CORTEZ: Ikulong ang smuggler ng pekeng bigas

July 5, 2015 at 4:06 pm Leave a comment


brando-maso
Arestuhin. Ito ang panawagan ng Samahang Industriya sa Agrikultura (SINAG) laban sa mga smugglers ng pekeng bigas.

Wala pang nakukulong na smuggler ng pekeng bigas.

Ang pekeng bigas ay pinaghalong patatas, kamote at industrial synthetic resins or plastic. As in plastic!

Ayon sa food experts ang pagkain ng 3 bowl ng pastic na bigas ay para ka na din kumain ng ng isang large na sando bag. Ngek!

Ang pekeng biagas ay mula sa Tsina. At sure na sure ang SINAG na smuggled ang pekeng biags,

Walang import permit na ibinigay kahit kanino para mag-import ng bigas mula sa Tsina.

Ang may import permit lang po ay iyong mula sa Thailand at Vietnam.

Sana daw po ay huwag makuntento ang gobyerno na isubasta lang ang compiskadong bigas. Dahil hindi nakukulong ang smuggler ng pekeng bigas, patuloy sila sa kanilang masamang Gawain.

Dapat po ay makulong ang smuggler ng pekeng bigas.

Smugglers of the so-called fake rice must be immediately arrested and prosecuted, the said Wednesday.

Isa sa pinupunto ng SINAG ay ang port of Davao. Opo sa sa Davao
City dumaan ang smuggled na bigas.

Ayon sa SINAG, dahil malaya pa rin si Davidson Bangayan, a.k.a. David Tan, ay nagbalik na sa kanyang operations. Sa Davao.

Eto po naman ang tanong ng SINAG,“Perhaps we have to ask Davao Mayor Rodrigo Duterte why it seems smugglers are not deterred by his pronouncements against them. In fact, they are now more daring by bringing in fake rice.”

Hindi lang bigas ang smuggled na dumadaan sa port of Davao, pati karne ng baboy at onions.

Tinatamaan na ang health ng taong kumakain ng pekeng bigas, tinatamaan pa rin ang dapat na kita ng gobyerno kung sully declared ang importation ng bigas.

FPJ MOVIES. August 20 po ang birthday ni Fernando Poe Jr., ang taong umapon kay senadora Grace Poe.

Ito po ang title ng ilan sa mga pelikula ni FPJ. Umpisahan mo, tatapusin ko. Probinsyano. Hindi pa tapos ng laban. Batas ng lansangan. Mabuting kaibigan, masamang kaaway. Tatak ng Tundo. Alyas lakay. Partida.

Eto pa ang ibang pelikula niya. Ayos na ang kasunod. Isusumbong kita sa tatay ko. Ang dalubhasa. Ang pagbabalik ng probinsiyano. Kapag lumaban ang api. Minsan pa. Dito sa pitong gatang. Ang pagbabalik ng panday. Hindi ka na sisikatan ng araw.

ERAP FOR PRESIDENT. Ang kaibigan ni FPJ na si mayor Erap Estrada ay may chance na tumakbo bilang president.

Ikinaila ni mayor Erap na member siya ng UNA.

“I’m not part of the UNA. I’m not a member of the UNA. I belong to my own party. Puwersa ng Masang Pilipino,” sabi ni mayor Erap Estrada.

LINGAYEN BLACKSAND MINING. Seize illegal black sand — DENR eto po ang headline ng Peoples Journal kanina.

MGB to seize blacksand in Pangasinan. Magnetite extraction in province declared illegal despite gov’s permit. Eto naman po ang lumabas sa Philippine Daily Inquirer.

Eto ang susunod na headline: Government orders dismantling of Lingayen wall. Hahaha. Wishful thinking lang iyan ni Mr. Rolando Rea.

Eto ang kuwentong barbero. Ang blacksand daw po na ginamit sa na backfill sa mga structures ng China sa West Philippine Sea ay mismong nagmula sa Pilipinas.

Napakalayo naman ng Tsina, para doon pa magmula ang panambak sa 5 strukturang itinayo sa West Philippine Sea.

Mas madaling kumuha ng blacksand na panambak mula sa Pilipinas kaysa kumuha pa sila sa Tsina.

Magandang panambak ang blacksand sa paggawa ng pier o port o daungan. Mabigat ang blacksand. Maraming laman na iron ore. Magnetite pa.

Kungbaga, eh nagcontribute pa pala ang Pangasinan ng blacksand para sa pagtatayo ng Tsina ang kanilang mala-base military sa gitna ng dagat ng West Philippine Sea.

INDEPENDENT OMBUDSMAN. Ipinakita ng Ombudsman na hindi ito nadidiktahan na taliwas sa akala ng ilan diyan.

Sinuspinde ng Ombudsman for the second time si Makati mayor Junjun Binay.

Ang sagot ng Binay, political harassment daw oh! Ginagamit daw ng Pnoy Administration ang ombudsman para usigin ang Binay.

Pero ano itong latest na desisyon. Purisima et al dimissed sa PNP! Opo naglabas ng desisyon ang Ombudsman laban sa kaibigan ni Presidente Aquino na idismiss na si PNP Chief Alan Purisima.

Ano iyan? Ginamit ba ni PNoy ang Ombudsman para ipukpok sa kanyang ulo?

Naglabas din ng graft charges ang Ombudsman laban kay former Cong Ruffy Biazon ng Liberal Party.

Lumalabas lang na ibang klase ang Ombudsman natin ngayon. Kahit na anak ka pa ng Vice President, tatamaan ka.

Kahit kaibigan ka pa ng President, tatamaan ka din.

Kahit Liberal Party ka, tatamaan ka din

PROFILE NG COCONUT FARMER. Ito po ay ayon kay Senadora Cynthia Villar. If you look at the profile of the coconut farmers family, they earn on the average P 50 a day.

The farmers in general and the fishermen P 150 a day which is around P 4,000 in a month. Paano mo pag-aaralin ang anak mo if you earn P4,000 a month? It’s not that they do not like to study.

They do not have the money to study. Kaya ang nilagay natin sa scholarship is P 500 million to finance the vocational education of 45,000 students in agriculture at P 12,000 each.

Nung iniimplement na, ang problema naman dahil before, walang mga course na accredited with TESDA na related to agriculture, walang school or teacher. Ngayon pa lang kami nag-eencourage to have courses accredited with TESDA and to have teachers teaching the course. Kahit na hindi formal school.

Kahit na yung mga farms or yung mga companies dealing with agriculture. Sila na yung magturo para makuha natin yung 45,000 scholarship na yun. Yun lahat ay para sa children of farmers.
Kasi alam mo, kung ang magtuturo ay malayo. One school in every province. Saan naman sila kukuha ng pamasahe papunta ng school. Kaya dapat every town, may magtuturo para mag-aral sila.

Entry filed under: News.

Dagupan police chief is outstanding officer in community relations Alcantara regains PTA prexy post

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

July 2015
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: