino.

Inendorso ni Senadora Grace Poe si Senador Chiz Escudero for vice president.

Alam niyo po may mga nagsasabi na dahil kaibigan si Sen. Chiz, kaya ko kasama. Totoo kaibigan ko si Sen. Chiz, pero pagdating sa bayan, ang ating dapat gawing batayan ng mga makakasama ay isang taong mapagkakatiwalaan natin, isang taong may kakayanan at isang taong may nagawa na.

Narito naman po ang ilan sa mga binitiwan ni Sen. Chiz Escudero sa kaniyang deklarasyon para vice president.

Tinatanggap ko nang buong tapang ang hamon ni Senator Grace na maging katuwang niya.

Escudero lang ang aking apelyido, di kasing bantog ng Quezon, Roxas, o Osmeña…. Naniniwala ako na ang bawat Pilipino, mayaman o hindi, bantog o hindi ang pangalan, may karapatan ialay ang sarili.

Ako si Chiz Escudero. Buong pagpapakumbaba ko pong inaalay ang aking sarili bilang inyong ikalawang pangulo.

Kung pulitika ang naghihiwalay sa mga magkakamag-anak, e baligtad naman po sa pamilya ni Heart Evangelista.

Sa araw ng deklarasyon ni Sen. Chiz nagkaisa ang pamilya ni Heart.

Entry filed under: News. Tags: .

BALINGUEO SUBSTATION LNL exec to run as Urdaneta City councilor

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,837 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2015
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: