EDITORIAL: Utang na naman

June 29, 2015 at 9:45 pm Leave a comment


Noong Hunyo 22 sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan, ipinasa ang Provincial Ordinance No. 24-2015 na naglalayon ng planong umutang ang panlalalawigang pamahalaan ng Pangasinan ng halos P800 milyong mula sa Land Bank of the Philippines (LBP).Image (3)

Hindi pa nga tapos bayaran ang naunang inutang, umutang na naman? Mayron pang P405 milyon na utang mula sa LBP. Ito na naman, utang na naman? At napakalaki! Ang talagang gustong utangin ay P1 bilyon!

Bago inaprubahan ang nasabing ordinansa, sinabi ng mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan na hindi daw sila kinunsulta kung ano ang mga proyektong gagawin sa mga distrito nila. Oo nga naman. Sila ang nakakaalam ng mga problema sa kanilang distrito. Basta na lang daw dinala ang ordinansa para sa utang para sa kanilang pag-apruba.
May mga miembro ng SP na umalma at nagreklamo. Bigyan daw muna sila ng listahan ng proyekto para alam nila. Pero tumawag ng “recess” si Vice Governor Ferdinand Calimlim Jr. at pinag-usapan ito. Pagbalik nila sa sesyon, ayon aprubado na ang gagawing pag-utang sa LBP.

Pero ang unang ilalalabas ng LBP ay P758,149,708 muna dahil hindi nakumpleto ang listahan ng proyekto na pupunduhan. Sa laki ng perang gustong utangin, naubusan na ng ililistang proyekto para mailabas ang isang bilyon!
Ayon sa kanila ang uutangin ay gagamitin sa pagpagawa ng mga daan na nasira, mga tulay, pambili ng mga equipment para sa mga ospital at mga heavy equipment .

Bakit ngayon lang gagawin ang mga yan? Hindi ba walong taon na ang administrasyon ni Espino? Bakit ngayong isang taon na lang, eleksyon na, uutang pa ng isang bilyon? At kaya ba nilang ipagawa ang lahat ng daan sa loob ng isang taon?
At hindi ba dapat may pondo ang lalawigan para sa proyektong pang -imprastraktura? Nasaan ba ang badyet o pondo natin para sa taong 2015 na P2.7 bilyon? Bakit kailangang umutang ang lalawigan na ang “collateral” ay ang bahagi ng ating “internal revenue allotment o IRA?
Sa kabuuan, ang utang lahat ng lalawigan ng Pangasinan sa LBP ay P1,163,708.00. Ito ay babayaran sa sampung taon, na may interest na 5.5 percent sa unang tatlong taon. Naisangla na ang ating lalawigang Pangasinan!
Imulat na natin ang ating mga mata! Alamin kung ano ang mga tunay na nangyayari sa pera o kaban ng ating lalawigan.

Advertisements

Entry filed under: News.

Conrad: Unite and work hard Drug dealers use pandesal, tansan, to sell shabu

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 924,453 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

June 2015
S M T W T F S
« May   Jul »
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,440 other followers


%d bloggers like this: