CORTEZ: Bawang cartel

January 12, 2015 at 9:13 am Leave a comment


brando-maso

May isang panahon sa kasaysayan ng presyo ng bawang nang ang presyo nito ay pumalo sa three hundred fifty pesos per kilo! Iyan ay nagmula sa P60 – P90 per kilo. Unbilibabol! Maraming mga ina ang napamura. Nakapagbigkas ng bad words ng malaman na umabot ng 350 pesos per kilo ang bawang.
Three hundred pesos per kilo ang bawang pero hindi yumaman ang mga kapatid natin na nagtatanim ng bawang. Bakit?
At ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang nanguna sa paghingi kay Presidente Aquino na imbestigahan ang kakaibang behaviour ng presyo ng bawang.
Dahil sa matinding pagsipa ng presyo ng bawang, nagsagawa at naglabas ng official report ng imbestigasyon ang DOJ Office of Competition matapos itong ipag-utos ng president.
Itong report na ito siguro ang naging basehan ng pagsasampa ng kaso sa Ombudsman.
Narito po ang part ng report, “As directed by the President and after a comprehensive evaluation, the main findings are: 1) there was no shortage of supply and, in fact, there were more adequate stocks of garlic; 2) majority of the ‘import permits’ issued was granted only to one preferred group; and 3) due to a cornering of supply, this group can dictate the high prices.”
Pinuri po ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) ang ginawang filing of charges laban sa diumano ay mga nasa likod ng biglaang pagtaas ng presyo ng bawang habang nananawagan sa mga Pilipino na tangkilikin ang produktong mula sa mga magsasakang Pilipino.
Narito naman po ang laman ng statement ng SINAG na pinamumunuan ng isang taga-Pangasinan, si Engr. Rosendo So.
“SINAG is appealing to the consuming public to patronize local garlic and other local agricultural products as the only way to support, promote, and stimulate domestic agriculture.”
Narito pa ang dagdag na laman ng report, “The control is so organized that it favors only few selected importers to the exclusion of other legitimate importers. Officials ensure that trade in importation is limited only to a select group by restricting the allowance of SPSIC (import permit) only to favored dummies of Cruz when this could have been undertaken by giving all legitimate importers the opportunity to take part in the importation,” the office said. It added that based on its findings, “BPI officials have even gone to the extent of revalidating expired permits in two occasions involving hundreds of SPSIC, an act without legal basis.”
Ayon sa SINAG ang industriya ng bawang ay “still struggling to recover from the 20-year policy of wanton importation and smuggling in lieu of domestic production.”
Dagdag pa ni Bos Sendo, “With less than 15 percent of the country’s garlic requirements produced locally, importers and traders that form the garlic cartel continue to dictate prices since there’s no local production to counter the steep price of imported and/or smuggled garlic.”

PERO, ano ba ito? May mga nagsasabi na ang isyu ng cartel sa garlic ay labanan ng dalawang grupo na involved sa importation at trading ng bawang!
Ayon sa mga tsismosa, ang isang grupo ay kay Lilia at ang kalaban na grupo naman ay kay Elizabeth. Lilia verus Lilybeth.
Kung nitong new year ay may mga nagpaputok ng bawang para sa paghihiwalay ng 2014 patungo sa 2015, may pasabog naman ang DOJ tungkol sa bawang cartel.
Eto pa ang isang finding ng DOJ, “Importation of garlic in the country is controlled mainly by at least four (4) known individuals and allied interests through a web or series of dummy entities duly accredited by the BPI. In particular, a person named Lilia M. Cruz, a.k.a. Leah Cruz, cornered at least 75% of the total garlic importation in the country by virtue of such import permits.”
Kahit na anong negosyo, kung ikaw ang may control sa 75% nito…ikaw ang masusunod. Ikaw ang makakapagdikta sa quality ng produkto. Ikaw ang makakapagdikta sa quantity ng mga produkto. Ikaw ang mkakapagdikta ng presyo ng produkto.

Ang isa sa kanila ang nagsabi na naglagay siya ng P55,000 para makakuha ng import permit. At narito po ang sinabi niya, “Hindi ako mahilig maglagay, kaya lang kapag hindi ka naman sumunod sa kalakaran, hindi ka mabibigyan. Noong una nasa P50,000 per permit, tapos naging P60,000. Pumayag naman kami kaya lang nakakasama ng loob kasi sumusunod ka na sa kalakaran nila, limited ka pa.”
Kung sa pulitika, parang nagkaroon ng kudeta. Dahil natangal na ang reyna… may bagong reyna ng garlic cartel na mauupo.
Siyempre, hindi papayag si PNoy na magpatuloy ang garlic cartel. Pati ang SINAG, hindi rin papayag.
Alam niyo bang 8,847 metric tons ang production ng Pilipinas noong 2013? Ito ay mababang mababa mula sa average na 17,000 metric tons bago pumasok ang Pilipinas sa WTO.
Noong 1974, merong 7,000 hectares ang tinataniman ng bawang sabuong Pilipinas, pero nitong 2014 ay 2,500 hectares na lang ang may tanim na bawang.
Ang solusyon ay tangkilikin ng mga mamamayan ang bawang na local para kumita ang magsasakang Pilipino.
Ang kinita ng magsasakang Pilipino ay ipupuhunan niya para madagdagan ang laki ng lupang kanyang tinataniman ng bawang.
Dahil may per na sa local na produksyon ng bawang, marami na ang magtatanim ng bawang. Mababawasan na ang importation ng bawang.
Sa mga taga-SINAG, ano ba ang dapat gawin sa kalakaran sa pagtatanim ng gulay sa Benguet?
Yearly na dumarating ang andap or vegetable frost sa mga gulay sa Benguet. Sanay na ang mga vegetable farmers sa taon taon na vegetable frost na pumipinsala sa mga tanim nila. Tingnan mo nga naman, tanim pa din ng tanim kahit alam nila na tatamaan sila ng andap.
Cong Mark Cojuangco, kumusta na po ang binubuo niyong programa para sa agrikultura sa Pangasinan? Tuloy-tuloy na ang Cojuangco-Macanlalay sa suporta ng mga taong nabubuhay sa biyaya ng kabukiran.
Isa siguro ang pagtatanim ng bawang na dapat buhayin sa mga bukid ng Pangasinan. Malawak, mataba ang lupain ng Pangasinan. Masipag at mapag-alaga sa taniman ang mga taga-Pangasinan. Marami dito ang may kaalaman kung paano mag-produce ng bawang.
Siyempre, dadagdagan pa iyan ng scientific at technical assistance para tumaas ang profitability sa bawang production.
ROXAS-POE 2016. Bos Sendo at Bok Nani, sabi ni Senator Serge Osmena na gusto ni Presidente Aquino ang tandem na Roxas-Poe para sa 2016. Mar Roxas for President at Grace Poe for Vice President!
Malapit si senator Osmena ni Presidente. Isa sa mga strategist ni Senator Poe si Senator Osmena noong 2013 elections. Si Bos Sendo ay malapit na kaibigan ni senadora Grace.
Bos Sendo at Bok Nani, pagkatapos ng celebration ng Three Kings ay may parating pa pala na tatlong kings na mula sa Amerika, China at Manila. Sila ay sina… Burger King, Chowking at Tapa King.

Entry filed under: News.

BFAR to grow fish at San Roque dam’s re-regulating pond LTO to vehicle owners: Apply for new standardized license plate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

January 2015
S M T W T F S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: