CORTEZ: Fidel meets Fidel as Nani crosses 50

August 11, 2014 at 9:03 am Leave a comment


brando-maso
Sa message ni Nani Braganza, sinabi niya na nakikita niya ang buong 50 years na itinakbo ng buhay niya sa lahat ng mga dumating na bumati sa kanyang kaarawan.

Message ni MAR kay Nani at 50: Happy, happy birthday…Nani. God Bless… Nani, for somebody who has crossed fifty nine years ago, enjoy tonight.This is as good as it gets. Happy Birthday again.

I can imagine na iyon picture ng buhay ko, iyong buong picture nang buhay ko nakikita ko ngayon sa lahat sa inyo. In the absence of my family(my parents), natutuwa po ako at in the presence of my wife and my children at lahat po kayo. Maraming salamat po…Nani Braganza.

Present ang mga anak niya, misis niya, kapatid at iba pang kamag-anak. Present din ang kanyang best friend as in kababata di ba Nitong? Present din ang mga punong barangay, kasama sa city hall at kaibaigan mula pa sa Alaminos. Tama po ba, Tayug Administrator Wilmer Panabang?

Present din sa gabing iyon ang mga minsang naging pulang mandirigma… hindi dahil sa gusto nilang maging ganoon, pero dahil sa tawag ng panahon.

They are the people who took the risk. They are the people who faced the risk.

Sila ang mga kumilos sa gitna ng madilim na bahagi ng pampulitkang kasayasayan ng bayan. Nangibabaw ang katapan.Hindi sila sumikat. Wala silang pangalan. Pero kinikilala sila ni Nani at kasama niya sila ngayong gabing ito.

Sa message ni Nani, binangit niya na kasama siya sa mga naniniwala na dapat ipagpatuloy ang Matuwid na Daan ni PNoy.

Marami nang nasimulang tunay na pagbabago sa takbo ng gobyerno kaya dapat itong may continuity para hindi na umatras pa.

Today on this occasion we see the government side but we also see the opposite side present…Nani Braganza.

Present ang government side at present din ang the other side. Meron right, merong center at merong left.

Sure ako na mas maraming left noong gabing iyon. Mga left representing iba’t-ibang decades ng kilusan. From the 70’s to the present, opo meron mga nandoon na present generation left.

Former president Fidel V Ramos met National Democratic Front personality Fidel Agcaoile at a birthday party for Nani Braganza along Scout Borromeo.August 7th of this year.

Nang ire-introduce ni Nani si Ka Fidel Agcaoile kay FVR.

Nani: Sir, this is Fidel Agcaoile, do you remember him ?

FVR: Of course, I had him jailed! (laughter from everybody)

Minsan sa kasaysayan ng buhay ni Nani ay naging ninong niya sa kasal si Fidel Ramos. Uncle ni Nani si Fidel Ramos.

MInsan din sa kasaysayan ng buhay ni Nani ay naging ninong niya sa kasal si Fidel Agcaoile.Kasama ni Nani sa Rebolusyonaryong Kilusan si Fidel Agcaoile.

FVR for Mayor of Asingan. Opo, ito ang declaration ni President Tabako sa speech niya sa birthday ni Nani.

Mayor Heidee Chua, tangap naman ni FVR na wala siyang mga kapitan. Pero tatakbo pa din daw siya. Hehehe.

Message ni FVR kay Nani: If life begins at forty…at eighty like me, you are born again…but at fifty you are just beginning… and you have a long, long, long way up to go. Okay!

Nagsisimula pa lang si Nani, malayo pa at mataas pa ang mararating niya ayon kay FVR.

Pinaalala ni FVR na 2 taga-Pangasinan ang kasama ng matandang Roxas bilang founder ng Liberal Party. Ang isa doon ay si Speaker Eugenio Perez at ang pangalawa ay si Narciso Ramos.

Sa usapin ng pulitika, sabi ni former president Fidel Ramos na babalik daw siya sa kanyang hometown ng Asingan, Pangasinan at tatakbo for mayor sa 2016 elections.

Speaker Sonny Belmonte was there too. Ikinuwento ni speaker Belmonte kung bakit sila naging close ni Nani Braganza.

Sabi ni speaker Belmonte na noon daw mga 100 ang members ng partido nila sa panahon na presidente si Fidel Ramos, then all of a sudden they discovered that they were only twenty nine.

Pero naging 29 na lang sila noong president na si Erap Estrada. Lipat partido ang karamihan.

Kasama sa 100 na congressman noon si Nani Braganza bilang congressman ng first district ng Pangasinan.

Nang maupo si Erap bilang president, nalagas ang partido… bente nueve na silang naiwan at kasama sa mga naiwan si Nani Braganza.

Ang madalas na meeting ng mga nanatili sa partido sa bahay ni speaker Belmonte ay naging daan para maging close sila.

Dahil sa mga secret meetings nila, maraming nalaman na sekreto ni Nani si speaker Belmonte.

Proud si speaker doon sa mga nanatili. Nang magbago ang ihip ng hangin…as in mapatalsik si Erap sa Malakanyang, karamihan doon sa 29 ay sumikat.

Later on, isa na doon si Nani Braganza na naging cabinet secretary.

Sabi ni speaker Belmonte: Biruin niyo fifteen years na akong congressman dito (Quezon City) hindi ko alam na ang bahay ni Nani ay dito lang pala. Taong maraming sikreto ito.

Mike Defensor was there too. Dumating din at bumati si Mike Defensor na kasama si Nani sa congress na nagtrabaho para sa impeachment ni Erap. Naging cabinet secretary din siya. Spice Boys ang naging bansag sa kanila.

Of course present din si Interior ang Local Government Secretary Manuel ‘MAR’ A. Roxas.. Pinasalamatan ni Sec MAR si Nani na isa sa pinakamalaking contribution para sa pagsulong at pagtataguyod ng Matuwid na Daan ng Administrasyon ni Presidente Noynoy.

Kuwento ni Sec MAR na magkasama sila ni Nani sa congress at doon nabuo ang kanilang samahan.

Acknowledged din ni Sec MAR na si Narciso Ramos ay isang haligi ng Liberal Party at fast-rising political star ng Pangasinan noong mga panahong iyon ay pinagkatiwalaan ng partido para maging Ambassador to Washington dahil iyon ang kahilingan ng panahong iyon.

Foreign service officer…zero zero one Washington DC. Iyan ang posisyon ng Philippine Ambassador to Washington DC. Ang DC po ng pala ay District of Columbia.

Si Narciso Ramos ang may kakayanan para maging boses ng Pilipinas sa Amerika bilang isang bagong republika. O haaa, alam niyo na kung kanino nagmana si Senadora Letty Ramos-Shahani. Lahing ambassador ano, tama po ba BM Ranjit?

Ipinaalala din ni Sec MAR na sa Liberal Party din nagsimula si FVR sa pulitika at ngayon naman ay si Nani ang nagpapatuloy ng mga ideals ng Liberal Party.

Sabi ni Sec MAR kay Nani: Kung sinabi ni FVR na life begins at forty, ngayon naman ikaw Nani ay 10 years old na at nagsisimula bilang Liberal na kasama si Speaker Sonny at ang isang malaking sikreto ay si Pangulong FVR ay nagsimula din bilang Liberal.

Si Sec MAR nga pala ang president –on-leave ng LP. USec Henry Bacurnay, kumusta na po ba sa Malacanan? May mga naririnig na akong Bacurnay for Governor ng La Union! Totoo ba ito, Ka Henry? Ortega ang babanggain mo diyan, ka Henry. One hundred years rule na ang Ortega sa La Union. Matindi ang pader na babangain mo.

Kalian kaya magrere-assume ng presidency ng LP si Sec MAR?

Boss Sendo ng Abono Party-list kumusta na po kayo? Ang NPC pala ay Mark-Mark 2016 na pala para sa battle for the Capitol of Pangasinan. Siyempre ang kalaban ay Pogi-Ferdie. Sport lang ha! Pulitika lang, walang personalan please. Larong magkaibigan para happy.

Message ni MAR kay Nani at 50: Happy, happy birthday…Nani. God Bless. Nani for somebody who hass crossed fifty nine years ago, enjoy tonight.This is as good as it gets. Happy Birthday again.

Entry filed under: News.

Cojuangco laments Espino resignation remarks Cojuangco presents Macanlalay as his team mate

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,734 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

August 2014
S M T W T F S
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: