CORTEZ: Government property ipinalit sa private property!

October 20, 2014 at 6:29 am Leave a comment


brando-maso
PAKAIN SA WORLD FOOD DAY. Isang feeding program ang inilunsad ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) kasabay ng World Food Day.

Ang October 16, 2013 po ang anibersaryo ng SINAG. Nagkataon naman na ito din ang World Food Day.

Ang World Food Day ay itinatag ng United Nations General Assembly noong 1980 bilang paggunita sa pagkakatayo ng Food and Agriculture Office noong 1945 ng United Nations.

Ang official goal ng World Food Day ay to “heighten public awareness of the world food problem and strengthen solidarity in the struggle against hunger, malnutrition and poverty.”

May 40,000 hanggang 50,000 na tao ang namamatay sa gutom every year. At ang masama niyan ay mas marami sa mga namamatay sa guto ay bata. Mas marami din ang malnourished na bata. At mas marami din ang mahirap.

Kaya ang target na tinutulungan ng SINAG ay ang mga bata. Pakainin ng tama at masustansiyang pagkain Pilipino ang mga bata.

Bakit nga ba may namamatay sa gutom eh sobra sobra naman ang pagkain?

Nagkaisa ang mga stakeholders ng agrikultura para harapin ang problema ng mga batang mahirap, malnourished at gutom sa pamamagitan ng feeding program.

Col Marlou Chan ng PNP Region 1, kumusta na po ang pinaigting na laban kontra krimen? Wala na ang gun ban. Masaya na kaya ang mga may-ari ng baril?

Hindi lugaw nag ipinapakain sa mga kabataan, tunay na pagkain. May manok, may baboy, may gulay, may kanin.

Mga bata mula sa 27 public schools ang o 25,000 na bata mula Pangasinan hanggang Albay, hanggang visayas ang makikinabang sa feeding program na ito.

Sabi ni Boss Sendo na iyong feeding program sa Calasiao ay nagmula sa mga Pangasinan-based hog farmers na nagbigay ng 2,200 kilos ng karne ng baboy. Ang mga magsasaka at rice millers naman ay nagbigay ng 40 cavans ng bigas at iyong iba naman ay may bigay na gulay at isda.

Naninindigan ang SINAG na ang production ng pagkain ay dapat nasa kamay ng Pilipino. Hindi dapat iniaasa ang pagkain sa importation.

Nanawagan ang SINAG Chairman na si Boss Sendo na suportahan natin ang kalusugan ng mga bata at dapat na mula sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipino bibilhin ang ipapakain sa mga bata.

ONE BIRTHDAY. Happy Birthday sa SINAG. October 16, 2013 nang iniluwal ang grupong SINAG na itinayo ng 30 organisasyon at kilalang indibidwal para sa makabayang produksyon at konsumo ng mga produkto mula sa magsasaka at mangingisda ng bayan natin.

Sa birthday ng SINAG inilunsad ang Feeding Program at ang paglaan ng start up na pondo para sa rehabilitasyon ng Gabaldon Building sa Bayambang Central School.

Lumapit sa SINAG ang mga magulang at alumni ng Bayambang Central School para matulungan silang makabalik ang mga anak nila sa original site ng school sa Poblacion.

Nasa puso na at kasaysayan ng bawat mamamayan ng Bayambang na ang Bayambang Central School ay nasa Poblacion. Kaya nga central eh. Kung wala sa Poblacion…eh hindi na central.

Naglabas kasi ng order ang mayor ng Bayambang para malipat ang school sa isang lupain na pag-aari ng isang William Chua.

Ayon sa mga nagsumbong sa SINAG, ang lumang Gabaldon building ( nasunog daw po ito at pina-imbestigahan. Nasaan ang investigation report?) at iba pang structures sa Bayambang Central School ay napabayaan nang mabulok habang ang grounds ay naging masukal na din.

Ang plano daw po ng munisipyo ay tayuan ng central terminal at mga opisina ang lupa na kinatatayuan ng Bayambang Central School kaya daw po pinalayas ang mga estudyante sa isang lugar na malayo sa Poblacion.

Ang pagkakaalam ng mga magulang noong una kasi ay pansamantala lang ang paglipat dahil aayusin daw ang mga classroom.

Ang halagang P400,000 ay start up na pondo para sa rehabilitasyon ng Gabaldon building. Salamat naman po at maibabalik sa dating itsura ang Gabaldon building na itinayo noong 1921 pa pala.

Ang sabi ng iba, ang planong central terminal and dapat ilagay doon sa lupa ni William Chua para ma-decentralize ang Poblacion area.

Sana daw po ay huwag nang ipilit na sa Poblacion ilagay ang central terminal. Ilayo na sa Poblacion. Para gumaan ang traffic sa poblacion area. Para ang ibang commercial establishments ay magtayo na din ng branches doon sa area ng central terminal na nasa lupa ni William Chua.

Ang tanong nila: TAMA PO BA NA IPAGPALIT ANG ISANG 3-HECTARE GOVERNMENT PROPERTY NA NAKATAYO SA ISANG PRIME LOCATION KAPALIT NG ISANG 2-HECTARE NA PRIVATE PROPERTY (BARANGAY BICAL). NA TATLONG KILOMETRO ANG LAYO SA POBLACION?

ONE MORE BIRTHDAY. Yes, nag-celebrate ng birthday si Cong Mark Cojuangco at dumating at naki-party ang 37 na mayors.

Siyempre meron din mga vice mayors…at saka meron pang mga municipal at city councilors na bumati at iba pang mga ward leaders.

Masaya at nadadalas ang bonding ng mga sumusuporta kay Cong Mark Cojuangco at kay Mayor Mark Macanlalay. Ang tandem na ito ang nagdadala sa bandera ng Nationalist Peoples Coalition sa 2016.

Pati pala ang Philippine Councilors League Pangasinan Chapter ay may suporta na din Cojuangco-Macanlalay ng NPC.

Ang Medikalinga ng Cojuangco-Macanlalay ay isang sagot sa kakulangan ng medical services para sa walang access sa mga private at public hospitals.

Hindi po ito simpleng medical mission lang. Ito ay isang program, ibig sabihin hindi ito one time lang. tuloy-tuloy na paghatid ng serbisyong medical ang inihahatid sa mga kababayan natin sa Pangasinan.

Masama po ba na mapagsilbihan kayo ng mga medical services na libre? Masama po ba mabunutan kayo ng ngipin na walang bayad? Masama po ba ang libreng operasyon?

SAHOD SA ALL SAINTS DAY. Malapit na po ang araw ng mga patay at araw ng mga santo. Kandila, bulaklak at dasal para mga mga nauna na.

Sa mga kapatid natin sa hanay ng manggagawa, narito naman po ang dapat na kuwentahan ng sahod sa All Saints Day kung magtatrabaho kayo sa araw na ito.

Ito daw po ayon sa DOLE ay to promote decent work, the productivity of workers, and competitiveness.

(1) If the employee did not work, the “no work, no pay” principle shall apply, unless there is a favorable company policy, practice, or collective bargaining agreement (CBA) granting payment on a special day;

(2) For work done during the special day, he/she shall be paid an additional 30% of his or her daily rate on the first 8 hours of work [(Daily Rate x 130%) + COLA)];

(3) For work done in excess of 8 hours (overtime work), he/she shall be paid an additional 30% of his/her hourly rate on said day (Hourly Rate of the Basic Daily Wage x 130% x 130% x Number of Hours Worked);

(4) For work done during a special day that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 50% of his/her daily rate on the first 8 hours of work [(Daily Rate x 150%) + COLA]; and,

(5) For work done in excess of 8 hours (overtime work) during a special day that also falls on his/her rest day, he/she shall be paid an additional 30% of his/her hourly rate on said day (Hourly Rate of the Basic Daily Wage x 150% x 130% x Number of Hours Worked).

Entry filed under: News.

Cultural ambassadors to highlight Pangasinan during Asian countries visit ORTIGOZA: Fat Police Generals

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 973,691 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

October 2014
S M T W T F S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: