EDITORIAL: Tuloy ang laban ng mga magulang sa Bayambang

July 5, 2015 at 4:25 pm Leave a comment


Patuloy ang pakikipaglaban ng mga magulang at ibang mga guro ng mag-aaral ng Bayambang Central School para bumalik sa dating kinalalagyan ng kanilang paaralan.

Matatandaan na ang mga mag-aaral at mga guro ay pansamantala o temporaryo lang na inilipat sa Bical Norte (hindi Magsaysay) noong November 2012, pagkatapos na nagbigay ng order o utos si Mayor Ricardo Camacho sa pamunuan ng Department of Education o DepEd-Pangasinan I. Ang kautusan ay inapela ng DepEd sa Court of Appeals, na kinatigan naman ang utos ni Mayor Camacho.

Ang kinatigan ng Court of Appeals ay ang temporaryo na paglipat na ibig sabihin ay hindi permanente sa Bical Norte ang paaralan.

Matatandaan din na inireklamo ng Parents Teachers Association (PTA) si Mayor Camacho sa Office of the Ombudsman paglipat dahil sa hindi maayos ang pakikipagpalitan ng lumang lokasyon sa bagong pinaglipatan na pag-aari diumano ng nagngangalang Willy Chua.

Sinabi nilang ilegal yong pakikipagpalitan ng lupain ng dating lokasyon nito sa bagong lokasyon sa Bical Norte. Ang dating lokasyon sa Poblacion ay may lawak na 3.1 ektarya at tinatayang nagkakahalaga ng P620 million. Ang bagong lokasyon naman na pinaglipatan ng paaralan ay may lawak na dalawang ektarya lamang at nagkakahalaga ng P9 milyon hanggang P10 milyon, ayon sa zonal valuation ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Bakit nila gustong ipalit ang lumang lokasyon ng paaralan sa bagong lokasyon nito? Mayroon bang malaking dahilan o napakalaking dahilan na ganoon na lamang ang paghahangad nila ng agarang paglipat?

Ayon sa mga magulang, ang dating lokasyon ng paaralan ay binabalak nilang pagtayuan ng isang “mall” at “transport” terminal.

Ang lupa sa pinaglipatang lokasyon sa Bical Norte ay dating pag-aari ni Gobernador Amado Espino Jr. na ibinenta niya ito kay Willy Chua sa halagang P150,000.00 lamang na kasama ang 60-classroom building at covered court.

Parang hindi kapani-paniwala ito! Dalawang ektarya at may malaking building o gusali, P150,000.00 lang? Niloloko yata nila ang BIR? Tapos ito ang ipapalit sa dating lokasyon ng paaralan sa Poblacion na nagkakahalaga ng P620 million?

Sa nakaraang halalan ng PTA na ginanap noong Hunyo 30, nanalo ulit bilang presidente si Filipinas Alcantara. Siya ang namuno sa mga magulang na kumontra sa paglipat ng paaralan sa bagong lokasyon nito.

Walong magulang at isang guro na kasama ni Alcantara ang nanalo para sa may 15 miyembro ng Board of Directors. Ang mga magulang ay ay sina Danilo Gubatan, Lydia Guarin, Rustom Taguian, Carina Barboza, Dondon Menor, Arnel Soriano, Armando de Vera at Rodel Battung. Ang guro ay si Lourdes Quesada.

Ang iba pang nahalal sa Board ay sina Samuel Ergueza na isang magulang, and mga teachers na sina Marilyn Apalis, Helen de Vera, Marlyn Arenas at Marlyn Malicdem. Talunan yong mga parents na sinuportahan ni Mayor Camacho.

Ang pagkapanalo ni Alcantara sa halalan ng PTA ay nagpapatunay lamang na talagang gustong bumalik na sa lumang lokasyon ng paaralan ang mga magulang.

Sinabi ni Alcantara na itutuloy nila ang laban para makabalik na ang mga guro at mag-aaral sa dating lokasyon nito. Ang bagong building o gusali ay marami ng bitak-bitak hindi lang sa mga dingding kundi pati mga biga nito. Apat na kuwarto ang di na ginagamit dahil sa malalaking bitak sa dingding. Di pa rin ito inaayos.

Dapat lang na ibalik na ang Bayambang Central School sa dati nitong kinalalagyan!

Entry filed under: News.

MAGANES: Peoples’ victories GET POISONED

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2015
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: