EDITORIAL :  Personal interes kontra kapakanan ng publiko

September 5, 2015 at 5:11 pm Leave a comment


 
Kamakailan lang, isa na namang paaralan ang nagkaroon ng kontrobersya dito sa Pangasinan na pilit na ikinakabit kay dating Congressman Mark O. Cojuangco. Ito ay ang Esperanza Integrated School na matatagpuan sa Bayan ng Sison.
 
Nagsimula ang kontrobersya nang ang mga opisyales ng barangay ng Esperanza at Parents Teachers Association ay nagpasa ng resolusyon na kinokontra ang diumano relokasyon ng paaralan dahil hindi raw ito makakatulong sa mga residente sa barangay.
Noong Agosto 28, nagkaroon sana ng ” public hearing” pero hindi ito natuloy dahil sa may mga gustong pumigil na ipaalam sa mga residente ng Esperanza ang katotohanan tungkol sa plano ng munisipyo sa pagpapaayos sa paaralan.
 
Ayon kay Bise Mayor Ben Mariñas at Kagawad Jose Opilas, hindi naman pala relokasyon ang gagawin kundi papalawakin lang ang paaralan para sa mga ipapatayong silid aralan, pagpapasaayos sa likuran nito dahil malapit sa Ilog Bued at mga iba pang pangangailangan ng paaralan.
 
Sa plano ng pagpapalawak, humigit kumulang na 6,800 metro kuadrado ang kailangang lupain at ito ay kukunin sa “common land” ng barangay na pag-aari nito. Laking gulat na lang ng mga opisyales ng bayan ng malaman na ang lupain ay naibahagi na pala ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga indibidwal na residente ng barangay na may kabuuang 51 katao na pinamumunuan ng Barangay Captain Rolly Olod.
 
Dito nagtataka ang pamahalaang munisipal. Paano nakagawa ng hakbang ng mga taong ito para mabigyan sila ng “patent” ng DENR na hindi man lang nalaman ng mga opisyales ng Sison? Bakit ang mga tao sa barangay ay kumukontra sa isang panukalang proyekto na hindi pa man naipalaam sa kanila? Bakit sinasabing relokasyon ang proyekto at hindi inalam na ang proyekto pala ay palawakin ang sakop ng paaralan para mas maraming kabataan ng karatig barangay ang matutulungan?
 
Ang mga mamamahayag na panig kay Gobernador Amado T. Espino Jr. ay kumapit sa isyu at kanilang iniuugnay si Cojuangco sa usapin sa paaralang ito.
 
Ano naman ang gusting mangyari ni Cojuangco sa paaralan kundi ang tumulong lang sa pagpapasaayos sa mga gagawing proyekto sa loob ng paaralan? Ang pagplaplano ng pagpapalawak nito ay nasa pamahalaang munisipal na hindi naman sakop ni Cojuangco. Ang mga tumutuligsa sa kanya ay ihinahambing yong nangyaring relokasyon sa Bayambang I Central School na hanggang ngayon ay puno pa rin ng problema at hindi nabibigyan ng solusyon ang pagbalik ng mga bata at guro sa dating kinatitirikan ng paaralan. Ang nangyari sa Bayambang ay ibang sitwasyon sa Esperanza Integrated School ng Sison.
 
Nagkaroon na ng ” public hearing” sa  Barangay Esperanza noong Setyembre 3 na dinaluhan ng mga residente doon at pati opisyales ng barangay at pamahalaang bayan ng Sison. Sa nasabing okasyon, naipaliwanag ang plano sa pagpapalawak sa lupain na sakop ng paaralan at karamihan sa mga residente ay pumapanig sa panukala.

 
 Ang mga opisyales ng barangay sa pangunguna ni Barangay Captain Olod ang tahasang kumukontra dahil sa kanilang personal na interes sa mga lupaing naibigay na sa kanila ng DENR. Marami ngayon ang nagtatanong. Naaayon ba sa batas ang pagbigay ng DENR ng “patent” sa mga residente na karamihan naman ay hindi mahihirap o “indigent”? May karapatan pa ba ang pamahalaan ng Sison na bawiin ang mga lupain upang gawing lokasyon sa pagpapalawak sa paaralan?
 
Ttiigil na rin kaya ang mga tumutuligsa kay Cojuangco sa usaping ito na maliwanag naman na siya pati si Congresswoman Kimi S. Cojuangco ay tumutulong lang sa mga plano ng lokal na pamahalaan ng Sison.

Entry filed under: News. Tags: .

CORTEZ: Bakit low and slow ang hiring ng pulis?- Chiz NEW PATROL VEHICLES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 569,547 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

September 2015
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,337 other followers


%d bloggers like this: