CORTEZ: Sa Ugoy ng Duyan

January 24, 2013 at 8:16 am Leave a comment


brando-maso
Somebody once said, there is also a right way and a wrong way of loving someone depending on the specific circumstances. There is a right expression and a wrong expression of the right kind of love.

BOK, tutal mainit na naman ang usapin ng nanay o inay o mama o mommy, share ko na lang sa inyo ang kantang ito.

Ang awit na ito ay likha ni Lucio D. San Pedro at Levi Celerio noong panahon na sinakop ang Pilipinas ng mga Hapon.

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw/ Nang munti pang bata sa piling ni nanay/ Nais kong maulit ang awit ni inang mahal/ Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw/ Nang munti pang bata sa piling ni nanay/ Nais kong maulit ang awit ni inang mahal/ Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Meron mga taong nasa duyan ng kapangyarihan na masarap ang buhay dahil sila ay tinitingala at pansariling interes lang inaatupag.

Kumbaga sa social network katulad ng Facebook ay meron mga taong nasa duyan ng kapangyarihan na nagpapayaman ng sobra sobra, like lang sila ng like ng pera pero hindi man lang marunong mag-share.

Sa aking pagtulog na labis ang himbing/ Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin/ Sa piling ni nanay, langit ay buhay/ Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Meron mga makapangyarihan na mahimbing ang tulog dahil bukas ay siguradong may pagkain sila, may siguradong pambili ng gamot kapag nagkasakit, may sasakyan kapag may malayong pupuntahan, may pambayad sa eskwelahan para sa pag-aaral ng mga anak.

Silang makapangyarihan ay mahimbing ang tulog dahil ang bantay nila ay bituin. Ang mga general ay may ranking bituin na nagpapadala ng mga bantay para sa kanila.

Siyempre ang mga mahihirap ang sabik din na maiduyan sa sarap ngbuhay ng may kapangyarihan.

Sana’y di nagmaliw ang dati kong araw/ Nang munti pang bata sa piling ni nanay/ Nais kong maulit ang awit ni inang mahal/ Awit ng pag-ibig habang ako’y nasa duyan

Sa aking pagtulog na labis ang himbing/ Ang bantay ko’y tala, ang tanod ko’y bituin
Sa piling ni nanay, langit ay buhay/ Puso kong may dusa sabik sa ugoy ng duyan

Nais kong matulog sa dating duyan ko, inay/ Oh! Inay

Hindi natin gagamitin sa propaganda ang ating nanay kung talagang wagas ang pag-ibig natin sa ating nanay.

Kumusta na po kayo Rep. Kimi Cojuangco ng Pangasinan 5th district?

Ano po ba ang susunod na ipaglalaban niyo na may national benefit?

Ang pagiging matalino ay pareho lang kahit anong bagay sa mundong ito.

Ang katalinuhan ay puedeng gamitin sa tamang paraan o kaya naman ay sa maling paraa.

Ang talino ay puedeng gamitin para tulungan ang isang tao na maging gobernador.

VILLASIS mayor Dita Abrenica, kumusta na po kayo? Fiesta na naman diyan.

Ang tulong sa isang tao ay hindi lagging nangangahulugan na ibibigay mo ang kanyang kailangan o kaya naman ay iyong kanyang gusto para maging gobernador.

Ang tulong ay dapat na tamang tulong. Para maging may katuturan ang tulong, dapat ito ay tulong na makakatulong para mabago ang takbo ng pulitika.

Isang pulitika na walang bilihan ng boto. Isang pulitika na walang takutan. Isang pulitika na magtataas ng kamalayan ng tao sa makataong gobyerno.

Sa pagtaas ng antas n gating kamalayan, itinataas din natin ang pag-asa na Makita natin ang tamang daan, ang tuwid na landas…ang landas para sa tuloy-tuloy na pag-asenso at kaligayahan.

KAWAWA DAW OH! May isang former member ng congress ang naawa sa isang incumbent official.

Ang problema sa awa ay ito ay parang relief good lang na hindi pangmatagalan. pagkatapos ng awa…ano na? pagkatapos ng relief goods…ano na?

VICE GOVERNOR FERDIE CALIMLIM, alam niyo po ba na after bumaba ang suspension order ni Gov Gwen Garcia ay nag-take oath agad ang vice governor ng Cebu bilang governor?

Pero ito naman ang kakaiba, alam niyo po ban a hindi nag-take oath bilang vice governor ang number 1 board member ng kanilang Sangguniang Panlalawigan?

Ang rason ni number 1 board member ay kapartido niya daw si suspended governor.

Kayong mga board member, gagayahin niyo po ba ang ginawa ng number 1 board member ng Cebu kung kayo ay nasa kanyang kalagayan?

Twenty days na po, at wala pang vice governor ang Cebu mula nang maibaba ang suspension order kay gov.

Abono Party-list nominee Anong Manalo, kumusta na po ang mga farmer irrigators?

May tubig ba ang mga irrigation canals mula sa San Roque Dam?

Bok Mike, napanood mo na ba ang Ill Presidente? Eh yung Sisteraket? At iyong Juan More Try? Magaganda ba ang mga pelikulang iyan?

Sometimes it is better to quit when you are ahead. Tingnan niyo si Pacman, hindi marunong tumigil. Talon a naman.

Entry filed under: News.

With irrigation project, farmers shift to palay EDITORIAL:Will rice smuggling stop when jueteng stops?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 975,343 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

January 2013
S M T W T F S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,470 other followers


%d bloggers like this: