CORTEZ: BM Arboleda, ang BM Niño sa 5th district

September 30, 2012 at 2:47 pm Leave a comment


COMMITTEE ON SILENCE DAW. BOK NANI BRAGANZA, sigurado ako na hindi ka member ng committee na ito. Hehehe. napadalaw ka pala sa 6th district noong isang gabi. Ano ba ang ginawa mo doon. Marami daw sasakyan na nakapila doon. Sino-sino ba ang mga kinausap mo sa district 6? Governor Nani Braganza na ba talaga for 2013?

Pinasinungalingan ni BM Clemente Arboleda Jr, mas kilala bilang BM Niño ang paratang na diumano siya ay member ng committee on silence ng Sangguniang Panglalawigan.

Ang isip, puso at damdamin ni BM Niño ay para sa mga mamamayan ng 5th district ng Pangasinan.

In terms of attendance, perfect siya…walang absent. Sabi nga niya, Sa trabaho itself, I am proud to say na may ginagawa ako.

Sison Vice Mayor Ben Mariñas, kumusta na po kayo? Maayos ang relasyon at coordination ni BM Niño Arboleda sa mga local government officials dahil three years siyang naging councilor ng Alcala bago naging vice mayor for six years.

Maaga siyang nakikipag-ugnayan sa mga local government units tungkol sa mga ordinansa na ginagawa sa mga Sangguniang bayan kaya naman walang masyadong aberya kapag umakyat na ang ordinansa sa Sangguniang Panlalawigan.

Bilang board member representing the 5th district, umuupo din siya sa mga nagaganap na hearings ng ibang mga committee na dumidinig sa mga isyu ng ibang bayan na hindi kasama sa 5th district.

Nakikipagbalitaktakan din siya sa mga hearings…alam niyo ba na noong grade school pa siya ay isa siya lagi sa listahan ng ‘noisy?’ hehehe. So, paano siya nasabing member ng committee on silence?

Maganda ang working relationship ng Abono Party-list kay Arboleda katulad ng working relationship ni Rep. Kimi Cojuangco sa kaniya.
Lahat sila nagtutulungan para sa ikabubuti ng 5th district.

Hindi kasalanan ni BM Niño na ganoon ang itsura niya at naniniwala siya na hindi nakukuha sa porma at pagandahang lalaki ang manalo sa halalan.

Alam ng taong bayan na ang ibinoboto nila ay iyong mga nakakatulong na umunlad ang buhay nila… Sa trabaho ang sukatan.

Hindi maiaalis ni BM Niño na may mga detractors siya. We cannot please everybody, sabi nga niya.

Payo ni dating board member Chu Caranacho sa akin,sabi ni BM Niño: Insan, magsipag ka…umikot ka ng umikot.

At sinusunod ko iyon, ang dala ko ay hindi lang pangalan ng Arboleda, ang dala ko ay ang pangalan ng Alcala at Urdaneta. Nakakahiya naman kung wala namang akong nagawa para sa bayan. Makakalabas pa kaya ako ng bahay na taas noo kung tamad ako? Sagot ni BM Niño Arboleda.

Sa sessions plantsado na dumaan na sa committee. Kapag may bisita nagtatanong din tayo. Lahat ng documents ng mga ginagawa ko sa Sangguniang Panlalawigan ay naka record.

I am not a perfect public servant, sabi nga niya. Pero, tinitimbang natin ang ating mga desisyon para mas marami ang makinabang.

Alam niyo ba noong year 2000, pagkatapos niya ng college, bumalik at nanirahan siya sa Alcala pero minsan sinita siya ng mga pulis dahil umakyat siya sa bubong ng isang pawnshop?

Kaya pala siya umakyat ng pawnshop, eh dahil mahina ang signal ng Smart noong araw doon sa Alcala.

Nang manalo siya bilang councilor, he made representations with Smart Communications to do something about the cellular phone signals. Malakas na din ang signal ng Globe at Sun sa Alcala.

Hindi niya ikinakaila na batang aircon siya. Simpleng bahay, simpleng kuwarto basta may aircon…okay na siya.

May isang panahon sa buhay ni BM Niño sa Alcala na kapag nagbukas ka ng aircon before 10 pm ay magba-brownout sa buong Barangay dahil mababa ang level ng pumapasok na kuryente sa kanila.

BM Niño made representations with the electric cooperative na maglagay ng sub-station sa bayan kaya naman gumanda ang power service sa Alcala.

Sa mga nagsusulat ng mga negative comments sa kanya, eto ang sagot niya, That’s a part of it. I respect their opinions I am not holding any grudges against them. They can say anything they want. That is the beauty of democracy in our country and I believe na dapat palakasin pa natin ang freedom of speech.

Walang balak maging mayor ng Alcala si BM Niño . Sabi nga niya, I am enjoying serving the people of the 5th district. Si Vice Mayor Paolo Mencias na pamangkin ko, siya ang tatakbo na mayor ng Alcala.

Atty Jazon Collado, kumusta na ang gatas, fresh milk? Paano ba pinaghahalo ang gatas at pulitika?

May tismis na ikaw daw ang kinukuha na vice mayor ni Mencias para sa ticket niya sa 2013, totoo ba? Sabi naman ng iba, kung may Collado na tatakbo, dapat mayor na!

Bilang isang Kristiyano, meron tayong mga duties and responsibilities sa ating bayan. Hindi lang tayo ang anak ng Diyos na pudeng magsilbi sa bayan. Marami diyan na mas magaling pa kaysa akin ang dapat mabigyan ng opportunity na maging mayor ng Alcala, sabi ni BM Niño.

Ang isang mahalagang contribution ni BM Niño sa Alcala ay ang kanilang Comprehensive Land Use Plan (CLUP). Mapapansin niyo na ang hati ng mga lupa doon ay block-by-block parang sa Amerika. May zoning…ibig sabihin may para sa school, para sa residential, para sa commercial area, para sa agriculture, para sa entertainment, at may red light district din doon.

Ang red light district ay nasa gitna nga bukid…gitna ng bukid para walang maiistorbo kapag maingay, gitna ng bukid para kapag may gulo madaling ma-contain.

Sa mga misis, madali nilang mahahanap ang mga mister nila kapag nawawala sa gabi, puntahan sa gitna ng bukid. hehehe

Maraming hindi naniniwala at kumukontra noon na magkakaroon ng CLUP ang Alcala dahil sa kawalan daw ng sapat na pondo, pero sa pagpupursige ni Arboleda nagawa at naipatupad ito.

Hindi masamang mangarap, ito ang sagot niya sa usapin na may mga nag-iimbita sa kanya na maging vice governor sa 2013.

Yun pangarap kong maging maging vice governor, hindi natin alam baka magkatotoo din.

Mayor Bobom Perez, kalian po ba masisimula iyong pinirmahan niyong Urdaneta City Agri-Pinoy Trading Centers (APTC) mula sa Department of Agriculture. Maganda iyan bilang trading post ng mga lowland or ‘pinakbet’ vegetables na directing makikinabang ang mga vegetable farmers dahil mawawala na sa equation ang middlemen

Vice Governor Ferdie Calimlim kumusta na po kayo? Marami ang nakikinabanga sa mga monobloc chairs na ipinamahagi niyo sa mga barangay at mga munisipyo. Kalian naman daw po darating iyong mga airconditioners para sa mga barangay hall?

SENATE 2013. Para sa mga sumusubaybay sa latest survey para sa senators para sa 2013, eto po ang resulta ng latest Pulse Asia survey.

1. LEGARDA, Loren; 2.ESCUDERO, Francis “Chiz”; 3-5 CAYETANO, Alan Peter, ESTRADA, JV Ejercito, ENRILE, Juan Ponce Jr.; 6-10 TRILLANES, Antonio “Sonny” IV, HONASAN, Gregorio “Gringo”, PIMENTEL, Aquilino Martin “Koko” III, 6-11 ZUBIRI, Juan Miguel “Migz”, ANGARA, Edgardo “Sonny”, 9-11 VILLAR, Cynthia, 12-15 BINAY, Ma. Lourdes Nancy, 12-16 GORDON, Richard “Dick”, 12-16 MAGSAYSAY, Ramon “Jun” Jr., 12-17 MADRIGAL, Ana “Jamby.”

JPE PA RIN. Juan Ponce Enrile pa rin. Sugod sa Oakwood…Atras. Sugod sa Manila Pen…Atras. Sugod sa Privilege Speech…Atras. Ganito inilarawan ni JPE si Sen Trillanes. Kaya niya tinawag na duwag or coward.

Sa ngalan ng self preservation, number 1 si JPE. Siya lang ang nagsurvive sa EDSA 1 senatorial contest. Naging presidente si Cory, JPR pa rin. Naging presidente si FVR, JPE pa rin, Naging presidente si Erap, JPE pa rin. Naging presidente si GMA, JPE pa rin. Naging presidente si PNoy, JPE pa rin.

Sino po ba ang tuta ni GMA? Minsan naging Speaker of the House si Manny Villar at ni-railroad niya ang impeachment ni President Erap. Minsan naging Senate Presidnet din siya sa panahon ni presidente GMA.

Si Sen. Manny Villar ngayon ang pinuno ng Nacionalista Party. Si Manny Villar ang sinuportahan ni Sen. Trillanes sa presidential elections noong 2010.

“Kung hindi dahil sa akin, nandoon pa rin siya, nabubulok sa Camp Crame,” sabi ni Enrile, pagkatapos ng nabigong Manila Pen takeover.

Alam mo ba na ang paghahati ng Camarines Sur ang pinaguusapan bago sila nag-away? One year na ang debate sa Cam Sur.

Ayaw ni Governor L-Ray Villafuerte na mahati ang Cam Sur…Gusto ni Cong. Luis Villafuerte na mahati ang Cam Sur at kasalukuyang Congressman sa 2nd district ng Cam Sur si Dato Arroyo na anak ni GMA.

Last term na ni Gov L-Ray at makakabanga niya si Dato Arroyo sa 2nd district.

Ano ang interest ni trillanes sa Cam Sur? Ang Cam Sur provincial Administrator ay isang dating sundalo na si Fermin Mabulo. Si Fermin Mabulo ay kasama ni Trillanes sa Oakwook mutiny na naging mayor noong 2007 ng bayan San Fernando, Camarines Sur. Tumakbo si Mabulo bilang congressman ng 2nd district laban kay Dato Arroyo pero natalo siya hangang naging provincial administrator ni Gov. L-Ray Villafuerte.

Advertisements

Entry filed under: News.

No ‘Arboleda’ will run vs Bobom in 2013 elections-Nino EDITORIAL: No need to panic

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Trackback this post  |  Subscribe to the comments via RSS Feed


Welcome to Northern Watch Online.You are visitor no.

  • 904,723 since Feb. 10, 2009

Events Watch

sugod agri-expo Photobucket

Last Week’s Cartoon

Photobucket

Previous issues

Day Watch

September 2012
S M T W T F S
« Aug   Oct »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
Regional blogs & blog posts
Regional blogs
Media blogs
Opinion blogs
Community blogs

Enter your email address to subscribe to this blog and receive notifications of new posts by email.

Join 1,428 other followers


%d bloggers like this: