Cojuangco: Kung para sa tao, walang pakialam sa San Miguel

January 26, 2015 at 12:52 am Leave a comment


brando-maso
Lumabas po ang genuine concern ni Cong Mark Cojuangco para sa tao sa isyu ng TPLEx nang siya ay ma- interview ni Anthony Taberna at Gerry Baja sa DZMM Teleradyo kamakailan lang.
Opo, ang nagbabangaang interst sa isyu ng pagbabago ng direction ng TPLEx ay interest ng PIDC (isang construction corporation ng San Miguel Corporation) laban sa interest ng mga taga-Pangasinan.
Makakaasa po pala ang mga taga-Pangasinan na kakampi si Cong Mark Cojuangco kahit na ang kalaban ay San Miguel Corporation!
Wala daw pong additional na one bilyon pesos na madadagdag sa project. Mababawasan ang traffic papuntang norte. Hindi mapeperhuwisyo ang mga taga-Sison at Pozorrubio. Mas magagamit ang Marcos Highway papuntang Baguio.
Noong 2009, last term ni Cong Mark Cojuangco, nagbigay siya ng alternative na route nang TPLEx  sa DPWH. Ang sagot gn DPWH ay hindi ganoon kadali baguhin ang ruta ng TPLEx kasi kailangan daw po ng NEDA approval.
Bakit po ba ipinaglalaban ni Cong Mark ang bagong ruta?
Nakita po ng mga taga-Sison yung disenyo ng TPLEx na sasagasaan ang mga maliliit nilang sakahan at mismong sa sentro ng bayan ng Sison ito dadaan. Dumulog sila kay Cong Mark para makapag-usap sa kinauukulan.
Kaya naman pinag-aralan ni Cong Mark at ng mga taga-Sison kung saan padadaanin ng TPLEx.
Ang sabi ni Cong Mark ay, “ iyon pong ideal place, doon po sa lugar na wala pong magsasaka, wala pong tao, dahil wala pong mai-istorbo.”
Sa tanong ni Taberna na, “Hindi po ba masyadong magastos iyon kung ma-extend nang isang kilometro?”
Eto naman po ang sagot ni Cong Mark, “Nadidismaya nga po ako sa DPWH dahil mula noon 2009 pa. aah. Pinahayag ko na po sa kanila itong alternatibo. Hindi naman po sila gumawa ng sarili nilang due diligence. Ngayon tinanggap nalang nila yung say so ng PIDC. Mali naman po siguro iyon. Meron naman sariling kakayahan ang DPWH na alamin ang totoong halaga ng paglipat doon sa bagong daanan.”
Ang gusto pong sabihin ni Cong Mark ay responsibilidad ng DPWH na gumawa ng due diligence sa costing na submitted by PIDC. Nanghihinayang si Cong Mark dahil matagal na ang proposal ng mga taga-Sison noong 2009 pa at ngayon ay 2015 na.
Dagdag ni Conga Mark na, “Gumawa po ako ng sarili kong pag-aaral. At dito po sa sarili kong pag-aaral, hindi po haul-in na tambak. So, at saka iyong tulay po na kailangan ay almost kalahati po ang haba kaysa doon sa gusto nilang lugar. Doon pa lang po sa dalawang item iyon ay dapat na pumareho lang ang halaga ng proposed route po namin. Eh. At saka meron pang savings na limang kilometro kung itutuloy po iyong phaae 3 na papuntang san Fernando, La Union. So, iyan po ang isyu na… 2009 pa po ito.
Komento ni Taberna, “Aha… mabuti klinaro niyo.  akala po namin eh parang ngayon lang.”
Sabi ni Cong Mark na, “2009 pa po ito, kongresista pa po ako, nagreklamo sa akin ang mga taong taga-Sison. Natatakot din sila.  Kasi na iyong bayan po namin ay ma nahati ng mga ilog… nahahati ng mga bundok… nahahati ng Marcos Highway. Hindi po katulad sa Central Luzon na ang lawak ng kapatagan diyan. Wala pong masyadong problema. Eh ito na lang po ang maliit na pag-aari ng mga magsasaka eh sasagasaan po nila ng 60 meters right of way.”
Tanong ni Taberna, “Congressman, puntahan ko lang po iyong presyo ano? Kung susundin iyong inyong mungkahi, kung hindi pa naman huli ang lahat, makakatipid ang sinasabi niyo? Makakatipid ba?”
Cong Mark, “Hindi po, ang sinasabi ko it’s a wash. Ibig sabihin po ang prino-propose kong alternatibo ay parehong presyo lang, ngayon, ina-argue po ng PIDC na isang bilyon ang… well ayon sa aking komputasyon hindi po ganoon. Ang problema po  sa DPWH tinanggap na lang nila ang sinabi ng PIDC, hindi naman nila, hindi naman sila gumawa ng sariling komputasyon. Ngunit kung gamitin ko po mismo ang numero ng DPWH sa mga per cubic meter na ginagamit sa kontaratang ginagawa nila dito eh talagang it’s a wash. Malaki po ang halaga ng per cubic ng estimate ng PIDC.”
Boss Sendo, mukhang namamahalan po si Cong Mark sa estimate ng PIDC para sa bagong ruta kasi cut and fill lang ang mangyayari sa construction ng highway. Kung gagamitin daw ang presyo ng DPWH ay pareho lang dapat ang magiging presyo ng project.
Dagdag ni Gerry Baja, “Nasa tabi lang iyong puwedeng kunan ng panambak?”
Oo, kasi papatagin niyo sa ibabaw, eh hindi ka na magku-quarry sa ilog at dadalhin mo pa doon.
BAWAS TRAFFIC SA KENNON ROAD. Tanong ni Gerry Baja, “well ah congressman, ipaliwanag niyo nga po uli. Ano ho ang inam kapag diyan ipinadaan? Diyan sa sinasabi niyong daan.”
Dagdag ni Anthony taberna, “Kung ano po ang benepisyo?”
Sagot ni Mark Cojuangco na, “Number one po, iyong papuntang Norte, kakaliwa, hindi na po sila dadaan ng Rosario. Ang papuntang Baguio kakanan. So doon pa lang napaghihiwalay mo na iyong dalawang traffic.”
Dagdag ni Cong Mark, “Number two, mauuna mong abutin ang Marcos Highway, kulang po ang paggamit ng Marcos Highway. Kung gamitin ng mas maraming tao ang Marcos Highway, mababawasan po ang traffic ng Kennon. And then saka darating sa Kennon, mayroon pang by-pass road doon. Hindi na po kayo dadaan sa bayan ng Rosario. Maiiwasan niyo po iyong traffic doon sa simbahan.”
Dagdag ni Cong Mark, “Inuulit ko po sa travelling distance less than seven minutes po iyon. Tingnan niyo iyong nangyari nung Pasko… twelve hours nga ang sabi niyo, so ano ang ibig sabihin nung distansiya kung traffic naman?”
Komento ni Taberna, “Hindi bale na mahaba, basta’t walang traffic, iyon po ang gusto niyong ginhawa.”
Tama si Cong Mark na bawasan ang traffic sa Kennon Road papuntang , konting ulan lang ay isinasara na agad ang Kennon dahil sa peligro ng falling rocks at landslide. Kailangan maximized ang gamit ng Marcos Highway papuntang Baguio dahil mas all-weather road ito at mas malawak.
WALANG PUBLIC CONSULTATION. Tumitindig ang mga taga-Sison sa isyung ito dahil sa kawalan ng consultation.
Sabi ni Cong Mark na, “Iyong mga residente po ng Sison,hindi papayag na hindi po i-challenge ito kasi may depekto po iyong proseso ng pagdisenyo nitong rutang ito dahil po walang naging public consultation. So kung wala pong public consultation at depektibo pa ang disenyo then puede pong i-question iyan sa ating korte. Meron pong legal na proseso iyan.”
HINDI PAPAYAG ANG TAO. Idinadaan po ng mga taga-Sison sa mahinahon na para ang lahat. Meron na po, dahil hindi po talaga papayag ang mga taga-rito na masagasaan  ang munting lupain na natitira. Alam niyo po iyong mga land holdings dito… half hectare, one hectare, eh saan pa pupunta ang maga taong ito?
Kung dumaan iyong disenyo sa tamang proseso, wala tayong pinag-uusapan.
PANGASINAN, UNA SA LAHAT. Walang pakialam si Cong Mark sa PIDC/ San Miguel Corporation kung kapakanan ng tao ang isyu.
Itinanong ni Anthony Taberna, “Teka muna po, may nag-text sa amin ngayon, ang PIDC po pala ay kapatid ng San Miguel Corporation?”
Sabi ni Cong Mark Cojuangco, “Pag-aari po ang majority. Pero wala naman po akong pakialam diyan eh. Ang pakialam ko po ay ang hiling ng mga tao sa akin na ipaglaban ko na huwag po silang masagasaan at saka tutol po ako na dagdagan ang bayad.”
 Dagdag ni Cong Mark, “At hindi po ako agree sa computation nila. Dahil ayon po sa aking computation at kumpleto po ako sa detalya ginamit ko po ang datos ng Project DREAM na siyang ginagamit ng Project NOAH sa geohazard mapping. So, accurate po ang aking impormasyon.”
Boss Sendo nakikita ba ni Cong Mark, maasyado po bang mataas ng pricing ng PIDC? Dapat talagang gawan ng due diligence ng DPWH ang pricing para sa proposed route.
Dagdag na tanong ni Anthony Taberna, “Puede pa po bang hindi na idaan sa korte?”
Puede naman daw po sabi ni Cong Mark “Kung payag po sila sa ruta namin na mas derecho, panalo ang lahat, panalo ang Baguio, panalo ang La Union, panalo ang Sison. Eh wala pong problema.”
Dagdag pa ni Cong Mark, “Gusto ko po na matapos ang TPLEx dahil malaki ang tulong niyan sa ekonomiya dito. Ngunit huwag naman sagasaan iyung bayan po namin at iyong bayan ng Pozorrubio.”
AYAW ISTORBOHIN SI PNOY. Tunying:meron po na ba kayong representasyon sa Presidente? Baka kailangan nang makialam po dito ang nasa Malakanyang?
Sabi po ni Cong Mark, “Ayoko pong istorbohin si Presidente. Kung kaya pa naman po idaan sa diskusyon sa tamang paraan at proseso po ay gawin natin.”
PANAWAGAN. Ang hiling ni Cong Mark ay, “Humihiling po ako ngayon ng suporta sa mga local na opisyal dito sa lugar namin na ipahayag sa gobyerno na talagang tutol po kami.”
Narito po ang closing comment ni Anthony Taberna, “PIDCno po ay pag-aari ng San Miguel Corporation. Kapag narinig niyo po ang apelyidong Cojuangco… San Miguel Corporation ang synonym niyan. Cojuangco is synonymous to San Miguel.”
Dagdag ni Taberna, “Kaya siguro, nagtataka kayo kung bakit ba iyong anak eh ah tumatayo doon sa pagtatrabaho ng kumpanyang ito. Eh sabi niya eh wala akong paki doon. Ang akin eh iyong bayan ko. Ganoon ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Congressman Cojuangco.”

Advertisements

Entry filed under: News.

DAGUPAN CONFERRED SEAL OF CHILD-FRIENDLY LOCAL GOVERNANCE Killed, arrested hired guns former body guards of Indian trader

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 903,148 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

January 2015
S M T W T F S
« Dec   Feb »
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,428 other followers


%d bloggers like this: