CORTEZ: Bakit nasa Golan Heights ang sundalong Pilipino?

August 31, 2014 at 8:32 pm Leave a comment


brando-maso

Ang mga sundalong Pilipino ay nasa Golan Heights bilang peace keeping forces. Tagapangalaga ng katahimikan. Peace ambassadors.

Ang mapasama sa peacekeeping forces ng United Nations ay isa sa mga pangarap ng mga ordinaryong sundalong Pilipino dahil sa usapin ng dagdag na kita.

Ang Pilipinas ay marami nang sundalong pinadala sa mga peacekeeping missions ng UN.

Nakarating na sila sa East Timor, sa Kosovo, sa Liberia, sa Nepal, sa Haiti at ngayon naman ay sa Golan Heights.

Ang mga bansang ito ay problema sa kanilang peace and order situation. May mga nagbabanggaang interest sa loob ng mga bansang ito. Ang banggaan ng mga interest ay nasa lebel na ng armado at magulong sitwasyon kaya naman nagpapadala ng mga peacekeeping missions ang UN.

Sa chapter one ng “Bourgeoisie and Proletariat”, ng Communist manifesto na sinulat ni Karl Marx ay sinulat niya na ang kapitalismo ay may palagiang pangangailangan na maghanap paglalagyan ng kanilang mga produkto.

There is the need of capitalism to look for “a constantly expanding market for its products (which) chases the bourgeoisie over the entire surface of the globe. It must nestle everywhere, settle everywhere, establish connections everywhere”.

Ang paghahanap ng mga bansang kukunsumo ng mga produkto ng kapitalismo ay may kasamang policy na tinatawag na ‘blood and iron.’ Ang konsepto ng ‘blood and iron’ ay walang iba kungdi giyera.

Ang sabayang pagpapatupad ng expansion at ‘blood and iron’ ang dahilan kung bakit pati ang isang bansang tulad ng Pilipinas ay napipilitang makisali sa mga madugong gulo ng naghaharing kapitalistang bansa.

Damay ang bansang Pilipinas, damay ang sundalong Pilipino, damay ang pamilya ng suNdalong Pilipino, damay ang lipunang Pilipino.

Ano po ba nag kapalit ng serbisyo ng sundalong Pilipino bilang peacekeeper?

For these soldiers, what has been the price to serve as peace ambassadors?

Ang mapadala sa isang peacekeeping mission ay may katumbas na 900 dollars per month. Meron pa iyang dagdag na 10 dollars per day.

Habang nasa peacekeeping mission ang sundalong Pilipino, siya ay patuloy na sumasahod sa Armed Forces of the Philippines.

Malaking tulong ito sa pamilya ng sundalo. Ito ang isang ipinagdarasal ng sundalong Pilipino. Makasama sa isang peacekeeping mission.

Anim na buwan na hindi nakita ang pamilya. Anim na buwan na nanganganib ang buhay ng sundalo sa giyerang wala naman siyang kinalaman.

Kahit papaano, pagbalik ng sundalo sa kanyang pamilya ay magsasaya sila hanggang sa maubos ang kinita bilang peacekeeper at naipon na suweldo.

Ang giyera sa Golan Heights at sa iba pang lugar ay dahil sa may arms race, dahil sa nasyonalismo, dahil sa pagaagawan sa mga natural na yaman ng mga bansa, iringan sa pagitan ng mga bansa, iringan sa pagitan ng mga internal na interest sa loob ng isang bansa at iba pa.

Ang Golan heights ay isang pader na itinayo ng kalikasan sa pagitan ng palagiang nag-aaway na Israel at Syria.

Ang Golan Heights ay isang mountain plateau na ang lawak ay 1,150 square kilometers na dating pag-aari ng Syria.

Ang lupain sa Golan Heights ay fertile at sa bundok nito dumadaloy ang tubig patungo sa Sea of Galilee. One third ng tubig na ginagamit sa Israel na dito kinukuha.

Agrikultura at turismo lang ang ekonomiya sa Golan heights hindi dahil sa ito ang puede kungdi ito lang ang pinaka-smart na Gawain dahil sa gulo.

Ang tanim doon sa Golan heights ay ginagamit sa paggawa ng wines, meron din gulay at iba pang prutas. Madaling iwanan ang mga tanim. Madaling iwan ang turismo sa panahon ng gulo.

Bago kinamkam ng Israel ang Golan Heights ay may 116,000 Syrians ang nakatira doon, ngayon ay 40,000 Syrians na lang ang nanduon.

Ang 40,000 Syrians na ito ay nahahati pa bilang 20,000 na Syrian Druzes at 20,000 na Syrian Jews.

Hindi pa permanenteng pag-aari ng Israel ang Golan Heights. Ang Syria ay gustong mabawi ito at ang Jordan ay gusto din makuha ito.

Minsan noong 1970 ay inalok ng Israeli citizenship ang Syrian Druzes…tumanggi sila. No way daw.

Noong November 1981 ay officially kinuha ng Israel ang the Golan Heights pero hindi ito kinilala ng United Nations.

… UN Security Council Resolution 497 from December 17, 1981 declares this region to be Syrian territory occupied by Israel. In 2008 the annexation was also condemned by the UN General Assembly.

Self-Determination ang hiling ngayon ng Golan Heights. Ang sovereignty ng mga Syrian Druzes ay indigenous na sa area.

GRACE POE RIDES MRT. Opo, nagising na lang ang Senadora Grace Poe at nagsabing sasakay siya sa MRT. Pumila, sumakay at may natutunan.

[STAFF] We confirm that Sen. Poe took the MRT at around 8:20 am from North Ave. station to Taft Ave to gain firsthand experience of the current situation of MRT commuters in preparation for the Senate hearing on the MRT incident on Sept. 1, Monday, 10 am at the Senate Session Hall..Up for discussion are SB 2266 (Natl Transportation Safety Board Act) and SRs 839, 840 and 841 (derailing of MRT-3 last Aug. 13)

Wala po siyang kasamang bodyguard, walang maraming staff, walang kasamang media.

Solusyon sa problema ng MRT ang hanap ni Senadora Grace Poe.

MARK COJUANGCO. Sinabi ni fomer congressman Mark Cojuangco na kung hindi daw niya inilabas ang interest niya na maging gobernador ng Pangasinan ay hindi makikialam ang Sangguniang Pnalalawigan sa road widening ng Carmen to Sison section ng Manila North Road.

Pinulitika lang daw po ang road widening.

Dumaan sa consultation. May mga resolution ang mga local government units na apektado na pabor sa widening.

Nanghihinayang si Cong Mark na maaaring ilipat ang pondo para sa widening dahil sa pagkontra ng SP.

“Don’t just criticize the tree-cutting. You must criticize also if the project will no longer push through because of what these people do,” Cojuangco.

Limang taon bago lumabas ang tree cutting permit. Ibig sabihin, limang taon pinag-aralan ng DENR ang pagbibigay ng permit.

Ngayon dahil nagdeklara na may hangad si Cong Mark na maging governor ay nabale wala ang lahat.

Entry filed under: News.

PROTECTION FROM THE SUN In Pangasinan, 100 student-workers receive salary from SPES

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 947,577 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

August 2014
S M T W T F S
« Jul   Sep »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,453 other followers


%d bloggers like this: