EDITORIAL: Kalayaang pamamahayag

August 9, 2015 at 3:33 pm Leave a comment


Ang ating Saligang Batas ay nagbibigay ng kaukulang proteksyon sa mga Filipino ng kalayaang magpahayag at magsalita (freedom of the press and expression). Ang mga ito ay nakapaloob sa Bill of Rights.
Ang mga kalayaang ito ay hindi mapapasubalian upang ang demokrasya ay mabuhay. Bagamat ang mga kalayaan na ito ay para sa demokrasya, sa panig ng mamamahayag ay hindi rin dapat umabuso at gawin itong sandigan upang sirain ang karangalan ng sinuman.
Nakakalungkot isipin ang mga nangyayari ngayon sa larangan ng pamamahayag sa Lalawigan ng Pangasinan. Ang kalayaan ng pamamahayag ay sinusupil at gustong busalan ng mataas na lider ng lalawigan.
Kamakailan lang, nagbanta si Gobernador Amado T. Espino Jr. sa mga mamamahayag na pumupuna sa kanyang administrasyon lalo na sa pagsisiwalat ng mga katiwalian sa kanyang pamamahala.
Ito any ang mga isyu tungkol sa illegal na pagmimina ng “ black sand o magnetite” sa Lingayen Gulf, kakulangan ng prayoridad sa badyet ng lalawigan sa taong 2015 at ang patuloy na pag-utang sa Land Bank of the Philippines (LBP). Ang mga isyung ito ay totoo na pilit nilang inililihim sa mga Pangasinense.
Sa mga mamamahayag na pumupuna sa mga isyung ito ay may mga basehan at mga dokumento na magpapatunay sa mga nangyayari sa Pangasinan. Imbes na ang mga isyung ito ay kanyang harapin at ipaliwanag, ang kanyang mga “bayarang mamamahayag” ay pilit na pinabubulaanan ang mga katotohanan.
Sila ay tumututok sa pagtuligsa sa mga mamamahayag na pumupuna kay Gobernador Espino at nag-iimbento ng mga isyu upang ilihis ang mga tunay na usapin sa lalawigan. Ang mga naturang isyu ay hindi pagyurak sa katauhan ni Gobernador Espino.
Ang mga ito ay hindi nakatuon sa kanyang personalidad kundi nakatuon sa kanyang pamamahala bilang pinakamataas na opisyal ng lalawigan at lider ng mga Pangasinense.
Ang mga lingkod bayan ay dapat bukas sa mga pagpuna, mga kritisismo at mga pagtuligsa kung kinakailangan upang mapaganda ang paghatid ng serbisyo sa mga mamamayan.
Dahil sa mga pagpuna sa kanyang pamahalaan, nagsampa si Gobernador ng mga kasong libelo sa mga mamamahayag. Una dito ay si Lina Cervantes na dati ay apat na kaso na kanyang dinagdagan pa ng lima, si Macky Delgado na may dalawang kaso na sa isa ay kasama niya ang batikang komentarista na si Tito Q. Tamayo, dalawang kasong libelo kay Ike Palinar at dalawa ring kaso kay Jesus Perez.Sina Cervantes, Delgado at Tamayo ay mga komentarista sa DWPR Radyo Asenso at si Palinar at Perez ay mga komentarista naman sa Aksyon Radyo.
Kung ang mga kasong ito ng libelo ay hindi tanda ng pagsupil at pagbusal sa kalayaang pamamahayag, ano ang mga ito? Hindi ba ang mga ito ay hudyat para patigilin ang mga mamamahayag na pumupuna sa kanyang administrasyon?

At kung ang mga ito ay titigil dahil sa takot, sino pa ang mga dapat magpahayag ng mga tunay na nagyayari sa pamahalaang Espino para sa kaalaman ng mga Pangasinense? Mayroon pa bang susunod na mga mamamahayag na sampahan ng mga kasong libelo upang lalong sikilin ang kalayaang pamamahayag dito sa Pangasinan? At iyong mga tagapagsalita niya, sila ba naman ay magpatuloy sa kanilang mga gawain na yurakan ang personalidad ng mga kasamahan nila sa pamamahayag?
Ang pagsupil sa kalayaang pamamahayag ay isang uri ng pagkitil sa buhay ng isang bayan o lalawigang nabubuhay sa tunay na demokrasya.

Entry filed under: News.

NEW SCHOOLBUILDING Dagupan to hold first-ever Children’s Health Summit

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,691 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

August 2015
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: