MASO: Ako ang nagsaing, iba ang kumain

March 23, 2013 at 8:56 pm Leave a comment


brando-maso
MABAIT. MALINIS MAKATAO. Narito po ang ibinulgar ni secretary Bebot Villar, Nalulungkot ako sa mga nangyayari sa aking sariling probinsya sa Pangasinan. This is not an isolated operation in Pangasinan. It’s all over the country.

Bakit…Ano ba ang nangyayari sa Pangasinan?

At itinuloy pa niya, It’s a shame some influential people are supporting candidates involved in jueteng in Pangasinan. Mukhang napapalusutan ata sila kasi it’s public knowledge na may upright political leaders but surprisingly bulok ang sinusuportahan nilang kandidato.

Ahaaa! May Jueteng pala sa Pangasinan!

At sino naman ang influential people?

At itinuloy pa uli niya, Hindi yata nila alam ang tunay na pagkatao ng mga kumag na kandidato na nagpapanggap na mabait, malinis at makatao.

May pagkakataon pa kaya na mamumulat din ang influential people na hindi mabait, hindi malinis at hindi makatao ang sinusuportahan nila?

Kung sabagay si President Cory Aquino nga ay umamin at nagasisi sa pagsuporta niya kay PGMA, ngayon pa kaya.

Sinabi din ni Secretary Bebot Villar na, mayors bow to the wishes of top officials in the province…

Bow na lang tayo lahat!

CONG. ESKIMO ESTRELLA RICE PROGRAM. Ang Accelerated Certified Seed Production and Distribution Program ay isang joint project ng Abono Party-list at DA-RFU I in collaboration with the local government unit of Asingan. Hindi po ba, Mayor Heidee Chua?

Ang programa ay concept ni Abono Party-list Congressman Eskimo Estrella bilang pagsalo sa stoppage ng palay seed subsidy program ng Department of Agriculture.

Ginawa ang planning noong 2010, just after Abono won its second term bilang party-list representative na nagtataguyod ng kagalingan ng sector ng agrikultura.

Naghanap ng mga farmer-cooperators na willing to be trained bilang certified palay seeds producer…

Ang Bureau of Plant Industry (BPI) ang may papel bilang tagapagbigay ng high quality palay seeds for seed production.

Ang BPI din ang magbibigya ng certification kung ang seeds ay produced with high quality at high germination ability.

Sa briefing na ginawa ni Abono President Ponciano ‘Onyok’ Onia, sinabi niya na the importance of the project is to influence the farmer’s technical capabilities and skills in farming and their abilities to change their living conditions by way of increasing not only their production but also increasing their meager incomes.

Matapos ang training ng 14 farmer-cooperators at matapos ang isang simpleng graduation ceremony sa Asingan, nagtanim na ng mga punla ang mga graduates hanggang makapag-ani.

Ang certified seeds na naani ay ipinamigay sa mga magsasaka sa ibang munisipyo.

Sabi pa rin ni Onyok na ang pondo na gagamitin ay P1 million mula sa Abono at P1 million mula sa DA.

Naging successful ang programa…nagkaroon ng phase 2 at buong probinsiya na ang kasali at kasama na rin sa programa at provincial government.

Successful din ang phase 2 at nag-phase out na ang Abono sa programa.

Nasa kamay na ngayon ng provincial government kung gusto pa nilang ipagpatuloy ang programa.

Si Congressman Eskimo Estrella ang utak ng programa. Provincial government ang umani ng award. Hehehe. Cong Eskimo, kayo ang nagsaing, iba ang kumain!

After Phase 2 ng Accelerated Rice Seed Production and Distribution Program, sino ang magtutuloy?

Another successful program is the Pangasinan Corn Production Program of Abono Party-list.

Si Chairman Rosendo So naman ang utak nito.

Ang isa sa objective ng Corn Program ni Bos Sendong ay madagdagan ang areas planted to corn at nagawa naman ito.

Dahil mas maraming lupain ang nailaan para sa mais, mas malaki ang naging bulto ng ani.

Dumami na din ang patrons ng Pangasinan Corn Post Harvest Pocessing and Trading Center sa Carmen, Rosales.

Bumibili ng center ng mais kasama ang cobs…dati hindi pa sanay ang mga farmers na ibenta ang mais na kasama ang cobs.

Sa pamamagitan ng facility sa Rosales, nabawasan ang post harvest losses ng farmers ng corn.

O, pareng Jun Oculto ng Santo Tomas at Engr. Carding Balderas, nagchampion na naman pala ang alaga niyong manok. Hahaha.

Kumusta naman ba ang presyo ng patuka ng manok? Eh ang presyo ng gamot?

Nadagdagan na naman ba ang mga members ng Pangasinan Gamefowl Breeders Association?

ELECTION. Si Xi Jinping na ang bagong president ng China…pareho pa rin kaya ang nagiging pakikitungo nila sa Pilipinas sa usapin ng West Philippine Sea?

Wala naman nagrereklamo na nadaya sila sa China. Hahaha.

Si Cardinal Jorge Bergoglio ng Argentina ang bagong Pope ng Catholic Church at Pope Francis ang maging tawag sa kanya…ano naman kaya ang hinaharap ng catholic church sa Pilipinas sa ilalam ng bagong pope?

Wala naman nagrereklamo na nadaya sila sa Vatican. Hahaha.

Namatay na si Venezuela President Hugo Chavez na sinasabi ng western media na isang masamang tao.

Masama ba talaga siya? Pero… bakit milyon ang nakipaglibing sa kanyang huling hantungan.

Get well soon kina mayor Jonas ng Lingayen ay mayor Eddie Ballesteros ng Aguilar? Mag-ingat ng inyong puso, usong-uso.

Lima pa rin ang kandidato ng Abono para senador Jack Enrile (NPC), Chiz Escudero (Independent), Loren Legarda (NPC), Cynthia Villar (NP)at Teddy Casino (Makabayan).

Advertisements

Entry filed under: News.

BSL confident court will favor Magic mall in Malasiqui EDITORIAL: As campaign starts, start asking

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 924,468 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

March 2013
S M T W T F S
« Feb   Apr »
 12
3456789
10111213141516
17181920212223
24252627282930
31  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,440 other followers


%d bloggers like this: