CORTEZ: Late payroll

February 24, 2014 at 2:47 am Leave a comment


brando-masoLooming governor Mark Cojuangco, alam niyo po ba na may nagsumbong sa atin na parating late daw po ang payroll ng mga empleyado ng isang local government unit sa Pangasinan?
One week after Valentine’s Day ay wala pa din sahod ang mga emergency workers ng local government unit na ito.
Kaya naman nag-celebrate sila ng araw ng mga puso na mabigat ang mga puso kasi hindi nila natanggap ang sahod sa takdang araw.

Iyong isang nakausap ko , gusto niya sanang bigyan ng chocolate na korteng puso ang love niya pero puso ng saging na lang ang naibigay niya!

Ang sabi nitong nakakaalam sa mga pangyayari ay napipiltang mangutang ang mga empleyado ng may interest dahil late ang payroll.

Hindi puedeng late ang pagkain ng mga anak nila,hindi rin puedeng late ang ibang daily needs ng pamilya nila… kaya puwersado silang mangutang. At ang utang ay may interest siyempre.

Ang hindi maintindihan ng mga empleyado ay wala naman dahilan para ma-delay ang preparation ng payroll dahil hindi naman araw-araw na busy ang naturang taga-prepare ng payroll.

Mayor, tamad lang ba talaga ang empleyado niyong ito? Hindi po ba bawal ang tamad sa munisipyo niyo?

Alam niyo po ba, may isang empleyado na naghihintay ng sahod ng January pero hindi dumarating?

Nalaman na lang empleyado na hindi na pala siya kasali sa payroll. Hindi man lang siya nabigyan ng abiso na wala na siyang trabaho.

Sayang naman ang araw-araw na pagpasok ng kaawa-aawang empleyado. Sana ay magbago na itong taga-prepare ng payroll…or else.

Itong taga-prepare ng payroll ay kinaiinisan din ng mga department heads kasi magaling daw magsinungaling. Stop lying… or else.

Ang konsepto ng bawal ang tamad ay hindi pinapansin ng nasabing empleyado. Kasi masarap ang bawal? Hahaha.

Dapat kasi hindi na bawal ang tamad na slogan Gawin nating positive. Katulad ng Do your duty.

Ohaaa! Mayor, eto na lang ang sermon niyo sa lunes sa flag ceremony. Tangaling ang slogan na bawal ang tamad. Palitan ng Do your duty.

BM Ranjit Shahani, good news ha! Extended ang TRO against the power rate increase ng Meralco. Sana gayahin ng RTC Urdaneta ang desisyon ng SC. .

Sigurado ako BM Shahani na hindi kayo payag sa SC ruling na constitutional ang internet libel.
COJUANGCO BINIBIRA SA TREE CUTING. At kayo naman bumibira kay Cong Mark Cojuangco, bakit ngayon lang kayo nag-iingay?
Taong 2011 pa namin inilabas ang isyu ng tree cutting sa widening ng MC Arthur Highway. At marami pang sumunod na issues ng Northern Watch ang tuloy tuloy na naglabas nga isyung ito. Bakit tahimik kayo noon?

Ngayong tumba na ang mga puno, ngayon kayo naglalabas ng pagtutol. Ano po ba talaga ang target niyo? Ang magandang environment or ang masira ang image ng isang Mark Cojuangco?

Aanhin pa ang mga trees, kung itinumba na ang mahigit isang libong trees?
Bilib tayo kay Cong Mark sa kanyang pag-ako sa responsibiladad sa mga pinutol na trees kaugnay ng widening.
Kung siya ang magiging governor ng Pangasinan, sigurado tayo na aakuin niya ang kanyang responsibilidad sa mga isyu. Hindi niya isisisi sa iba. Walang pasahan ng kasalanan. Magandang senyales iyan sa isang lider.
Sa announcement ni Cong Mark for governor, mukhang tapos na ang usapan sa itaas, tuloy ang LP-NP-NPC coalition sa 2016. Tama po ba, BM Ranjit Shahani ng LP?
CAYETANO TAKOT SA BINAY PRESIDENCY. Natatakot si Senator Alan Peter Cayetano ng Nacionalista Party (NP), na kapag si VP Jojo BInay ang naging Presidente sa 2016 ay mababalewala ang isyu ng pork barrel scam.

May haka-haka na hindi makukulong ang dapat makulong at makakalaya na ang nakakulong.

Sabi ni Senator Cayetano na sure na hindi na malalaman ang katotohanan sa pork barrel scam. At ang mga sangkot dito ay maliligtas na sa prosecution.

Ang sabi ng isang kaibigan natin ay pati daw itong si PGMA ay lalaya kapag si VP Binay ay presidente na.

BM Nino Arboleda at BM Raul Sison, kumusta na po kayong dalawa? Ang aga-aga pa ay iniintriga na si Mayor Pao Mencias ng Alcala. Intrigahan din ang nangyayari sa Urbiztondo.

Ang National Movement of Young Legislators pala ay magkakaroon ng 20TH National Congress & Election of National Executive Council sa Waterfront Hotel sa Cebu.

Entry filed under: News.

PSU students clone near-extinct forest trees DILG to PNP: Fast-track hiring of civilians

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2014
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: