Archive for February 22, 2015
CORTEZ: TPLEx expansion proposal ni Cojuangco nakasalang na
OIC CPNP ESPINA. Bakit po ba umiyak ang isang police general na nagpaiyak din sa mga kongresisita at mga nanonood sa live congressional hearing?
Marami po ang humanga sa kanyang taos-pusong pagkalinga sa kapulisan. Siya na nag daw po ang dapat na ipalit sa nagresign na Chief PNP.
Bok Nani Braganza, kumusta ka na? Kailan ka babalik dito sa Pangasinan? Tatlo pala ang position sa PNP na ginagampanan ni General Espina now! Siya na ba?
Share ko po sa inyo ang full text ng sinabi ni Philippine National Police Officer-in-Charge Leonardo Espina s House of Representatives na nagsasagawa ng Mamasapano incident noong February 11, 2015.
Sir, as you all know, I am the officer-in-charge now of the Philippine National Police. There is no doubt that we are all for the peace process because, first and foremost, we are peacekeepers. We are your peacekeepers. Wala hong ibang gugusto ng katahimikan kundi kami. Alam naming…alam ng AFP ang price to pay for war.
Pero, sir, we seek for very clear answers. We seek clear answers from the other party of the peace process on the following—Ano ba itong overkill na ito na ginawa niyo sa mga tao ko?
Ako hindi ho ako nakatulog kagabi nung nalaman ko yung medico-legal report. Si Inspector [Rennie] Tayrus, si Inspector [Ryan] Pabalina did not suffer any lethal shots. Tinamaan sila sa paa lang. Ganun din yung isa.
[Pero] papaanong namatay yan? Yung isa binaril niyo sa ulo e. Buhay na buhay pa yung tao. Yung isa, hinubaran niyo ng bulletproof niya. Binaril niyo sa katawan niya.
Yung isa 9mm sa ulo niya. Dalawa…dalawang fatal shots. Hindi pupwedeng nag-suicide yung tao dahil in the face of so many enemies kasi dalawa. 9mm…close range yun…short firearm yun.
Nakita na e. Ito lang po ang gusto kong itanong e. Nakita niyo na SAF yan. Kahit ano pang violation pa yan; kahit na po sinabi nating walang coordination, etc, kahit na sabihin pa ho natin sino unang nagpaputok, kausap yan e sa usaping pangkatahimikan. Peace talks. (more…)
Readers’ Comments