CORTEZ: Ober da bakod

October 27, 2014 at 1:57 am Leave a comment


brando-maso
SOVEREIGNTY AND OBER DA BAKOD. Kung ang isang ordinaryong Juan Dela Cruz na pumunta sa Germany ay umakyat sa bakod ng isang German Military Camp. Ano kaya ang mangyayari sa kanya?

Kapag nag-ober da bakod ka bas a isang kampo ng militar ay Ikukulong ka?… or mababaril ka?… ano pa kaya ang maaaring mangyari sa iyo?

Walang magagawa si sundalong Juan Dela Cruz. Walang magagawa ang gobyernong Pilipinas sa ober da bakod stunt ng isang German. Ngek!

Pero dito sa Pilipinas, kapag ang isang German ay umakyat sa bakod ng isang Camp Aguinaldo, na kampo ng Armed Forces of the Philippines, at pinagtulakan ang Pilipinong sundalo, ano ang ginawa ng military establishment? Wala lang!

Nag-sorry na po ang German na ito. Pati iyong Pilipina na kasama niya na mag-trespassing.

Ayon naman kay Cong. Mark Cojuangco, He should be criticized for disrespecting laws, regulations, sovereignty. Try doing that in Germany! In jail so fast head spins.

Kung Pilipino ang umakyat sa bakod ng isang military camp sa Pilipinas at itulak ang isang sundalo doon, sure tayo na kamatayan ang mangyayari sa Pilipinong iyon.

Pero kapag German. Okay lang na itulak! Tama ba iyon?

Ang pagpapakita ng kawalan ng respeto ng dayuhan sa Pilipinas ay mas matindi sa kaso ng sundalong Amerikanong si Pemberton.

Siya ang sinasabing pumatay sa isang Pilipino. Kawawa naman siya. Pinatay na siya. Hindi pa siya napag-lamayan ng tunay kasi ginawa nilang parang circus ang pagkamatay niya.

Pati iyong ina, pati iyong kapatid ay hindi na naharap ang burol kasi hinihila sila ng mga attorney sa korte, sa media, sa kampo. Hindi ba puedeng tapusin muna ang libing?

Lahat ng station ng television at radio at newspaper ay nandoon sa burol hindi para makiramay kungdi para ihatid sa inyong mga sala ang bangkay ng namatay tuwing oras ng balita.

Pero nasaan siya ngayon? Nakakulong diumano sa isang container van na binabantayan ng sundalong Amerikano! Anyare?

Pilipino ba talaga ang naghahari sa Pilipinas? Bakit parang ang German or ang American ang nasusunod sa pagpapatupad ng batas sa Pilipinas?

VITAMIN A. Cojuangco, who co-sponsored the activity, told the children of the Calasiao Central School to eat food rich is Vitamin A like carrots, squash and sweet potatoes to fight diseases caused by lack of Vitamin A.

Likewise he called on concerned government agencies to allow the release of the Golden Rice which he said was developed to “help solve the deficiency of Vitamin A among Filipinos.”

People Pope Blesses Golden Rice. Opo, iyan ang title ng isang article na isinulat ni Tyrone Spady.ing pamilya ay laging kulang nang vitamin A.

Ayon sa artikulo, binigyan ni Pope Francis noong November 7, 2013 ng blessing ang Golden Rice.

Ang bigas po na kinakain isinasaing natin ay walang vitamin A. Kahit gaanong karami ang kanin na ihain natin saating pamilya ay kulang pa din sila sa vitamin A.

Aang VAD or Vitamin A Deficiency ang dahilan sa 500,000 na kaso ng pagkabulag at 2 million kamatayan taon taon.

Ang parating tinatamaan ng Vitamin A Deficiency ay mga buntis at kabataan. Saan ba tayo kukuha ng vitamin A para labanan ang pagkabulag at kamatayan?

Kaya naman dinebelop ang Golden Rice na mayaman sa vitamin A. At eto naman po ang isinusulong ni Cong Mark Cojuangco. Ang pagtatanim ng Golden Rice para maging busog at malusog ang mga mata.

Mang Anong, bumaba na po ba ang farmgate price ng palay? Ayon kasi sa telebisyon ay bumaba na dahil anihan na.

GAGAWA NG BABY. Nanindigan si Senator Alan Peter Cayetano na katotohanan ang hinahanap sa ginagawang senate investigation.

Kahit na naapektuhan ang kanyang ratings sa survey sa pagka-presidente ay itutuloy pa din niya ang paghahanap sa katotohanan sa mga pangyayari sa Makati.

“What the consequences are, will people give me more support or less support? I don’t really care…” sabi ni Cayetano.

“I’m happy anywhere we are. In fact, ang focus naming mag-asawa ngayon (The focus of my wife and I) is not the presidency but to have a baby,” dagdag ni Cayetano.

Mukhang hindi siya interesado sa posisyon ng vice president dahil mahirap daw po mag-implement ng programa ang vice president kung hindi close sa president.

Parang inclined siya for mayor ng Taguig. Last term na siya sa Senado.

“Ang problema kasi sa vice president, unless super close ka sa president, you can’t really implement your plan. So sabi ko nga, I’d rather be a senator or maybe a mayor than a vice president but mahirap magsalita ng tapos,” dagdag muli ni Cayetano.

EAT OUT. Kain sa labas. Opo, mukhang ito ang lumalabas na mas gustong gawin ng mga Pilipino.

Ayon sa 2014 Nielsen Shopper Trends Report, ang mga Pilipino daw po ay gumagastos lang ng P4,700 sa grocery items mula sa P5,400 noong 2012.

Bumababa ang level ng gastos sa grocery items mula 2012 kumpara sa 2014.
Ang mga Pilipinong kumakain sa labas nitong 2014 ay 25% na mula sa 14% noong 2012.

Halimbawa, sa 100 families… 25 families ang kumakain sa labas ngayong 2014 na dati ay 12 families lang ang kumakain sa labas noong 2012.

Ang survey po ay sinagot ng 1,783 katao sa pagitan ng edad 16-65 mula sa iba’t ibang socioeconomic classes sa mga lungsod ng Pilipinas.

Ano po ang masasabi niyo? Tinatamad na bang magluto sa bahay ang mga Pilipino?
Mas marami na bang pera ang Pilipino kaya can afford na silang kumain sa labas?

Hindi kaya, mas marami na ang pamilyang hindi marunong magluto?

CAMPAIGN OVERSPENDING. Kahit na malayo pa ang 2016 elections narito po limit sa gastos.

Para sa kandidato sa president at vice president, P10 per voter; para naman sa independent candidates na tumatakbo sa iba pang posisyon, P5 para sa bawat rehistradong botante ng area na kanilang tatakbuhan.

Para naman sa mga kandidato ng isang partido political, P3 kada botante.

Sa 2016 elections, ang isang kandidato para sa president ay hanggang 560 million pesos lang ang pwedeng gastusin sa estimate na 56 million ang botante.

Kung independent na senador ang tatakbuhan mo, hanggang 280 million lang ang pwede mong gastusin.

Sa local na level naman, depende sa number ng registered voters ang kuwentahan ng limit ng gastos sa election.

Kapag gusto mong maging congressman. Kung may 212,000 voters ang isang congressional district, hanggang P636,000 lang ang dapat mong gastusin.

Kapag gusto mong maging governor. Kung may 1,600,00 voters sa isang probinsiya, hanggang P4,800,000 lang ang limit na puede mong gastusin.
Kapag gusto mong maging mayor sa isang maliit na bayan na 10,000 lang ang botante, hanggang P30,000 lang ang limit ng puede mong gastusin.

Maraming pulitiko ngayon ang may kaso sa COMELEC kasi hindi sila nag-file ng itemized statement of all contributions and expenditures (SOCE) kahit na talo sila.

Maraming pulitiko ngayon ang may kaso sa COMELEC kasi sobra sa limit ang nag-filed na itemized statement of all contributions and expenditures (SOCE) kahit na talo or panalo sila.

Spending more for the campaign than what is allowed by law is called overspending. Not surprisingly, it is also considered an election offense.

Kaya naman, marami ang nawala sa poder dahil sa kaso ng overspending.

Advertisements

Entry filed under: News.

Cojuangco, Macanlalay laud So’s humanitarian work DPWH paves Dagupan City’s ‘Abortion Road’

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 781,322 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Day Watch

October 2014
S M T W T F S
« Sep   Nov »
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,394 other followers


%d bloggers like this: