Inatake sa puso si presidente

February 10, 2014 at 6:57 am Leave a comment


 

 
 
 
STRESSED PRESIDENT. brando-masoAlam niyo po ba na may isang presidente ng isang tricycle association na  inatake sa puso dahil sa tension? Paano ba nangyari ito?
 
Ayos lang naman sa kanya ang posisyon na president na nagsusulong ng projects para sa kapakanan ng mga tricycle drivers.
 
Bilang isang association may nakapag-advice sa kanila na mas marami silang makukuhang benefits kung gagawin nilang cooperative ng mga tricycle drivers ang grupo.
 
Ang pamamasada ng tricycle ay nakadepende sa gasoline…kaya naman isa sa mga naging pangarap nila ay ang magkaroon ng sariling gasolinahan.
 
Ang mga tricycle members ang primary customers ng gasolinahan siyempre para may share sila sa patronage refund pagkatapos ng fiscal year.
 
Nag-apply sila ng loan sa postal bank at na-grant ito kaya nagkaroon sila ng puhunan para maitayo ng sariling gasolinahan…ang galing hindi po ba?
 
Masaya ang mga tricycle driver dahil may sarili na silang gasolinahan, inggit pa nga iyong ibang tricycle  drivers associations mula sa ibang bayan sa kanilang accomplishment bilang tricycle drivers cooperative.
 
Hanggang dumating ang panahon na hindi pala sila nakakabayad sa loan sa postal bank…ang buong akala ni president ay nakakabayad sila pero hindi  pala.
 
Ito ang isang problema na araw gabi na lumiligalig sa kanyang isipan…nakakahiya, nakataya ang pangalan niya bilang presidente ng cooperative.
 
Isang araw, bigla na lang inatake sa puso si presidente…dahil hinahabol na sila ng banko.
 
Ayon sa mga insiders ng cooperative…iyong  limang milyon piso na loan ay hindi naman nila nahawakan ng buo.
 
Ang cooperative nila ay ginamit lang daw ng isang makapangyarihan at kinakatakutang tao sa kanilang bayan na nakakatakot banggain dahil may history na ng pagpatay.
 
BM Nino Arboleda, kumusta na po ba ang 5th district? Long time no see na tayo ah. Kasama po pala kayo ni BM Ranjit sa paglinaw sa isyu ng price hike ng Panelco III.
 
Mayor Heidee Chua ng Asingan, kumusta na po diyan? Nalinis na po ba ang iligal na droga sa inyo?
 
May mga nagtutulak ng Cojuangco-Calimlim sa 2016…papayag po ba kayo? Winnable po ba itong tandem na ito?
 
FIGHTING PRESIDENT. Sinag President, BOSS SENDO…kumusta na po ang laban kontra smuggling? Kailan lang ay nasa balita na naman kayo nang magsampa kayo sa Supreme Court ng kaso laban sa RTC Judge na nagpa-release ng smuggled na bigas.
 
Sino po ba sa Pangasinan ang kasing tapang ni Boss Sendong? At itong judge pala na ito ay kapatid ni former Supreme Court Justice at ngayon ay Ombudsman Carpio-Morales.
 
Hahaha. O ayan ha! Huwag niyo nang sulsulan si Boss Sendo na tumakbo sa public office. Sure na sure tayo na kapag nasampahan siya ng kaso sa Ombudsman ay talo agad siya. Hehehe.
 
Ang complaint ni Boss Sendo laban sa judge ay “grave misconduct” at ”knowingly rendering unjust judgment” sa pag-issue ng injunction order na nagging susi sa release ng 167 container vans ng Vietnamese na hinuli ng Davao Customs collector.
 
STUDENT OF HISTORY PRESIDENT. Student of history pala itong ating Presidente Noynoy Aquino.
 
Mahilig pala siya magbasa ng mga libro tungkol sa kasaysayan ng mga tao, lugar, bansa, giyera at kung ano ano pa.
 
Bilang student of history…maraming aral tayong makukuha sa kasaysayan pero ang bawat panahon ay iba’t iba ang sangkap.
 
May mga factors na present noon na wala ngayon pero parang pareho lang ang problema.
 
Hindi isusuko ni Presidente Noynoy ang West Philippine Sea…Agree po tayo diyan.
 
Hindi magso-sorry si Presidente Noynoy sa Hong Kong…Agree po tayo diyan. Huwag na kayo kumontra.

Entry filed under: News.

TeaM Energy cleans Sual River Onions are smuggled into country, too

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

February 2014
S M T W T F S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
232425262728  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: