CORTEZ: Why should we extend ACEF to 2025?

June 28, 2015 at 4:05 pm Leave a comment


brando-maso
Sa nakaraang annual get together ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na idinaos sa San Juan ay nagbigay ng kanyang report ang chairman na si Engr. Rosendo So.

Nakapaloob sa report ang mga ginawa ng SINAG na para sa interes ng mga kapatid natin na nasa agrikultura.

Nanguna angSINAG laban sa smuggling ng agricultural products.

Nanguna ang SINAG sa pagiging mata at boses ng bayan sa mga nagsasamantala sa presyo ng agricultural products.

Ang isa sa mga isusulong ng SINAG ay ang maisabatas na ang smuggling ng agricultural products bilang economic sabotage. Malapit nang maging batas ito.

Isang bukambibig na ngayon ang SINAG pagdating sa isyu ng agrikultura.

Pati media, SINAG ang kinukunan ng panig kapag , may abnormal na pagtaas ng presyo ng luya, o ng palay o ng sibuyas o na manok o ng baboy.

Pati national government tulad ng Department of Agriculture, Department of Trade and industry o ang Department of Finance ay laging isinasama ang SINAG sa kanilang mga consultations sa policy making.

Twenty months pa lang po ang SINAG, batang bata pa, pero ito ay alternative authority na sa agricultural issues.

Ang mga statement ng SINAG ay hindi basta basta motherhood statements, ito ay laging may basehan na concrete data,

Isa pa sa importante at immediate na isusulong ng SINAG ay ang extension ng Agricultural Competitiveness Enhancement Fund o ACEF.

Ang ACEF ay pondo mula sa tariff na nakolekta sa MAV o Minimum Access Volume ng imported na karne.

Kahit paano ay nagamit ang ACEF ng mga sector sa agrikultura.

Ang ACEF ay magwawakas ngayong 2015. Pero patuloy ang collection ng tariff sa MAV NG agricultural products.

Ang tariff collections mula sa MAV ay mapupunta na lang sa general fund ng gobyerno at walang katiyakan na mapupunta sa kapakanan ng farmers at fisherfolks.

Congress po ang may kapangyarihan para sa extension ng ACEF. May House Bill na po si Congressman Nikki Briones para sa ACEF extension to 20125.

Sa mga members ng House of Rpresentatives mula sa Pangasinan, anim po kayo. Iboto niyo naman po ang extension ng ACEF.

Sa Senate sina Senator Villar, Escudero, Guingona, Recto, Ejercito, Legarda, Sotto, Poe at madadagdagan pa.

Siyempre ang dalawang Abono congressmen ay pirmado na din para sa extension ng ACEF.

Hindi rin malayo na pumirma ang lahat ng congressmen ng Nationalist Peoples Coalition.

Ang tariff na iyan ay dapat pakinabangan ng agricultural sector para mapaunlad ito.

Doon sa mga congress people na mahilig magpondo sa vermiculture, bakit ka magpaparami ng bulate para mag-araro ng lupa? Puede naman bumili ng tractor!

Ang pagpapatuloy ng ACEF ay makakatulong sa modernization ng agriculture.

GRACE POE FOR PRESIDENT. Narito po ang isang linya ng sinabi ni Philip Lustre, What is happening to Senator Grace Poe is a rare political phenomenon reminiscent of Cory Aquino’s ascent to power in 1986. It appears as a sort of magic, as indicated by the growing but perceptible groundswell of support for her presidential run in 2016.

Alam niyo po ba na 93% ang approval rating ni Sen Grace Poe sa latest Pulse Asia Survey?

Highest siya. Parang 9 out of 10 approve sa kanyang ginawa sa senado.

At kung susuriin niyo yun resulta, yung 6% ay undecided kay Sen. Grace Poe.

Ang disapproval ni Sen. Grace Poe ay 0.4% lang!

BINAY RESIGNS. Kung one sentence lang daw ang resignation letter ni VP Binay sa cabinet ni PNoy… eto daw po ang laman: I hereby tender my irrevocable resignation as member of the Cabinet effective immediately.

Pero eto naman daw po ang one letter na naging sagot ni PNoy. K.

Hahaha, sanay talaga na text text lang.

Eto naman po ang reaction ni PNoy kay Binay, “Siguro ganyan talaga ang pulitika sa ating bansa. Baka naman napaisip siya na hindi siya mai-endorso natin kaya kailangang ipakita niyang hindi niya kailangan ng endorsement.”

Dahil bumira na si Binay kay PNoy, ano naman kaya ang feeling nina Sen. Saguisag na maka-Cory; ni Sen. Arroyo na maka-Cory, ni Sen. Butz Aquino na tito ni Pnoy at ang three sisters ni PNoy?

Silang lahat ay pro-Binay.

ALCALA VICE MAYOR. O ano ba itong nabalitaan ko na drafted for vice mayor ng Alcala si Atty Jazon Collado?

Kung sabagay, former Sangguniang Kabataan siya. Staff ni Cong Mark Cojuangco. Hindi nagpayaman sa bakuran ni Cong Mark.

Sabi noong ibang kapitan na panahon na din para pumasok na sa pulitika si Atty Jazon Collado, pero dapat sa NPC. Dapat kasama ni Mayor Pao Mencias sa ticket.

Dalawang batang malawak ang paningin para sa kaunlaran ng Alcala.

Papayag naman kaya si Cong Mark Cojuangco sa kahilingan ng mga leaders ng Alcala na maging kandidato nila si Jazon?

THREE-WAY FOR VICE GOVERNOR. Three-cornered fight daw po ang laban sa vice governor ng Pangasinan sa 2016.

Akala ko ba dalawa lang! Bakit naging tatlo?

Jose Ferdinand Calimlim. Mark Macanlalay. Ranjit Shahani.

Hindi kaya maging three-cornered fight din for governor? Hahaha.

Entry filed under: News.

ORTIGOZA: Incompetent Cathay Pacific Guingona’s visit inspires Malasiqui folk

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,630 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

June 2015
S M T W T F S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: