EDITORIAL: Biglang kambiyo!

July 27, 2015 at 9:23 am Leave a comment


Nuong isang lingo, tahasang sinabi ni Gobernador Espino na hindi niya papatayin ang mga kumentarista kundi puputulan lang ng mga dila.

northernwatch cartoon 7-26-15

Maraming reaksyon ang mga Pangasinense sa kanyang pagbabanta sa mga mamamahayag. Marami ang mga nagtaka bakit ang Gobernador ay nagpahayag ng ganun sa radio dahil ang mga komentaryo ay tumatalakay lang naman sa mga isyung nangyayari sa kanyang administrasyon. Maraming negative na puna kay Espino ang mababasa sa mga “social media” gaya ng Facebook.

Pagkatapos pagbabantaan ang mga mamamahayag sa Pangasinan na huwag nilang paglaruan ang kanilang mga buhay, naglabas si Gobernador Espino ng isang statement na sinasabing huminahon ang mga kumentarista..

Ang “press statement” ay taliwas sa kanyang pagbabanta- ito ay mahinahon at “humihingi na dalhin ng mga komentaryo sa isang disente at makatwirang antas upang maibsan ang apoy ng pagkakahiwalay upang hindi papunta sa mga hindi nararapat na insidente.

Ayon kay Espino, nakakarating sa kanyang kaalaman na mayroon ng hidwaan ng mga mamamahayag na sakaling mauwi sa marahas na palitan ng karahasan sa magkabilang kampo. Sinabi niya na bilang gobernador ng Pangasinan ay hindi niya ito kailanman papayagan dahil gusto niyang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan.

Ang kaniyang huling nabanggit ay taliwas sa sinabi niya sa mga radio na sa kaniya mismo ang pinagmulan ng kaisipang karahasan.

Bakit kaya nuong nasa radio siya ay hindi man lang siya nakapag-isip ng matiwasay? Bakit kaya bigla ang kanyang pagbibigay ng banta sa mga mamamahayag? Hindi kaya ito ay bungsod ng pagbibigay sa kanya ng mga maling impormasyon ng kanyang mga tagapagsalita sa mga estasyon ng mga radyo?

Sa mga nangyayari ngayon na lalong umiinit ang mga lumalabas na isyu dahil sa pagbabanta, iisa lang ang dapat sisisihin kundi ang kanyang taga-pagsalita na si Celso Manuel o Manny Celso na siya ang nagbukas ng pagbabanta na binigyan naman ng suporta ni Gobernador Espino. Di kaya mas mainam kung inilabas na lang niya ang “press statement” at hindi na nagbanta sa radio?

Dapat tignan ni Espino na ang mga komentaristang humahawak sa blocktime ng provinvial government ay walang ginawa kundi batikusin at laitin ang mga kasamahan nila sa pamamahayag.

Nawalan na yata sila ng etika at propesyonalismo sa pamamahayag?

Sa panig ng mga pinagbantaang mamamahayag, walang bahid malisya yong pagpuna sa mga isyu. Layunin lang nila na bigyan ng sapat na kaalaman ang mga Pangasinense at ang mga ito ay nakabatay sa mga katotohanan.

Entry filed under: News.

Macanlalay recalls a funny incident during weddings Dagupan joins National Deworming Day

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,632 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2015
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: