CORTEZ: Grace’s from God-Kimi

September 13, 2015 at 4:38 pm Leave a comment


brando-maso
GRACE’S FROM GOD. Bumati po si Cong. Kimi ng happy birthday kay Senadora Grace Poe at ipinagtanggol niya ang senadora sa mga bashers.

Narito po ang tweet ni Cong. Kimi, “dearest @sengracepoe you are a woman w/ a heart & being emotional was natural. Congratulations on your advocacy to help all ‘Grace’s fr GOD.’”

“Happy Birthday @sengracepoe You are in a position to help other adopted children & foundlings.Thank you for having a heart.”

“To the cruel holy ones on Twitter where do u get d nerve 2 judge or make fun of a candidate that showed her emotions. Is kindness beneath you.”

Bumati din si Se. JV Ejercito kay Senadora Grace Poe.

“Happy Birthday, my kinakapatid, my kumare, my colleague and my kababayan! May the Lord bless you on your special day.”

GRACE FOR LUMADS. Ang sikat na Lumad ay si Joey Ayala. Isa pong alternative music artist si Joey Ayala.

Si Joey Ayala po ay nagtataguyod sa Four Laws of Ecology ni Dr. Barry Commoner.

Ang Four Laws of ecology ay: All things are interrelated. Everything must go somewhere. Nature knows best. No such thing as a free lunch.

Narito po naman ang lyrics ng kantang Walang Hanggang Paalam ni Joey Ayala.

Di ba tayo’y narito/ Upang maging Malaya/ At upang palayain ang iba/ Ako’y walang hinihiling/ Ika’y tila ganoon din/ Sadya’y bigyang-laya ang isa’t-isa

Ang pagibig natin ay/ Walang hanggang paalam/ At habang magkalayo/ Papalapit pa rin ang puso/ Kahit na magkahiwalay/ Tayo ay magkasama/
Sa magkabilang dulo ng mundo

Ang bawat simula ay/ Siya ring katapusan/ May patutunguhan ba/ Ang ating pagsinta/ Sa biglang tingin/ Kita’y walang kinabukasan/ Subalit di-malupig ang pag-asa

Naghain ng Senate resolution No. 1572 si Senadora Grace Poe sa isyu ng pagpatay at forced evacuation ng mga Lumad sa Caraga at sa mga isyu ng iba pang indigenous communities.

Ang senate inquiry ay inaasahang magkaroon ng resultang, “meeting out the appropriate sanctions to those liable, and formulating legislative measures protecting, furthering and improving the welfare of various indigenous peoples and tribes in the Philippines.”

Nasa balita na kasi na pinapatay ang mga Lumad ng isang Magahat-Bagani Group na isang paramilitary arm sa Mindanao.

Diumanao, itong Magahat-Bagani group ay itinayo kontra sa NPA ng military. Itinanggi na ng AFP na sila ang may hawak sa grupo.

Ang pinatay na mga Lumad ay nagtataguyod sa isyu ng mga Lumad ay ancestral domain at indigenous peoples’ rights.

“The provisions of the Constitution are once again tested as seriously alarming events that led to the alleged harassment, killings, forced evacuations and dispossession of ancestral lands, among others, in the communities and tribal schools of the Lumad areas in the Caraga region in Mindanao have been reported and exposed,” sabi ni Senadora Grace Poe.

Kahit po si Senadora Loren Legarda, chairman of the Senate Committee on Cultural Communities, ay nagfile naman ng Senate Resolution 1575 sa pagpatay sa mga Lumad.

“This situation of Lumads being harassed, killed and displaced will turn into a humanitarian crisis, if the national government does not intervene. I seek justice for the death of our Lumad leaders. Harassment of indigenous communities in Mindanao must stop.”

“The Senate should conduct an investigation into this possible case of extrajudicial killing, and on the continued existence of paramilitary groups which I believe must be immediately reviewed and disbanded. The families and friends of the victims demand justice for the massacre of the three individuals and the disruption of lives in an entire community. We call for a solution to put an end to unwarranted killings in Mindanao,” sabi ni Senadora Loren.

GRACE AS WIFE. Sabi ni Atty Katrina Legarda na ang pagiging natural born ni Grace Poe ang binibira ng kalaban kaasi ito ay requirement para puede kang maiboto bilang presidente.

Nanirahan sa Amerika si Grace Poe dahil sumunod siya sa asawa niya sa Amerika para mabuhay bilang mag-asawa at itaguyod ang pamilya. Masama po ba iyon?

Marami po ang nagpunta overseas, hindi dahil hindi nila mahal ang Pilipinas.

Mahirap ang buhay TNT sa Amerika. Ang convenient na paraan ay makakuha ng residency at greencard.

Kaya sumusumpa sa Bandila ng Amerika ang ilang Pilipino ay for practical reasons. Hindi sila sumumpa dahil mahal nila ang Amerika.

Mahal pa rin nila ang Pilipinas kaya nga balik-sila ng balik sa Pilipinas. Kaya nga malakas ang The Filipino Channel. Dahil ng Pilipinong nasa Amerika ang Pilipinas.

Bilang isang masunuring asawa, sumama si Grace Poe sa mahal niyang mister sa Amerika. At doon ay may kaakibat na obligations ka na dapat gawin para ma-exert mo ang rights sa Amerika.

Sabi ni Legarda na, “she followed the legal domicile of her husband because she is married; there are different rights and obligations you have as married couples and she followed her husband which is as it should be.”

O di ba masunuring asawa si Grace Poe? Makapamilya.

Bumalik sa Grace Poe sa Pilipinas nang mamatay ang kanayng tatay na si FPJ at nagdesisyon na manirahan na rito.

Sa pagkakataong ito ang asawa naman ni Grace Poe ang sumunod sa kahilingan ng asawa. O di ba, bigayan lang naman ang susi sa isang relasyon ng mag-asawa.

Sabi ni Atty Legarda na,“She decided to come back here when her father died in 2004 and (her husband) followed her. This time it was his turn to follow her,” and that she said ‘I’m going to come back to live here because my mother is alone.”

Dagdag pa ni atty Legarda na, “Many people don’t believe that the family and the child is an important part of our country. They forget that the child does become an adult. And if you really believe that a foundling has no citizenship at birth, that means no foundling can be a doctor, a lawyer, a journalist… because you have to be a citizen to be that,” she added. The question is that she need not have become an American citizen. She could have easily have obtained a green card, being married to an American citizen.

Oo nga naman, kung sa Amerika eh kailangan ng “must be American citizen” para makakuha ng maayos na work…maraming trabaho dito sa Pilipinas na ang requirement ay “must be a Filipino.”

POE-ESCUDERO. Opo, Poe-Escudero ang leading tandem para sa 2016. Maniwala kayo na Roxas-Cayetano na. Roxas na ang nagdesisyon kung sino ang running mate.

Alalalahanin nati ang sinabi ni PNoy, ”I think I did say in my endorsement speech for him that he has the right to choose whom he think should be his partner. And I think the whole party will recognize that. We have consensus who our standard bearer will be, and then once that’s decided, then he should be given the reins to run the campaign.”

Entry filed under: News. Tags: .

Bayambang Mayor sued anew at Ombudsman Senior citizens of Madella, Quirino visit Villasis

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 570,302 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2015
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: