CORTEZ: NPC, LP suporta kay Cojuangco

February 3, 2015 at 11:45 pm 1 comment


brando-maso

Ang pormahan sa national level ay malayo ang pagkakaiba sa local level sa usapin ng elections.
Ang gagaling naman ng mga political analysts sa Pangasinan. Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic.
Ang tanong lang naman ng LP sa kanyang sarili ay: magdedeliver ba ng boto si Espino para sa national candidate ng LP? Ano ang track record niya sa delivery ng votes noong 2010 para sa presidential candidate na si Teodoro, vice presidential candidate na si Manzano at senators na sina Monching Guico ng Pangasinan, Raul Lambino ng Pangasinan, Bong Revilla, Bebot Bello, Lito Lapid at Rey Langit?
Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic. Hindi ba puedeng maging UNA Party member siya?
Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic.Hindi ba puedeng balik-Lakas Party uli siya?
Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic.Hindi ba puedeng Nacionalista Party naman siya?
Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic.Hindi ba puedeng balik-Biskeg na uli siya? Kinuha na pala ni Sec. Bebot Villar ang Biskeg dahil napabayaan daw ni Espino sa loob ng 9 years.
Dahil ba hindi na NPC ang isang politico ay magiging LP na siya? Ngek! Wrong logic.Hindi ba puedeng party-less na Party siya?
Ipinakita ng national elections noong 2010 ang kaibahan ng character nito sa local elections. Ang Arroyo Administration ang incumbent. Ang LAKAS ang ruling political party sa buong bansa.
Ano ang nangyari sa Pangasinan? Mabibilang sa kamay ang mga nagdala sa Pangasinan sa kandidatura ng Liberal Party na Aquino-Roxas. Habang ang karamihan ng local political leaders sa Pangasinan na ang leader ay si Governor Espino ay opisyal LAKAS na ang dala ay Teodoro-Manzano.
Matapos ang bilangan, nanalo ang Aquino-Roxas sa Pangasinan noong 2010.
Lesson: Local politicians will look after their interests first and only. Never mind the national politicians.
Hindi nakapagdeliver ng boto sa Teodoro-Manzano tandem ang LAKAS sa leadership ni Governor Espino kahit na 90% ng mga mayor ay alyado niya.
Landslide ang panalo ng local LAKAS candidates mula governor hanggang mayor hanggang konsehal. Pero, hindi nag-deliver ng boto sa kanilang Presidential candidate na si Teodoro at sa kanilang vice presidential candidate na si Manzano.
Ano ngayon ang tingin ng LAKAS sa political leadership ni Espino? Kukunin ba uli ng LAKAS si Espino sa partido nila?

Ano ngayon ang tingin ng Liberal Party sa political leadership ni Espino? Kukunin ba ng Liberal Party si Espino sa partido nila kahit na tinalo ng Aquino-Roxas ang very formidable local LAKAS machinery sa Pangasinan?
Tingnan naman natin sa local na level. Halimbawa, sa Anda na nasa First District. Ang incumbent ay si Mayor Aldrin Cerdan ng NPC ay nagdeklara na susuporta kay Cong Mark Cojuangco for Governor. At kung tatakbo ang isang Pulido (Liberal Party) laban kay Cerdan, sigurado ba kayo na sa Espino sasama ang Pulido? Siyempre may pinansamahan ang Pulido at Cojuangco kaya Cojuangco pa rin ang susuportahan ng Pulido.
O kaya naman sa Bani na nasa District One din. Alam natin na nagbigay na din ng suporta si Mayor Gwen Yamamoto kay Cojuangco at member din siya ng NPC. Pero paano kung bumalik si former mayor Cel Navarro na Liberal Party? Sino kaya ang susuportahan niya for governor? Siyempre Cojuangco kahit na Liberal party pa siya.
Isa pang halimbawa, sa Binmaley na nasa Second District. Ang incumbent ay si Mayor Sam Rosario ng Liberal Party ay nagbigay na rin ng suporta sa Cojuangco-Macanlalay tandem. Ang lalaban ba kay Mayor Rosario ay siguradong susuporta kay Espino? Siyempre, lilipat din ng UNA Party si mayor Rosario para sa 2016 elections. Ang isang UNA politician na sumusuporta kay Cojuangco para gobernador ay isang katotohanan sa Pangasinan politics
Isa pang halimbawa, sa Bugallon na nasa Second District din. Ang incumbent ay si Mayor Jumel Espino na wala nangpartido na anak ni governor. Paano kung si former mayor Ric Orduna ay tumakbo for mayor kahit na Liberal Party siya? Ang isang Liberal Party politician na sumusuporta kay Cojuangco para gobernador ay isang katotohanan sa Pangasinan politics.

Former Pangasinan Second District Congressman Victor Agbayani, kumusta na po kayo? Nami-miss na kayo ng mga taga-second district. Pati si Von Mark Mendoza, padre, balik ka na sa board.
Siya nga pala, si Cong Victor Agbayani at si Mayor Nani Braganza ang co-chairpersons ng Liberal Party Pangasinan. Ibig sabihin sila nasa kanilang kamay ang recommendation kung puedeng maging LP member ang isang aplikante. Sa palagay niyo, recommend kaya nila sa national LP ang politiko na nag-resign sa NPC?
Si Cong Pol Bataoil ng Second District ay kasama ni VP Binay na nakiramay sa mga namatay na PNP-SAF. UNA Party din ba ang magiging partido niya?
Isa pang halimbawa sa Second District ang Urbiztondo na ang incumbent ay si mayor Raul Martin Sison na siyempre kay Espino ang suporta. Paano kung si Mayora Myrna Balolong ng Liberal Party ang tumakbo for mayor? Former mayor din lang ang kanyang asawang si mayor Jun Balolong na pinagbabaril last year.
Ayon sa isang taga-Malacanang, very close friend ni Presidente Aquino na chairman ng Liberal Party si Mayor Jun Balolong. Sino naman kaya ang susuportahan ng Balolong? Siyempre kay Cojuangco sila susuporta kahit na Liberal Party sila.
Of course, hindi natin dapat kalimutan ang suporta ng Abono Party-list. Sa Cojuangco-Macanlalay din ang suporta nila.

Entry filed under: News.

Bagoong earthen jars stand tall in Lingayen GIANT BAGOONG JAR

1 Comment Add your own

  • 1. Mak  |  May 24, 2015 at 6:45 pm

    Hehehe.. nakakatawa naman ito… bakit natanung nyu na ba kaming mga Pangasinense..? lahat kmi…? hehehe

    Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 972,630 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2015
S M T W T F S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: