Nasaan ang P186 M tobacco excise tax share ng Panlalawigang Pamahalaan ng Pangasinan?

June 28, 2015 at 4:08 pm Leave a comment


Malayo na ang narating ng isyu at usapin sa “tobacco excise tax share” ng Pangasinan. Bagamat ang excise tax share ay hindi lang sa ika-limang distrito ng Pangasinan kundi kasali rin ang ikatlo, ika-apat at ika-anim na distrito, nakatuon ang pagtuligsa kay dating Congressman Mark Cojuangco na para bang sa kanyang balikat nakaatang ang usapin sa “tobacco” excise tax.

May inilabas kamakailan na isang “Open Letter” para kay dating Congressman Mark Cojuangco ang “Save Pangasinan Movement” na inilathala sa isang lingguhang pahayagan sa Pangasinan, na tinatanong kung saan nagastos ang 80% tobacco excise tax share na nasa pangangalaga ng congressman.
Bago sagutin ang mga katanungan, ito ang hamon sa “Save Pangasinan Movement”: Tanungin si Governor Amado T. Espino Jr. kung saan niya ginastos ang P186 milyon na “monetized tobacco excise tax share” ng probinsiya noong Hunyo 2010 sa Land Bank of the Philippines (LBP).

Ang halagang iyon ay para lang sa mga bayan na nagtanim ng “burley at native tobaccos”- sa ikatlong Distrito (Malasiqui), ika-apat na Distrito (San Fabian, Manaoag), ika-anim na Distrito (Rosales, Balungao, Sta. Maria) at ika-limang Distrito (Laoac, Alcala, Villasis at Sto. Tomas).

Sa mga naturang bayan ng ika-limang Distrito, ang bayan ng Alcala na mayroong P28 milyon na bahagi sa provincial share ay P2 milyon lang ang naibigay at ang Villasis na may P34 milyon ay P4 milyon lang ang naibigay. Nasaan ang para sa Laoac at Sto. Tomas at sa mga bayan ng iba pang Distrito?

Ang tamang isyu: Nasaan at saan ginamit ang tobacco excise tax share ng provincial government ng Pangasinan?

May bahid malisya ang mga katanungan ng Save Pangasinan Movement na para bang ang pondo ng tobacco excise tax sa pangangalaga ni Congresswoman Kimi Cojuangco ay hindi nagamit sa tamang paraan.Bagamat, si dating Congressman Mark Cojuangco ang nagsulong sa Kamara ang pagpapalabas ng tobacco excise tax, ang pagpapatupad ng proyekto ay nakaatang na kay Congresswoman Kimi, at sa tulong ng kanyang asawang si Mark bilang isang consultant sa mga proyekto.

Lahat ng proyektong isinagawa na galing sa tobacco excise tax ay naaayon sa Republic Act No. 8240 at Joint Circular No. 2009-1 ng Department of Budget and Management (DBM), Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Tobacco Administration (NTA). Ang paggastos nito ay dumaan sa Commission on Audit (COA).

Ang tobacco excise tax share sa pangangalaga ng Congressman (sa mga distritong nabanggit) ay may “books of accounts” sa pangangalaga ng municipal accountants ng mga bayan na may tobacco excise tax.

Ito ang mga katanungan ng Save Pangasinan Movement, na bagamat hindi na kailangang sagutin dahil sa paulit-ulit na isyu, ay bibigyan namin ulit ng pansin.

1. Bakit nagamit ang malaking pera ng tobacco excise tax sa pagpapatayo ng Dairy Farm sa Laoac, Pangasinan?

Sagot: Ang dairy farm sa Laoac ay naitayo noong 2004 at ang pondo ay galing sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) ni Congressman Cojuangco. Ito ay ginamit sa pagbili ng lupa, pag-gawa ng gusali, pagpatayo ng “silos”, atbp.

Ang mga baka ay binili ng National Dairy Authority (NDA) na tumulong din sa technical na aspeto sa pagpapatayo nito. Kung may ginamit man na pondo galing sa tobacco excise tax ay noong 2011 para sa maintenance nito.

2. Sino ang may-ari at namamahala ng Dairy Farm? Mga magsasaka ba sila ng tabako?

Sagot: Ang Pangasinan Dairy Farm ay pag-aari ng 5th District Federation of Farmers Multipurpose Cooperative. Pinamamahalaan nito ng mga opisyales na pinili ng mga kasapi nito. Mayroon din consultant na tumutulong sa pagpapatakbo nito lalo na sa operasyon ng dairy. Dahil ang cooperative ay naitatag noong 2004, hindi lahat ng kasapi nito ay “tobacco farmers”.

3. Magkano ang nagastos sa pagpapatayo ng Dairy Farm? Magkano ang pinambili ng mga imported na baka at mga processing equipment?

Sagot: Ang Commission on Audit (COA) at National Dairy Authority (NDA) ang makakasagot niyan. Ang PDAF na ginamit ay galing sa mga ibat-ibang taon.

4. Kung mayroong 400 na ginagatasang baka na inyong ipinahayag, magkano ang naibebentang gatas kada araw mula ng nagsimula ito? Saan makikita ang accounting ng kinikita nito?

Sagot: May namamahala sa operasyon ng Dairy Farm. Bukas ang opisina nito at doon makikita ang production ng gatas at pati ang financial condition nito.

5. Totoo ba na walang titulo o malinis na papeles ang lupang kinatatayuan ng Dairy Farm?

Sagot: Ang lupain na kinatitirikan ng Dairy Farm ay nasa pag-aari na ng municipal government ng Laoac. May kasunduan ng Dairy Farm at lokal na pamahalaan na habang nandiyan yong proyekto ay hindi pwedeng gamitin ang lupa sa ibang paraan.

Ang mga katanungan ng Save Pangasinan Movement ay matagal ng nasagot sa mga ibat-ibang publikasyon ng pahayagan at komentaryo sa mga radyo.

Entry filed under: News.

Guingona’s visit inspires Malasiqui folk SWAT

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,628 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

June 2015
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: